Chapter 17

5.3K 184 10
                                    

Naabutan pa nila ang buong pamilya na nag-aagahan. Sabay na pumasok silang dalawa sa kainan, si Angelo na abot tenga ang ngiti, at si Loren naman ay di makatingin at pulang-pula ang mukha, magkatabi silang naupo sa harap ng mesa.
     "Kape ate Loren" ang sabi ni Isabel na di maitago ang ngiti salabi nito habang inaabot ang mug kay Loren. Isang matipid na salamat lang ang naisagot ni Loren.
     "Aba indong, ika'y tinanghali na saan ka baga galing?" tanong ni Isko na may bahid ng pagbibiro.
     "Baydi-laang" sagot ni Angelo habang ipinaglalagay ng pagkain sa plato si Loren, pero di niya napigilang ngumiti. Habang si Loren naman ay di makatingin at nakatungo lang, na para bang batang may ginawang kasalanan.
     "Aba nini, anong nakain mo't namumula ang iyung mukha?" biro ni Isko kay Loren na lalong namula ang mukha.
    "Ha? Ah eh" ang tanging naisagot ni Loren.
    "Kain na Loren" ang sabi sa kanya ni Angelo, "ika'y magtigil Isko, palibhasa'y ikaw ay kulang sa iyu"-
    "Tamuka, una sabi mo ako'y subra, ngay-on ako'y kulang, palibhasa'y ikaw ay katatapos laang" ang nakangusong sagot ni Isko, na naging dahilan para magtawanan ang lahat, habang si Loren ay lalong nahiya at namula ang mukha.

     Nagpunta na ng kiskisan ng palay sina tatay Julio at Angelo, kahit pa ang huli ay ayaw iwan si Loren sa bahay at pinagtabuyan na lang niya ito.
     "Ako ay aayaw na magpunta ngay-on sa kiskisan" ang sabi ni Angelo kay Loren nung umaga ring iyun, at inexaggerate pa ang punto niya, parang bata si Angelo na nagmakaawa kay Loren.
     "Ano ka ba? Di pupwedeng dito lang tayo maghapon at walang gagawin" sagot ni Loren kay Angelo na nakasalampak sa malapad na narrang upuan sa salas.
     "Ay sino bagang nagsabi na wala tayong gagawin maghapon?" Ang sagot ni Angelo na malaman ang ngiti.
     Natawa naman si Loren, "ay iyan ay gagaw-in natin magdamag" sagot ni Loren na ginaya ang punto nila.
     "Ay ako'y aayaw pa rin, marami namang trabahador doon, ngayon lang ako di papasok" ang nakasimangot na sagot ni Angelo.
     Napabuntong hininga si Loren, "ay siya sige kung aayaw ka wala kang" sabay bulong ni Loren sa tenga ni Angelo, at kinagat-kagat pa niya iyun kaya nakiliti ito.
     Nanlaki naman ang mga mata ni Angelo, "ay siya! Ako ay yayaon na ng mabilis" sabay tayo nito at lalabas na ng bahay, pero muli itong bumalik at hinila papalapit sa kanya si Loren.    
     "Good luck kiss muna" bulong nito sa mga labi ni Loren bago ito siniil ng halik.

     Tumulong si Loren sa gawaing bahay para maubos ang oras niya, nang wala na siyang magawa nagpunta siya sa pundohan at ninamnam niya ang magandang tanawin.
     Inalis niya ang kanyang tsinelas at naglakad sa puting buhangin, habang binabasa ng mahinang alon ang kanyang mga paa. Hinahanap hanap na niya si Angelo, she never felt this way for Christian. She loves Angelo so much, at nakapag desisyon na si Loren, yayain niya si Angelo pa Manila at makikipagkalas na kay Christian.
     Natigilan siya sa pag-iisip at paglalakad nang tawagin siya ni nanay Rosing.
     "Halika Loren at magmeryenda tayo!" Alok sa kanya ni Rosing, may dala itong tray ng pagkain at umakyat sa kubo, agad namang naglakad pabalik si Loren at umakyat na rin siya sa kubo.
     "Nagluto ako ng pansit hab-hab, paborito ito ni Angelo" ang sabi ni Rosing kay Loren.
     "Paborito niya po ito?" Tanong ni Loren.
     "Ay oo, madalas siyang magpaluto nito" sagot ni Rosing.
     Naupo na silang dalawa at nagsimula ng kumain, ilang sandali pa'y nagsalita muli si Rosing.
     "Ah Loren, di sa nangingialam ako, alam kong malalaki na kayo at alam nyo na ang mga ginagawa ninyo, ang tanong ko laang ay kung sigurado ka na ba sa naging desisyon mo?" Tanong ni Rosing.
     Napatigil naman sa pagkain si Loren, at tiningnan sa mga mata si nanay Rosing, "sigurado na po ako nanay Rosing, alam ko po na mahal na mahal ko si Angelo" ang pag-amin ni Loren with all honesty.
     "E paano ang katipan mo?" Ang tanong muli nito sa kanya.   
     "Makikipagkalas na po ako kay Christian pagbalik ko po ng Manila, alam ko naman po na sa simula pa lang na di ko talaga siya mahal, narealized ko lang lahat mula nang makilala ko si Angelo. Gusto ko po sanang isama si Angelo sa Manila pagbalik ko" ang sabi ni Loren.
     Napabuntong hininga si Rosing, "yun din naman ang gusto naming mag-asawa para kay Angelo, pero buhat nang magkasakit si Julio ay kinuha na niya ang responsebilidad dito, kahit na, kaya pa naman naming mag-asawa, mas lalo nang umayaw ito, nung iwanan siya ni Agnes. Gusto kong ipagpatuloy niya ang karera niya sa buhay, di yung nagmumukmok siya rito" muling sabi ni Rosing.
     "Pipilitin ko pong makumbinsi si Angelo" sagot ni Loren at isang mahigpit na yakap naman ang isinagot sa kanya ni Rosing.
     "Salamat at muli mong ibinalik ang ngiti sa anak ko Loren, pero natatakot akong masaktan siyang muli, alam nating may buhay ka rin sa Maynila. Baka masaktan kayong dalawa" ang malungkot na sabi ni Rosing.
     "Nakahanda po ako sa kung anu man ang mangyari, pero hanggat kaya ko po siyang makumbinsi, gagawin ko" ang sagot ni Loren.

     "Tay anong oras na?" Ang muling tanong ni Angelo. Napakamot na lang ng ulo si Julio sa katatanong ng anak, aburido na naman itong umuwi.
     "Angelo, tatlong oras pa tayo rito, marami pang mga palay na nakapila para ipakiskis, kung gusto mo ay mauna ka na laang umuwi" sagot ni Julio.
     Ayaw naman umuwi agad ni Angelo, alam niyang magagalit si Loren, alam niyang ayaw nitong maantala ang gawain niya dahil sa kanya.
     "Ano ba naman indong, ako'y nalilingas na sa iyo, kanina ka pa pauli-uli, para ka bagang pusang bihag" sabi ni Isko habang tinitingnan si Angelo na kanina pa di mapakali. 
     Ang laki ng pinagbago ni Angelo, ang sabi ni Isko sa sarili. Dati ay inaabot sila ng dilim sa trabaho.  
     Bihira rin itong ngumiti noon, ngay-on ay di ito mapirme at panay ang tingin sa orasan, at aburidong makauwi sa bahay. At lagi na itong ngumingiti at tumatawa. Simula nang dumating si Loren.
     Ang pinangangambahan laang nila ay kapag dumating na ang oras na kailangang bumalik ni Loren pa-Maynila.
     Biglang natigilan si Angelo sa paglakad ng pabalik-balik, nang mamataan niya sa malayo ang naglalakad na si Loren.
     Papunta ito sa kanila at kasunod ang panganay na anak ni Isko na si Elmer na may dalang basket. Walang pagsidlan ang sayang naramdaman ni Angelo, nagmadali siyang naglakad at halos patakbong nilapitan si Loren.
     "O saan ang punta niyon ah? At parang inapuyan ang puwit" ang sabi ni Julio nang makitang nagmamadaling lumabas ng rice mill ang anak.
     Tumingin si Isko sa labas, " ay kaya naman pala, dumating si Loren, ay iya, baka sipagin na iyan at di na mag aburido" sagot ni Isko.

     Loren was out of breath ng makita si Angelo. She couldn't believe na maeexperience niya ang feelings na nabasa lang niya sa mga novels.
     Akala ng niya na exaggeration lang ito ng mga authors just to make a good story. But now she realized they were all true.
     Biglang bumilis ang paglalakad niya ng makitang papalapit na rin sa kanya si Angelo. She saw joy in his eyes and his wide smile.
     When he reached her, niyakap siya nito, kahit tinitingnan sila ng ibang tao sa kiskisan. Mabilis namang hinalikan ni Loren sa pisngi si Angelo na lalong lumapad ang ngiti at naningkit ang mga mata.
     "Bakit naisipan mong magpunta rito?" natutuwang tanong ni Angelo.   
     "Bakit ayaw mo ba?" mukhang may tinatago ka rito?" tanong ni Loren na tiningnan siya ng masama.
     "Aba'y wala! ako nga'y natutuwa at dumating ka, ako'y aburido ng umuwi" sagot ni Angelo habang magkahawak kamay silang naglakad pabalik ng kiskisan.
     "Hindi ba may usapan tayo?" sagot ni Loren na natuwa sa sinabi ni Angelo, dahil ganun rin ang nadama niya, kaya nga siya nagpunta rito dahil sa gusto niya itong makita.
     "Maski na" sagot ni Angelo sabay halik sa kamay ni Loren na hawak niya.
     "Ay kaya naman pala parang inapuyan ang puwit ni indong ay" biro ni Isko.
    "May dala po akong meryenda, nagluto si nanay ng pansit" sabi ni Loren, "may softdrinks din saka yelo, buti na lang may nadaanan kaming tindahan, inihatid po ako ng anak ninyo mang Isko".
     "Anong gamit ninyo motor?" tanong ni Angelo na magkasalubong ang kilay, kahit pa kaibigan niya si Elmer, ayaw niyang isipin na nakaangkas si Loren sa likuran nito at nakahawak ng mahigpit.
     "Hindi, bangka ang ginamit namin, wala kasi si Isabel para maghatid sa akin dito ng motor" sagot ni Loren.    
     "Mag-uuli na naman iyon" sagot ni Angelo.
     "Hayaan mo na at malapit na namang magpa-Infanta iyon at magpapasukan na" sagot ni Julio sa anak.
     Biglang naisip ni Loren na malapit na rin pala siyang bumalik pa-Manila. Para siyang magpapanic. Bakit ang bilis naman? parang di niya kayang mapalayo kay Angelo.
     Pero di naman pupwedeng iwan na lang niya ang buhay niya sa Manila. Di niya puwedeng bitiwan na lang ang business niya na pinagpaguran niya ng ilang taon.  
     Kailangan niyang makumbinsi si Angelo na sumama sa kanya.
     "Loren?" tanong sa kanya ni Angelo, nang mapansing tumahimik siya at parang may iniisip.
     "Maghugas ka na ng kamay, para makakain ka na, wala akong dalang mga plato at tinidor, dahon lang ng saging" sabi ni Loren.
     "Ay ito'y habhab, di talaga ito ginagamitan ng tinidor" sagot ni Julio.
     "Ako nama'y nahihimbi kay Angelo at asikasong-asikaso hane?" biro naman ni Elmer.
     "Ay mainggit ka na laang, at ika'y aayaw pang ligawan si Marie" sagot ni Angelo.
     "Si Marie ay ikaw rin ang gusto"
     "Iya ako'y taken na" nakangiting sagot ni Angelo, sabay akbay kay Loren at kinabig papalapit sa kanyang dibdib, kurot naman sa tagiliran ang ginanti ni Loren.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon