Chapter 6

5.1K 154 11
                                    

                          

Nadama ni Loren ang mainit na dampi ng mga kamay ni Angelo.
     At kahit pa nakatayo na si Loren ay di pa rin inalis ni Angelo ang mga kamay nito sa pagkahawak sa kanya. At kung bakit ba sa halip na magalit si Loren ay di siya nakagalaw. She felt breathless and hot all over. Christian had touched her so many times, pero ni minsan nakadama ng ganito. What she felt right now ay di niya maipaliwanag. Ang sabi ni Loren sa sarili. At muntik pang matumba si Loren ng biglang alisin ni Angelo ang mga kamay sa pagkahawak sa kanya.
     "Thank you, pero kaya no namang tumayo mag-isa di mo na ako kailangang tulungan" ang galit na sabi ni Loren kay Angelo na ikinainis ng binata.
     "Iyan bang maganda mong mukha at katawan ay totoo? O iya'y plinano mo laang at ipinagawa?" tanong ni Angelo at tiningnan si Loren mula ulo hanggang paa, at nagbalik sa dibdib nito.
     "I beg your pardon, but these are God given gifts" ang mataray na sagot ni Loren kahit pa namula ang mga pisngi sa pagkatitig sa kanya ni Angelo.
     Hane nga? Sana'y binigyan ka rin niya ng magandang ugali hane?" sagot ni Angelo.
     Walang naisagot si Loren at itinikom na lang niya ang mga labi sa inis, lumapit naman si Isko sa kanila.
     "Ayos ka laang ba nini? At ikaw sana ay aking sasambutin ay di kita inabot" ang sabi ni Isko kay Loren.
     "Maghinaw ka na" utos ni Angelo kay Loren nang nakitang nadumihan by basing buhangin ang suot nitong palda, pati mga binti at kamay nito. Itinuro rin niya ang poso kay Loren.
     Paika-ikang naglakad si Loren palapit sa poso, nang nakita siya ni Angelo na hirap maglakad ay Bulgarian siya ni Angelo para alalayan. Pinagbomba siya ng tubig ni Angelo habang hinugasan ang ni Loren ang kanyang mag binti at mag kamay.
     "Ari na iyan at wag ka na maglandi ng tubig" ang sabi ni Angelo.
     Tiningnan ng masama ni Loren si Angelo, kaya natawa naman ito sa reaksyon ni Loren.
     "Huwag kang maglandi, mag-aksaya o maglaro ng tubig" paliwanag ni Angelo.
     Napangiti naman si Loren kay Angelo, at ang eksenang iyon ay di nakalagpas sa mga mata ni Isko. Napapadalas ang pagngiti ni Angelo nitong nakalipas na mga araw.
     At nang subukan muli ni Loren na maglakad napatili siya nang biglang buhatin siya ni Angelo.
     "Ay! Ibaba mo nga ako! Di mo ako kailangang buhatin!" ang sabi ni Loren habang karga ni Angelo. Ang isang braso nito at nasa kilikili ni Loren, habang nasa ilalim ng mag hita niya ang isa pang kamay nito. Ang mga kamay naman ni Loren at nakahawak sa batok ni Angelo.
     "Para tayo'y makaadyo sa bahay ng mabilis hane" ang nakangiting sagot ni Angelo kay Loren.
      Iniakyat niya si Loren sa bahay at pinangtinginan sila nina Isabel at nanay Rosing. Hiyang-hiya si Loren at namula ang mga pisngi.
     "Ay napa'no?" ang alalang tanong ni Rosing, habang nakangiting naman ng husto si Isabel sa dalawa.
     "At naburingka sa buhanginan" ang sagot ni Angelo sa ina saka idiniretso si Loren sa silid nito.
                           **********
     "Magpalit ka na ng damit damit at basa na ang palda mo" utos ni Angelo kay Loren, "bilisan mo at ako'y babalik" bilin niya kay Loren bago lumabas ng kwarto. Maya-maya'y kumatok na si Angelo at pinagbuksan siya ni Loren.
     "Ako na ang maglilinis ng sugat mo" ang sabi ni Angelo.
     Sumunod na lang si Loren at di na nakipagtalo, naupo na siya sa kama at itinaas ang kaliwang binti.
     Inalis ni Angelo ang basing bandage. Binuhusan niya ng agua oxinada saka pinunasan ang gilid ng sugat. Saka nilagyan ng bagong bandage.
     Again, Loren felt breathless, naiinis na siya sa sarili kung bakit ba ganun na lang ang nararamdaman niya sa tuwing malapit si Angelo.
     At nang bigla niyang naalala, nung gabing nilagnat siya. Naaninag niya ang mukha ni Angelo na nag-painom ng tubig at gamot sa kanya. Si Angelo rin ang nagpunas sa kanya ng basang towel para bumaba ang lagnat niya. And he was the one, who ran his fingers through her hair, nang di siya mapakali sa kama. His soothing voice calmed her. Si Angelo ang nagbantay sa kanya magdamag.
      Loren cleared her throat bago siya nagsalita.
     "Thank you nga pala sa pagligtas mo sa akin. At sa pag-alaga mo nung nilagnat ako" sabi ni Loren.
     "Wala iyon, kahit sino naman ay tutulong sa nangangailangan" sagot ni Angelo.
     "Thank you pa rin kasi ikaw yun" sagot ni Loren, at para bang gusto niyang bawiin ang biglang nasabi.
     Napakunot ang noo ni Angelo, "bakit mo naman nasabi?" tanong niya.
     "Ha, ah, kasi nameet ko ang family mo, ang babait kasi nila sa akin" sagot ni Loren.
     "Balak mo bang tawagan si Christian kanina?" ang tanong ni Angelo, alam na niya ang pangalan ng katipan nito dahil sa nabasa niya sa tablet.
     "Oo sana kaso mahina pala ang signal ng network ko rito"
     "Minsan malakas, minsan mahina, kumporme rin sa panahon" paliwanag ni Angelo.
     "Susubukan ko na lang bukas" sagot ni Loren.
     "Di ka na talaga makapaghintay hane? Tanong ni Angelo "bakit ka ba aburidong maikasal?"
     "Hindi ako aburido, gusto ko lang na maikasal na kay Christian" pagsisinungaling ni Loren.
     "Huh, kung gusto kang pakasalan ng lalaki, matagal ka na sanang inalok niyon, ibig sabihin wala pa sa isip niya ang  magpapakasal sa iyo" mariing sagot ni Angelo.
     "I don't need your opinion kung tapos ka na pwede ka ng lumabas" galit na sabi ni Loren.
     "Ay mabuti pa nga, kaysa makasama kita rito at baka ako pa'y pikutin mo at aburido kang makapag-asawa" galit na sagot ni Angelo saka lumabas ng kwarto.
     Naiwang nakabuka ang bibig ni Loren at di makapaniwalang sinabihan siya ng ganun ni Angelo, at kung bakit parang may kumurot sa kanyang puso. Nasaktan siya sa sinabi nito, dahil iyun ang totoo.
                         
    
     

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon