Di nagawang humarap ni Loren kay Angelo kinabukasan. Kaya nagkunwari na lang siyang tulog, nang katukin ni Isabel ang kwarto niya kanina.
Halos di na siya nakatulog sa kaiisip sa nangyari kagabi. Ganun pala ang ginawa sa kanya ng ex nitong si Agnes, ano nga bang pinagkaiba nila? ang tanong na hanggang ngayon ay ginugulo si Loren.
Si Agnes na handang ibigay ang sarili para sa pangarap na buhay, at siya na handang ibigay ang sarili dahil ito ang plano niya sa buhay na dapat na masunod. Ano nga bang pinagkaiba nila? tanong ni Loren sa sarili. Gusto na naman niyang maiyak, nang may kumatok ulit sa pinto ng kwarto.
"Loren?" ang tawag ni Angelo sa labas ng pinto, sabay katok, "Loren pakibuksan mo naman ang pinto".
Idinikit ni Loren ang tenga sa pinto, "Loren pakiusap", ang mahinang sabi ni Angelo.
Hindi alam ni Loren kung bakit di niya kayang tiisin si Angelo, napabuntong-hininga muna siya, bago niya ito pinagbuksan ng pinto. At sa halip na galit at nakasimangot na mukha ang inaasahang mukha ni Angelo ang magkikita ni Loren, ay nakangiti si ito sa kanya, na nagpabilis na naman ng tibok ng kanyang puso.
"Aakitin sana kita" sabi ni Angelo kay Loren, na nanlaki ang mga mata at namula ang mga pisngi.
Natawa si Angelo sa naging reaksyon ni Loren, "aakitin, yayayain sana kita papuntang bayan. Kasama natin si Isabel, gusto mo bang sumama?”
Tanging pagtangu – tango lang ang isinagot ni Loren, at isang matipid na ngiti.
“ Sige, pero mag-almusal ka muna at di ka pa kumakain" ang sabi sa kanya ni Angelo.
"Sige" sagot ni Loren kay Angelo, tumalikod na siya at isasara sana muli ang pinto para makapag – ayos siya ng sariling matigilan siya sa sinabi ni Angelo.
"Ikaw pala ay mahalay ang isip hane?" biro ni Angelo kay Loren, na ang tinutukoy ay ang pamumula ng pisngi ni Loren, nang sabihan niya itong aakitin. At sa halip naman na magalit ay natawa na lang si Loren sa sinabi ni Angelo.
“Ay ikaw ay aakitin kong muli, na ako ay sabayan sa pag-aalmusal, hintayin kita sa kusina” ang sabi sa kanya ni Angelo, bago ito tuluyang tumalikod, at naglakad paalis.Papunta na sila ng bayan, si Isabel ay nagdidrive ng solong motor, habang nakaangkas si Loren kay Angelo, dahil daw sa malubak ang daan, di pwedeng kay Isabel siya umangkas, yun ang sabi ni Angelo, which she doubted was true, dahil parang tuwang-tuwa ito kapag napapakapit siya ng mahigpit sa dibdib nito at nakadikit na rin ang dibdib niya sa likod nito.
Hindi pa nakasakay ng motorsiklo si Loren at ayaw niyang sumakay dito, dahil sa dami ng taong namamatay dahil sa motorcycle accidents, kaya naman, talagang kapit kung kapit si Loren kay Angelo.
"Talagang plinano mo'to no?" akusang tanong ni Loren, habang nakakapit ng mahigpit kay Angelo.
Napangiti naman si Angelo, "ay ang alin?" ang patay malisyang tanong ni Angelo at inexaggerate pa ang punto niya. Kurot naman sa firm nitong tiyan ang ganti ni Loren.
"Aray!" sambit ni Angelo na natawa, "aba'y baka kung saan mapunta iyang kamay mo, iya" biro pa nito sa kanya.
Napangiti lang si Loren, "malayo pa ba?"
"Ilang gaod na laang" sagot ni Angelo.
Narating din nila ang bayan ng Burdeos, dumiretso muna sila sa police station para maireport na ligtas si Loren at mailog sa logbook. Pagkatapos ay napagkasunduan nila na magkita na lang sa harap ng isang kainan sa bayan.
"Maglilibot pa kayo hane?" tanong ni Angelo.
"Ay siyanga, at mamimili pa kami at magtitingin ng mga damit" sagot ni Isabel.
Napakamot ng ulo si Angelo, "ay siya, kung gusto ni Loren na sumama bukas sa pagtitiba ng saging ay bilhan mo siya ng longsleeved na damit at baka papakin ng lamok iyan doon" bilin ni Angelo, saka ito umalis.
"O narinig mo ang kuya, ikaw baga'y gustong sumama?" tanong ni Isabel.
"And missed the experience?! syempre sasama ako" ang masayang sagot ni Loren.
Agad silang nagpunta sa isang mini grocery at namili ng mga kailangan sa bahay, habang si Angelo nama'y namili ng mga kailangan para sa motor at bangka nila.
Tapos ay naglibot pa sina Loren at Isabel, namili si Loren ng kanyang toiletries sa isang botika, saka sila dumiretso sa bilihan ng mga damit, namili siya ng extrang underwear, longsleeved shirts, at leggings. Nagtawanan pa silang dalawa ni Isabel paglabas ng bilihan ng damit, dahil sa malaking discount na nakuha nila.
"Ate Loren ang galing mo namang tumawad" sabi ni Isabel.
"Part ng trabaho ko ang tumawad kasi kailangan kong mapagkasya ang budget ng kliyente ko" sagot ni Loren.
Masaya si Loren sa pamamasyal, oo nga't di ito yung mamahaing malls sa Manila, pero di niya ito hinanap, dahil kasi masarap kasama si Isabel, ang sabi ni Loren sa sarili.
Nang matapos na sila sa pag-iikot sa bayan, nagpunta na sila sa kainan. Naupo na silang dalawa sa loob at wala pa doon si Angelo, umorder na rin sila ng meryenda habang naghihintay.
Naisipan ni Loren na tawagan na si Christian, nagpaalam siya kay Isabel na lalabas sandali. She checked her phone at nakitang may signal ito, agad niyang pinindot ang number nito.
"Hello Loren?" bati ni Christian.
"Hi" ang simpleng sagot ni Loren.
"So natuloy ka ba sa Siargao?" ang tanong ni Christian kay Loren, at umasang natuloy nga ang girlfriend sa bakasyon nito, gusto niya sanang nasa good mood ito at well rested kapag nakipag-break na siya.
Oo, yun ang balak ni Christian, ang distansiya sa pagitan nila ni Loren ang nagparealized sa kanya na di talaga niya mahal ito. Nagustuhan niya si Loren dahil sa qualities nito, di dahil sa inibig niya ito.
"Ah, yah" ang pagsisinungaling ni Loren, di niya alam kung bakit dati ay pursigido siyang tumawid ng dagat para lang masundan ito, pero ngayon ay nawala na ang interes niya. "How's the project?"
"Nasimulan na namin ang construction, medyo maulan lang dito"
"That's good to hear, I hope to see you soon, take care okey?"
"Okey, Loren are you alright?" tanong ni Christian na napansin na wala ito sa mood na makipag-usap sa kanya, gusto na sana niyang magtapat kay Loren.
"Of course, bakit naman hindi?" pagsisinungaling ni Loren.
"You sound withdrawn"
"Napagod lang siguro ako"
"Loren I want to tell you something"- ang panimula ni Christian pero naputol ang linya dahil sa na deadbatt ang phone ni Loren, who was relieved na naputol ang usapan dahil sa pagsisinungaling niya kay Christian na first time niyang ginawa.
Pero parang importante ang sasabihin ni Christian, ang sabi niya sa sarili. Ibinalik na ni Loren ang phone sa kanyang bag, napabuntong-hininga siya.
Papasok na sana siya sa loob ng kainan nang makita niya si Angelo na may kasamang babae, nag-uusap ang dalawa habang naglalakad.
Natigilan siya at tiningnan ang dalawa, parang may kumurot sa kanyang puso. At nang makita siya ni Angelo, nagpaalam na ito sa babae at naglakad papalapit sa kanya.
"Tapos na ba kayong mamili?" tanong ni Angelo.
"Oo" sagot ni Loren, pero ang mga mata niya'y nasa babaeng naglakad papalayo.
Napansin iyun ni Angelo at lumingon, nang makita niya kung sino ang tinitingnan ni Loren, napangiti siya.
"Iyun ay kapitbahay natin sa Mabini, kababata ko iyun" paliwanag ni Angelo.
Napatingin naman si Loren kay Angelo nang sabihin nitong "kapitbahay natin", parang natural na siyang nakatira sa kanila, at di niya kung bakit siya natuwa nang marinig iyun.
"Nasa loob na ba si Isabel?" tanong ni Angelo.
"Oo, kumain muna tayo" yaya ni Loren kay Angelo na hinawakan siya sa kamay habang papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Right on Schedule [complete] © Cacai1981
Romance(mature readers only! 18+) "Pero bakit? bakit ikaw pa rin ang babaeng gusto kong maangkin pero alam kong kahit kailanman ay di magiging akin?" ang muling sabi ni Angelo na mababakas ang hinanakit sa boses nito. "Bakit di mo subukan?" ang mahinang s...