Epilogue

7.1K 254 79
                                    

Nakatayo si Loren sa may buhanginan sa pundohan.
Dalawang taon na silang kasal ni Angelo, at pagkatapos na manirahan ng isang taon sa Manila, bumalik sila sa Mabini.
Mas pinili ni Loren ang manirahan dito. Hinanap-hanap niya ang payak na pamumuhay sa isla ng Polilio sa bayan ng Burdeos.
Kaya ibinenta na niya ang kanyang company kay Francine, na siya ring nag-organized ng kasal niya.
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi, nang maalala niya ang araw ng kanyang kasal.
Kabaligtaran kasi ang kasal niya sa lahat ng mga naihandle niyang event. Kung ang kasal ng mga kliyente niya ay "perfect" at "right on schedule", nagkapalya - palya ang kanya.
Dahil sa tag-ulan ang kasal nilmalalaking alon ang sinuong ni Francine, na wala na yatang ginawa kundi ang humiyaw simula pa lang ng biyahe, pero, infairness kay Francine, talagang prinotektahan nito na hindi mabasa ang kanyang wedding gown, pati ang fiver tiered na cake niya, na galing ng bayan ng Infanta, ay buong buhay na prinotektahan ni Francine.
Sa isang maliit na chapel sa Mabini ginanap ang kanilang kasal, at sa isang malawak na hardin sa isang loteng pag-aari rin ng pamilyang Durante ginanap ang reception.
Nadelay man sa oras ang simula ng kasal at reception dahil sa malakas na ulan, ay naging maayos ang lahat, at para kay Loren, perfect ito.
Natuwa siya sa pag handle ni Francine ng kanyang kasal, kaya alam niyang nasa mabuting kamay ang kumpanyang, sinimulan at ipinaubaya na niya kay Francine.
Di na kailangan ni Loren ng career, buo na ang pangarap niya. Ang asawang si Angelo at at ang mag-two years old nilang panganay na si Antonio.
Tinanggap naman ni Angelo ang isang project sa isla ng Jomalig, sa company rin na pinagtatrabahuan ni Christian.
Si Christian, na bayaw na ni Angelo, dahil pagkatapos ng kasal nila ni Angelo, niligawan ni Christian si Isabel. Nagpakasal sila then after five months, nanganak na si Isabel, at sa Manila na nanirahan ang mga ito.
Madalas na lokohin ni Angelo si Christian, na "di umubra ang bilis at tulis mo kay Loren hane? At kay Isabel ka pala lulusot".
Ang project na kinuha ni Angelo sa Jomalig ay ang magiging huli na nitong trabaho bilang engineer, kahit pa kasi uwian ito mula sa Jomalig pabalik ng Mabini gamit ang bangka, ay madalas na nag-iistay ito sa site lalo na kapag maalon.
At alam ni Loren na aburido ito kapag di nakakauwi sa kanilang mag-ina. Pagkatapos ng project ay babalik na ito sa pamamahala ng negosyo ng pamilya dito sa Mabini.
Namataan na ni Loren ang bangka, sakay nito si Angelo at si Antonio, lagi nilaitong ginagawa kapag day off ni Angelo. Namamasyal ang mag-ama bago pumutok ang araw.
"Mama!" sigaw ni Antonio pagkakakita kay Loren.
"Hello baby" bati ni Loren sabay yakap at halik sa anak na buhat na ni Angelo pagkababa ng bangka.
"Hello" bati ni Angelo sabay siil ng halik sa asawa, at umupo siya para halikan ang five month old na baby nila sa tiyan ni Loren.
"Hello baby Reina" ang sabi ni Angelo sa tiyan ni Loren at hinalikan iyun.
Naupo na sila sa kubo, at ibinigay ni Loren ang milk bottle kay Antonio, dumede na ito habang kandong ni Angelo, at naka-akbay naman ang isang braso kay Loren.
At sabay nilang pinanuod ang pagsikat ng araw na tanaw sa sabang ng Mabini.
The End

"Sometimes, someone comes into your life unexpectedly, takes your heart by surprise, and changes your life FOREVER"

random quotes

Thank you so much for reading!

* if you see this story in other foreign platforms, then it was posted without my knowledge and without my permission*

                     - Cacai1981



Please turned to next page for the teaser of Till Another Dawn

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon