Chapter 14

4.9K 153 8
                                    

Mabilis na pinaharurot ni Angelo ang kanyang motor, papunta sa kabilang baranggay. Pinauwi siya ng kanyang tatay ng di siya makagawa ng maayos at nakamusdot o nakasimangot siya simula pa nung umaga.
     Alam ni Julio ang dahilan ng ikinikilos ng anak, kaya minabuti niyang pauwiin na lamang ito, kaysa sa muli siyang atakihin sa puso sa inis sa anak na lahat na lang ay sinisinghalan nito.
     Pagdating ni Angelo sa bahay ay wala si Loren, tinanong niya ang nanay at sinabi nga nito na isinama ito ng kapatid sa birtdeyan.
At kapag may birtdeyan ang ibig sabihin ay may inuman. Kaya nagmadali siyang paandarin ang motor papuntang kabilang baranggay.

     Sanay na sanay uminom ng dinner drinks si Loren, pero ng lambanog? nakakailang shot pa lang siya ay umikot na ang kanyang paningin.
     At totoo nga ang sinabi ni Isabel, maraming binatang taga-roon ang nagpuntahan nang makita silang dumating.
     Dahil naging talk of the town din si Loren, kaya maraming gustong makita ang dalagang nasagip sa laot, na nasa bahay ng mga Durante.
     At may mga naka-inuman na nga silang mga lalaki, na ang isa ay nakatabi niya, at halos kasing edad din niya ito at kagwapuhan din.
     Bakit parang walang pangit dito sa Mabini? ang tanong ni Loren sa sarili, sabay shot ulit ng lambanog. Napapikit siya sa gumuguhit na likido sa kanyang lalamunan.
     Pero kahit pa, di niya kaya ang lasa, ay tuloy lang siya. Mas gusto niyang magwalwal ng mga sandaling iyun, para makalimutan ang mga nalaman niya kaninang umaga.
     "Ate Loren kaya mo pa ba? gusto mo na bang umuwi?" nag-aalalang tanong ni Isabel nang mapansing namungay lalo ang mga mata ni Loren, at mapula na ang mukha nito. Tiyak na malalagot siya sa kuya niya kapag nakitang lasing na lasing si Loren.
     "No I can handle myshelf" tanggi ni Loren, ayaw pa niyang umuwi at makikita lang niya si Angelo at maaalala ang mga ginawa nila ni Maricel. Ano nga bang ginawa nila ni Maricel? tanong niya.
     "Kaya pa naman daw niya Isabel, hayaan mo laang" ang sagot ng lalaking kainuman nila.
     "Aba! ako'y kagagalitan ni kuya"galit na sagot ni Isabel sa lalaki.
     "Hayaan mo nga iyang kuya mo, shiya nga nakikipaglandian kung kaninong babae" ang lasing na sagot ni Loren.
     Naramdaman niyang, umiikot na ang paningin niya. At wala na siyang nagawa kundi ang sumandal sa lalaking katabi.

    
     Dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay ng kaibigan ni Isabel si Angelo.   
     "Sina Isabel po?" tanong niya sa nanay ng kaibigan.
     "Uy Angelo ikaw pala, ay nasa likod bahay sila, duon sa may puno ng mangga at nag-iinom, kasama nila yung taga-Maynilang nasagip mo hane" sagot ng matanda, "aba'y ang mga lalaki rito'y parang inapuyan ang mga puwit at nagsipagparito, akala mo ay artista ang dumating, aba! Ay totoo ngang maganda ang babaeng taga-Maynila hane".
     Yun lang ang kailangang marinig ni Angelo para magmadali itong lumabas sa likod bahay, at nakita nga niya ang mga ito sa ilalim ng puno.   Malayo pa lang siya ay nakita na niya si Loren na nakasandal sa kainumang lalaki.
     Mukhang tuwang-tuwa ang gago, at nakuha pang hagurin ang likod ni Loren, ang galit na sabi ni Angelo sa sarili, saka mabilis na lumapit si Angelo sa mga ito.
     "Hayo!" ang sabi ni Angelo sa lalaki na para bang nagtaboy ng aso, natakot naman ito nang makita siya at ganuon din si isabel. Mabilis namang umalis ang lalaki, saka niya  tinabihan si Loren para maalala yan ito.
     "Kuya siya ay inaakit ko na umuwi, ayaw pa ni ate" pagpapaliwanag si Isabel.
     Alam ni Angelo na nagsasabi ng totoo ang kapatid, di nito gugustuhing mapahamak si Loren.
     "Ang sabi niya kasi ay marunong siyang uminom at di siya agad nalalasing" dugtong pa ni Isabel.
     "Hayaan mo na, yayaon na tayo" ang sagot ni Angelo sa kapatid. 
     "Loren, Loren?" ang mahinang sabi ni Angelo kay Loren habang ginigising ito. Nakaakbay siya rito habang nakasandal sa kanya si Loren.
     "Hmmm?" iminulat ni Loren ang kanyang mga mata at nakita niya ang gwapong mukha ni Angelo.
     "My golden angel", sambit ni Loren ay ngitinitian niya ito. Umiikot na naman ang paningin niya, at si Angelo ay dumoble sa kanyang mga mata, nahihilo na siya, at parang hinahalukay ang kanyang sikmura. At di naniya napigilan ang sumuka sa dibdib ni Angelo.
     "Arhg" ang pagsuka ni Loren, sabay hawak sa bibig niya.
     "Golden angel, suka angel na ako ngayon" ang natatawang sabi ni Angelo. Mabuti na lang at doble ang suot niya, isang long sleeved na camisa de chino at isang t-shirt na pang-ibabaw.
     Lagi siyang nagdodoble lalo na't nagbubuhat siya ng mga sako ng palay na pinakikiskis sa kanila.
     "Ugh, I'm sorry" ang sabi ni Loren habang hawak ang bibig.
     "Okay laang" sagot ni Angelo sabay hubad ng damit, pati ang pang-ilalim niyang long sleeved shirt ay hinubad na rin niya para ipunas sa bibig ni Loren at sa dibdib niya.
     Iniabot niya kay Isabel ang mga hinubad na pang-itaas para maitapon, saka niya binuhat si Loren papunta sa motorsiklo. Isinakay niya si Loren sa kanyang harapan habang nakasandal ito sa kanyang dibdib, saka niya pinaandar ang motor ng dahan-dahan.
     Pag-akyat sa bahay idiniretso agad ni Angelo si Loren sa kwarto nito at inihiga sa kama, inutusan rin niya si Isabel na kumuha ng maligamgam na tubig at maliit na towel para panlinis kay Loren.
     "Angelo?" sambit ni Loren.
     "Hmm? Loren nandito lang ako" bulong ni Angelo habang hinihimas ang buhok ni Loren.
     "Sorry nasukahan kong damit mo" sabi ni Loren.
     Napangiti naman si Angelo, "iya, hayaan mo na, papapalitan ko na lang sa iyo kapag di ka na nalilingas".
     Napaluha si Loren, "akala ko gusto mo ako, yun pala si Maricel pa rin" ang naluluhang sabi ni Loren.
     Hinaplos ni Angelo ang pisngi ni Loren at pinahid ang luha na dumaloy rito, "Loren, walang namagitan sa amin ni Maricel, kaibigan ko lang siya" bulong ni Angelo.
     "I liked you already, I liked you more than Christian" bulong ni Loren.
     Natigilan si Angelo sa narinig, biglang lumakas ang kabog sa kanyang dibdib.
     At ayaw man niya dahil sa lasing ito, ay di pa rin niya napigilan ang sarili na halikan si Loren sa mga labi nito.
     Nananabik naman si Loren sa halik ni Angelo, hinawakan niya si Angelo sa batok and she pulled him closer to deepen the kiss, their mouths and tongues mated, and she heard herself moaned.
     Bigla namang napatayo si Angelo nang bumukas ang pinto, nag-alangan pa si Isabel na pumasok.
     "Ehm, tulungan mo na siyang maglinis" ang sabi ni Angelo sa kapatid na medyo namaos ang boses. Lumabas ito ng di man lang lumingon sa kapatid.
     Napangiti naman si Isabel, "Huli si kuya" ang nakangiting bulog nito.

     Hindi maintindihan ni Loren kung bakit sinasabi ng mga lasing na di nila matandaan ang ginawa nila. Dahil siya, naalala niya ang nangyari kahapon, at ngayo'y hiyang-hiya siya sa sarili. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng kwarto, dahil di naman pwedeng magkulong na lang siya roon. Tiingnan niya ang oras, it's already eight in the morning, nakapag-agahan na silang lahat.    
     "Here goes" ang bulong ni Loren bago lumabas ng kwarto, as she expected, wala ng masyadong tao sa loob ng bahay, siguro ay nasa labas na ang mga ito at busy na sa mga gawain, ang sabi ni Loren.
     Nagpunta siya sa kusina para magkape, at doon ay naabutan niya si Isabel, na naghahanda ng uulamin para sa tanghalian, ngumiti ito sa kanya ng makita siya nito.
     "Masakit bang ulo mo?" tanong ni Isabel.
     "Ah, hindi naman, gusto ko sanang magkape" nahihiyang sabi ni Loren.
     "Sandali at ikukuha kita"
     "No wag na,alam ko naman kung saan, excuse lang ha" ang sabi ni Loren kay Isabel.
     Pagbalik niya ay naglalagay ng plato si Isabel sa lamesa,    
     "Ipaghahanda kita ng agahan" ang sabi ni Isabel sa kanya.
     "Okey na ang kape Isabel, wag ka ng mag-abala" tutol ni Loren.
     "Ibinilin ka ng kuya na pakainin ka ng agahan, dahil di ka kumain ng hapunan kagabi" paliwanag ni Isabel.
     Napabuntong-hininga na lang si Loren, at walang nagawa kundi ang kumain.
     "Isabel, sorry kahapon, nakakahiya sa kaibigan mo at nagkalat pa ako dun" ang nahihiyang sabi ni Loren.
     "Ay hayaan mo na, balewala sa kanila yun, nagpunta pa nga sila kanina at kinamusta ka dahil nag-alala rin sila sa iyo" sagot ni Isabel.
     "Ang babait naman ng tao rito sa inyo, siguro kung sa Manila nangyari yun, pinagtsismisan na ako" sagot ni Loren, "nasaan na nga pala si Angelo?"
     "Maaga pa'y nasa Lupa na sila nila tatay, at dadalhin na nila ang mga saging sa bayan, ang iba naman ay sa bayan ng Infanta at may buyer na duon na naghihintay" paliwanag ni Isabel.
     Matatagalan pala ang balik ni Angelo, ang sabi ni Loren sa sarili.

     Nakabalik na sina tatay Julio at mang Isko sa bahay, sa bayan lang ng Burdeos sila nagpunta, habang si Angelo ang nagpunta sa bayan ng Infanta. Natapos na silang maghapunan pero wala pa rin si Angelo.
     Naupo si Loren sa lagi niyang pinupwestuhan sa bintana ng kusina kung saan tanaw niya ang pundohan at bahay ni Angelo. May nakasabit na petromax sa kubo para kay Angelo, pero ten na ng gabi ay di pa rin dumarating si Angelo.
     Ayaw man ni Loren ay pumasok na siya sa loob ng kwarto dahil sa inabot na siya ng antok.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon