Chapter 8

4.8K 162 8
                                    

Di makatulog si Loren at kanina pa paikut-ikot sa loob ng kwarto. Anong oras na ba? tanong niya sa sarili at saka tiningnan ang relo na nakasabit sa loob ng kwarto.
     Alas-onse pa lang ng gabi, nag-aalangan man siyang lumabas lumabas ng kwarto, ay tumuloy pa rin siya, kaysa naman sa mabagot siya rito sa loob ng kwarto, at tuluyan na niyang kausapin ang sarili, dahil sa hindi pa siya dalawin ng antok. 

     Dahan - dahan siyang lumabas ng kanyang kwarto, tahimik na ang buong bahay pati sa labas ay wala ng maririnig na gising. Di tulad sa Maynila na, sa ganitong oras ay buhay na buhay pa ang paligid.
     Sumilip siya sa bintana ng kusina, maliwanag ang buwan kaya kitang-kita niya ang kubo na pahingahan sa may pundohan, nakita rin niyang patay na ang mga ilaw sa bahay ni Angelo, marahil ay tulog na rin ito, ang sabi ni Loren sa sarili.
     Nakita ni Loren ang maliwanag na kalangitan dahil sa sinag ng buwan, ang liwanag nito ay nagbigay ng kislap sa dagat.
     Dahil sa magandang view, nagpasyang bumaba ng bahay si Loren at pumunta na lang sa kubo, doon na lang siya magpapalipas ng oras, para magpa-antok.
     Binagtas niya ang mabuhanging daan patungo sa pundohan, at nang mapadaan siya malapit sa bahay ni Angelo, saglit siyang tumigil. Tinanaw niya ang bahay ni Angelo, patay na ang ilaw sa bahay nito, mahimbing na siguro itong natutulog,ang sabi ni Loren sa sarili.
     Naisip niya si Angelo, na nakahiga sa kama nito, wala rin kaya itong pang - itaas na damit kapag natutulog? Ang tanong ni Loren sa sarili.
    She imagined Angelo, in his bed, his upper body bare, his firm muscles against the soft sheets, the light dusting of hair on his navel, down to his....
     Nag - init ang mga pisngi ni Loren, dahil sa erotic imagination niya kay Angelo. Hinawakan niya ang kanyang nag-init na pisngi at nagpatuloy siya sa paglakad patungo sa kubo.

     Nakaupo si Angelo sa may veranda na nasa gilid na parte ng kanyang bahay. Tanaw mula roon ang kumikislap na tubig ng dagat, dahil sa liwanag ng buwan.
     Hindi siya makatulog, kaya nagpasya na lang siyang lumabas at naupo sa madilim na bahagi ng veranda.
     Ginugulo ang isipan niya ni Loren, napabuntong-hininga si Angelo. Ang katulad nito ay ang babaeng yumurak sa puso niya noon.
     Pero bakit kakaiba ang pakiramdam niya para kay Loren? Ang sabi ng isipan ni Angelo, at ang ikinatatakot niya ay mas higit pa ang nadarama niya kay Loren kaysa kay Agnes noon.
     Dahil ba sa sinagip niya ito? marahil iyun ang dahilan, ang sabi ni Angelo sa sarili, dahil sa naging parte siya ng pangalawang buhay nito.
     Kailangan niyang mapigilan ang sarili na mahulog muli sa isang babaeng pilit na gagawin ang lahat para lang masunod ang gusto.
     Natigil sa pag-iisip si Angelo, nang mapansin niyang bumukas ang pinto ng kusina ng bahay ng mga magulang niya. At nakita niyang bumaba si Loren at dahan-dahan itong naglakad papunta sa kubo, saglit pa itong tumigil para tingnan ang bahay niya.

     Biglang tumigil ang paghinga ni Angelo, tila ba kapag huminga siya ay makikita nito kung nasaan siya.
     Muli niyang pinakawalan ang kanyang hininga na pinigilan niya, nang di siya napansin nito, sa pag-akalang tulog na siya ay dumiretso na ito sa kubo at naupo sa hagdan.
     Napangiti si Angelo, tumayo siya sa kinauupuan at sumunod sa kubo.

     Naupo si Loren sa pinakataas na baitang ng hagdan ng kubo. Tumingala siya sa langit at pinagmasdan ang malawak na kalangitan na punong-puno ng mga bituin. Tila ba sinabuyan ng mga kumikislap na liwanag ang maaliwalas na kalangitan.
     Namangha si Loren sa magandang tanawin, at napapikit ang kanyang mga mata, ano na bang nangyayari sa buhay niya? tanong ni Loren sa sarili.

     Dalawang araw palang siya rito, pero parang di na niya maalala ang buhay niya sa Manila, at ang ikinatatakot pa ni Loren ay di niya ito hinahanap.
     "Di ka ba makatulog?" tanong ni Angelo.
     "Shit" sambit ni Loren na nagulat sa boses ni Angelo, napadilat siya bigla at napahawak sa dibdib.
     "Nagulat ba kita?" ang nakagiting tanong ni Angelo kay Loren na di nagawang magalit nang makita nito ang ngiti sa mukha ni Angelo, at gumanti na rin ito ng ngiti.
     "Sorry ha tinambayan ko muna itong kubo ninyo" sagot ni Loren.
     "Kaya nga ito ginawa, para tambayan" sagot ni Angelo.
     Inirapan lang ito ni Loren, "gusto mo ba akong samahan?" tanong ni Loren.
    "Pwede ba?" ang seryosong tanong ni Angelo, at muling nagtama ang mga mata nila.
    "Oo naman" ang mahinang sagot ni Loren na muli na namang naramdaman ang tila ba kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan.
     Naupo si Angelo sa ibabang baitang, "mahal na mahal mo talaga ang iyong katipan para sundan siya sa isang lugar na di ka pamilyar" ang sabi ni Angelo.
     Napayuko si Loren, mahal? naisip ba niya kung mahal niya si Christian pagpunta niya rito? ano bang nasa isip niya bago siya magpunta? ang schedule niya, ang sabi ni Loren sa sarili.
     "Ahm, oo naman" ang sagot ni Loren na parang lumabas sa ilong, "ikaw may girlfriend ka ba?".
     Matagal na di sumagot si Angelo, tumingala siya kay Loren, "dati, pero nasa Maynila o ibang bansa na siguro ito ngayon".
     "Bakit di mo siya sinundan sa Manila?" tanong ni loren.
     "Mas pinili niya ang pangarap niya kaysa sa akin" sagot ni Angelo na halatang itinatago ang hinanakit sa boses niya.
     "Kaya ka ba galit sa lahat ng babaeng taga-Manila?"
     Tumayo si Angelo kaya magkasingtaas na sila ni Loren, saka inilapit ang mukha niya sa mukha ni Loren.
     "Kung ikaw ang tipo ng babeng gagawin ang lahat para lang makuha mo ang gusto mo, OO" mariing sagot ni Angelo.
     Magkalapit ang kanilang mga mukha, halos one inch na lang ang pagitan ng kanilang mga labi.
    Nagawi ang mga mata ni Angelo sa mga labi ni Loren na bahagyang nakabuka.
    Huwag! huwag mong gawin! ang sigaw ng isipan ni Angelo, pero di niya kayang pigilan ang sarili, hinawakan niya sa pisngi si Loren at dahan-dahang inilapat ang kanyang mga labi rito.
     Napapikit si Loren, iba ang halik ni Angelo, dahil kakaiba ang pakiramdam na ibinibigay nito sa kanya.
    At di nakuntento si Loren sa gentle kiss ni Angelo, hinawakan niya ito sa batok at idiniin ni Loren ang halik.   She opened her mouth for him. Para siyang hihimatayin at nag-init ang buo niyang katawan, lalo na when Angelo explored the inside of her mouth with his tongue. Siya ba ang naririnig niyang umuungol?
     Di makapaniwala si Angelo na ang mga labing pinapantasya lang niyang halikan ay natitikman na niya ngayon. Ganito rin ba sila ni Christian? at para siyang sinabuyan ng malamig na tubig at natigilan si Angelo, mabilis niyang binitiwan si Loren.
     "Oo pareho lang kayo ni Agnes, gagawin ang lahat para makuha ninyo ang gusto" ang galit na sabi ni Angelo.
     Loren couldn't believed it, ang bilis ng pagbabago ni Angelo, kanina lang napaka-passionate nito, "walang masama sa pag-abot ng mga pangarap mo Angelo, di mo ba naintindihan yun?" mariing sagot ni Loren.
    "Huh, oo, lahat nga gagawin mo para makuha ang pangarap. Pati pag-ibabaw sa kama, sa matandang foreigner na magbibigay sa kanya ng pangarap niya" ang sagot ni Angelo kay Loren na natulala sa sinabi niya, "ikaw Loren, na handang ibigay ang sarili para sa pinapangarap mo na kasal? anong pinagkaiba ninyo ni Agnes?".
     Yun ang huling sinabi ni Angelo, bago siya naglakad pabalik sa bahay niya, habang sinundan lang siya ng tingin ni Loren, na hindi na napigilang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon