Chapter 19

4.7K 157 13
                                    

Pagkatapos nilang maningil sa bayan  ay nagikut-ikot muna silang dalawa roon. At kapag may nakasalubong silang kakilala ay ipinakikilala ni Angelo si Loren, kitang-kita ang pagiging proud sa mukha nito.
     Pero namomroblema si Loren, di niya inasahan ang alok ni Angelo, naunahan siya nito. Gusto pa naman niyang yayain ito pa-Manila, pero mukhang sarado ang isip nito, ang naisip ni Loren.
     Pagkatapos maglibot ay nagpasya na silang umuwi, hinintay na lamang ni Loren sa harap ng isang kainan kung saan sila nagmeryenda.
     Umalis muna sandali si Angelo para kunin ang pinacheck niyang motorsiklo. Habang naghihintay ay naisipan ni Loren na i-on ang kanyang phone. Nang magkasignal ay agad pumasok ang maraming messages at missed calls sa di niya kilalang number.
     Kinabahan si Loren at di na binasa ang messages at tinawagan na lang ang number.
     "Hello? miss Loren?" ang sagot ng lalaki sa kabilang linya.
     "Oo, ako nga, sino ito at paano monakuha ang number ko?" tanong ni Loren.
     "Kasamahan ako ni Christian, I'm engineer Gilbert, naaksidente kasi si Christian sa site".
     "What? what happened to him? where is he?" alalang tanong ni Loren, na nanlambot ang mga tuhod at napaupo siya sa gilid ng kalsada.
     "He's okey now, tinahi yung right side na taas ng kilay niya. But he needed to see an EENT specialist to make sure na di naapektuhan ang paningin niya, nandito kami ngayon sa public hospital sa Infanta Quezon, sinabi nga niya sa amin na huwag ka ng tawagan para di maistorbo ang vacation mo, but I think you should know" sagot nito kay Loren.
     Nakonsiyensiya si Loren sa narinig, ayaw ni Christian na maistorbo ang bakasyon niya, ang di nito alam ay may ibang lalaki siyang kasama. nangilid ang luha ni Loren.     
     "D-darating ako bukas, thank you sa pag-asikaso mo sa kanya, pwede ko ba siyang makausap?".
     "Hello Loren?" ang mahinang sabi ni Christian.
     Di na napigilan ni Loren ang umiyak, "hi" she answered him, her voice was hoarse.
     "Hon, don't mind me, it's just a scratch, mag-enjoy ka lang diyan sa Siargao".
     O God, her conscience was killing her, ang sabi ni Loren sa sarili, at di na siya nakasagot dahil tuluyan na siyang umiyak.
     "Loren are you okey? don't cry please" ang alalang sabi ni Christian.
     "It's good to hear you, please wait for me, I'll be there tomorrow" ang naluluhang sagot ni Loren.
     "You don't have to do that, Ican manage".
     "No, please I'll be there tomorrow, okey hon? wait for me please, I have to hang up now hon, see you" pamamaalam ni Loren, at tuluyan na nga siyang humagulgol, di niya lubos maisip ang nangyari kay Christian, may nangyari na ditong masama pero siya pa rin ang iniisip nito.
     Parang pinunit ang kanyang puso, at sa ganung sitwaton siya naabutan ni Angelo.
     "Loren?" ang alalang tanong ni Angelo, at tinulungan niyang makatayo si Loren,"anong nangyari? sinong tumarantado sa iyo rito?" galit na tanong ni Angelo.
     Loren shook her head, "no, it's Christian" sagot ni Loren.
     Natigilan si Angelo, nawala man ang galit sa mukha nito, naroon pa rin ang pangamba at kirot sa puso nito.   
     "Nasa hospital, siya sa Infanta, may accident sa site, Angelo I have to see him" paliwanag ni Loren.
     Tikom lang ang bibig ni Angelo, at kita ni Loren ang pagpipigil nito ng galit at sama ng loob.
     "Uuwi na tayo, sakay na" ang tanging isinagot ni Angelo.
     "Angelo please"
    "Sakay na Loren" ang mariing sabi ni Angelo. Umangkas na lang si Loren sa motor, at napakapit ito ng mahigpit kay Angelo, dahil pinaharurot ni Angelo ang motor.
     Di matanggap ni Angelo, na sa kabila ng pag-amin nito ng pag-ibig sa kanya ay babalik pa rin ito kay Christian. Lagi na lang ba siyang iiwan? ang tanong ni Angelo sa sarili.  
     Sobrang sakit ng nararamdaman niya, mas masakit pa kaysa noong nahuli niya si Agnes, parang pinupunit ang puso niya.
     "Angelo please, slow down! you're scaring me!" sigaw ni Loren.
     Pero parang bingi si Angelo, tuloy pa rin ang pagmamaneho nito ng mabilis. Hanggang sa narating nila ang bahay, bumaba na si Loren, pero nanatiling nakasakay si Angelo sa motor.
     "Angelo, please listen, kailangan kong puntahan si Christian, kailangan niya ako ngayon" paiwanag ni Loren.
     Naiintindihan man ay takot si Angelo, na baka kapag umalis ito, ay di na siya nito muling balikan, at bumalik ito kay Christian o sa buhay na kinagisnan nito sa Maynila.
     "Pero paano ako?"sigaw ni Angelo, "iiwan mo na lang ako?!".
     "I want you to come with me Angelo, please sumama ka na sa akin sa Manila bukas" pangungumbinsi ni Loren.
     "Ikaw ang sumama sa akin Loren, dito ka na manirahan, kaya kitang bigyan ng magandang buhay dito, mangako kang babalik ka at dito ka na titira Loren" sagot ni Angelo.
     "Angelo, may buhay din ako sa Manila, please intindihin mo naman" pagmamakaawa ni Loren.
     "Pero binigay mo na ang sarili mo sa'kin, sa akin Loren. Sa akin ka na!".
     "I don't belong to anyone!"ang galit na sagot ni Loren, "I don't belong to you, I don't belong to Christian, I belong only to myself!" ang sagot ni Loren habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata, "babalikan ko si Christian, dahil kailangan niya ako ngayon, and I'm still his girlfriend and I'm betraying him".
     "At ganun din ang gagawin mo sa akin! Please mangako kang babalik ka at dito ka na manirahan kasama ko" pagsumamo ni Angelo.
     Napailing si Loren, "I can't, di ko pwedeng iwan ang buhay ko sa Manila".
     "Sige umalis ka na! Ayoko na kitang makita!"ang galit na sabi ni Angelo, saka niya pinaharurot ang motorsiklo paalis.
     "Angelo!" Sigaw ni Loren at napaupo na siya sa buhanginan.
     Kanina pa sila pinagmamasdan ni Rosing, ang kinatatakutan niya ay dumating na. Di niya masisi si Loren, naging totoo ito sa anak. Naawa siya sa dalaga dahil nahahati ang puso nito.
     Bumaba siya ng bahay at nilapitan niya si Loren, na tumingala sa kanya, at kita niya ang pag-agos ng luha nito sa mga mata. Tinulungan niya itong tumayo at inalalayan paakyat ng hagdan.
     Iniupo niya si Loren sa harapan ng mesa at binigyan ng tubig, awang-awa siya sa dalaga, hinagod niya ang buhok nito. Maya-maya pa'y yumakap ito sa kanya at ibinuhos ang laman ng puso nito.



Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon