Chapter 21

5.8K 191 14
                                        

"Loren ready ka na ba?" tanong ni Christian.
"I'll be in a minute, I'm just going to take this call from Francine, then we're good to go, excuse lang ha" sagot ni Loren at nagpunta muna sa loob ng kanyang kwarto para kausapin si Francine ang kanyang assistant.
Nakaupo si Christian sa sofa, may bandage pa rin ito sa ulo, nang tumunog ang doorbell, agad na tumayo si Christian at binuksan ang pinto.
"Yes?" tanong ni Christian sa mas matangkad na lalaking kaharap niya.
Nagulat si Angelo at nawala ang ngiti sa mga labi, "ah dito ba nakatira si Loren Alegre?" tanong niya.
"Oo may I help you?" tanong ni Christian.
"Ah, ibibigay ko lang sana ito sa kanya, naiwan niya sa Mabini" sagot ni Angelo sabay abot ng iPad kay Christian.
"Wait are you Angelo?" tanong ni Christian, na ipinagtaka naman ni Angelo kung paano nito nalaman ang pangalan niya, at tanging pagtangu - tango lang ang isinagot.
"Pasok ka muna, may kausap lang si Loren"
"Ah, hindi na, ibinalik ko lang yan baka kasi importante, sige alis na ako"
"Pre, sigurado ka bang ayaw mo munang makausap si Loren?" tanong ni Christian, alam niyang naghihintay si Loren na dumating ang araw na pupuntahan siya nito.
"Oo sige salamat na lang" sagot ni Angelo at umalis ito. Masakit man para sa kanya pero alam niyang di niya masisisi si Loren kung hindi man na ito bumalik sa kanya, dahil siya mismo ang nagtaboy rito.
Ilang minuto ang lumipas at lumabas na ng kwarto si Loren, "may nag doorbell sinong dumating?" tanong ni Loren. Hindi sumagot si Christian at iniabot lang ang iPad niya, bigla siyang napatingin kay Christian, and he nodded. Napaluha si Loren.
"Loren are you okey?" alalang tanong ni Christian.
Loren nodded, "he loves me Christian, sabi niya aapak lang siya ng Manila kapag buhay na ang nakataya".
"Pero bakit hindi ka niya kinausap?" takang tanong ni Christian.
"Dahil ang utak ni-yon ay gasingot!" ang natatawang sagot ni Loren.
"Gusto mo bang habulin ko?" tanong ni Christian.
"No ako ng bahala, let's get you first sa hospital para maalis na ang stitches mo at maexamine ang mga mara mo kung nagkadiperensiya, nang makabalik ka na sa Patnanungan" sagot ni Loren.
Naging maayos ang break-up nila ni Christian, pagkatapos ni Loren na mag confess, ay umamin din si Christian na una na nitong binalak na makipagkalas kay Loren. Naging magaan ang pakiramdam nila at patuloy na naging mabuting magkaibigan, kay si Loren pa rin ang nagaasikaso rito.

Nakatanaw si Angelo sa sabang, nakatayo ito sa pundohan, kagagaling lang nito sa Lupa, at nagpasiyang bumalik ng mas maaga. Kanina pa ito nakatayo at nakatanaw lang sa malayo.
"Angelo!" narinig ni Angelo na may tumawag sa kanya at kilalang kilala niya ang boses na iyun, pero di siya lumingon.
"Angelo, please magusap tayo" ang sabi ni Loren, kararating lang niya. Sumabay siya kay Christian pa-Real at dun na sila naghiwalay at magkaibang lantsa ang sinakyan nila.
"Fine! Kung ayaw mo akong kausapin then makinig ka na lang" sabi ni Loren "I was wrong, akala ko babalik na sa normal ang buhay ko pagbalik ko ng Manila, akala ko kailangan ko ang career ko. Pero balewala lahat ng iyon kung wala ka. Nakipagkalas na ako kay Christian, pero natakot akong bumalik dahil baka ipagtabuyan mo na naman ako, ngayon alam ko ng mahal mo ako, dahil kung hindi, hindi ka tatapak ng Manila "ang sabi ni Loren.
Di pa rin lumingon si Angelo, at nainis na si Loren at binato niya ito ng suot na tsinelas, at nang di pa rin ito lumingon sa kanya, iisa na lang ang paraang naisip ni Loren.
Nakita ni Angelo ang bumagsak na t-shirt sa harapan niya, at nang mapagtanto niya niya kung ano at kanino ito, bigla siyang lumingon kay Loren at nakita niyang nakalacy bra na lang ito at shorts. Nagmamadaling hinubad ni Angelo ang kanyang suot na t-shirt at halos patakbo siyang lumapit kay Loren para takpan ang upper body nito.
"Ano bang iniisip mo? Bakit mo hinubad ang t-shirt mo?" galit na tanong ni Angelo.
"Yun lang kasi ang sa tingin ko na makapagpapalingon sa'yo!" sagot ni Loren, "pagkatapos kong suungin ang malalaking alon! At sumakay ng motor papunta rito di mo ako papansinin?"
Naningkit ang mga mata ni Angelo nang marinig ang sinabi ni Loren, alam niyang takot itong sumakay ng motorsiklo at alam din niyang mahigpit ang kapit nito at halos idikit ang katawan.
"Sumakay ka ng motor?" ang galit na tanong ni Angelo.
Alam ni Loren na magseselos si Angelo kaya lalo pa niyang ginatungan ito, "oo, isinabay niya lang ako rito, ano nga bang pangalan nun? Ang tawag lang sa kanya ay si Pogi, kilala niya kayo, nang tanungin niya nga ako kung anong sadya ko rito, sabi ko kakilala ko kayo. Babalik daw siya mamaya" sagot ni Loren at idinikit niya ang kanyang dibdib kay Angelo.
Kilala ni Angelo ang tinutukoy ni Loren, pogi ang tawag dito dahil sa totoong pogi nga ito at ito'y pinsan niya. Naningkit pa lalo ang mga mata ni Angelo, hinawakan niya sa batok si Loren at kinabig papalapit sa kanya para hagkan ang mga labi nito ng buong pananabik at pagmamahal.
Loren teased him, idinikit pa niyang lalo ang kanyang dibdib kay Angelo, and she heard him groaned. Hinawakan siya nito sa kamay at patakbo silang nagtungo sa bahay ni Angelo na nagtatawanan. Napatili pa si Loren ng bigla siyang kargahin ni Angelo bago sila pumasok sa loob ng bahay nito.

Loren lie spent sa ibabaw ng dibdib ni Angelo, then she kissed him again on the lips.
"Sigurado ka bang dito ka na maninirahan sa Mabini?" tanong ni Angelo kay Loren habang hinihimas ang pisngi nito.
"Oo Angelo, pero kailangan ko munang bumalik sa Manila, ituturn - over ko na kay Francine ang business ko at kailangang mapirmahan ang mga papers" sagot ni Loren.
Umiling - iling si Angelo, "hindi Loren, itutuloy mo ang career mo sa Maynila. Handa ka bang bumalik sa Maynila na kasama ako?"
Di makapaniwala si Loren sa narinig at bigla siyang napaluha. Si Angelo ay nagpa-ubaya para sa kanya.
"O bakit ka naluluha? Ayaw mo baga?" ang nakangiting tanong ni Angelo.
Loren dipped her head to kiss Angelo again on his lips, "sinabi mo sa akin noon, na pareho kami ni Agnes, at totoo ito Angelo" ang sabi ni Loren, napakunot naman ang noo ni Angelo. "Pareho kaming umibabaw para sa pangarap namin" sabi ni Loren na nakangiti, at natawa naman si Angelo. "Ikaw ang pangarap ko Angelo, narealized ko pagbalik ko sa Manila"
"At ako naman ay nagpa-ilalim para sa buhay ko" ang nakangiting sagot ni Angelo at si Loren naman ang natawa. "Tinanggap ko na ang alok ng dating construction firm na pinapasukan ko, handa ka bang maging misis ni Engineer Angelo Durante?"
"Engineer? Inaalok mo ba ako ng kasal?" ang nakangiting tanong ni Loren.
"Pag - iisipan ko muna" sagot ni Angelo, then Loren rubbed her breasts on his chests and he groaned. "Ay siya sige! Ako ay pakasalan mo NG mabibilis hane?".
Hinalikan siyang muli ni Loren sa labi, "dapat lang at two weeks na akong delayed" sagot ni Loren, at nanlaki ang mga mata ni Angelo at napangiti ng husto sa ibinalita ni Loren.
"Ako baga'y pasok sa standard mo? Ang alok ko baga'y pasok sa iyong schedule?" tanong ni Angelo.
Ngumiti si Loren, "you're right on schedule".

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon