Chapter 13

4.8K 153 21
                                    

After her morning routine, lumabas na ng kwarto si Loren para tumulong sa paghahanda ng agahan. Nasa kusina na sina Isabel at nanay Rosing. Binati niya ang mga ito, at masaya rin siyang binati ng mga ito.
     "Pwede po bang ako na ang gumawa niyan?" tanong ni Loren kay nanay Rosing na maglalaga na ng kape.
     "Ay gusto mo? ay siya sige" sagot ni Rosing at itinuro kay Loren ang gagawin. Tumulong din siya sa paglugluto ng sinangag at tapang kalabaw. Saktong naghahain na si Loren nang dumating si Isko, bilang katiwala ng pamilya ay sa bahay na ng mga Durante ito kumakain.
     At dahil nga sa nag - inuman ang mga ito kagabi, ay medyo antok pa ito.
     "Gud morning" bati ni Isko.
     "Good morning din po mang Isko" sagot ni Loren, "maupo na po kayo at maghahain na po ako ng agahan" ang sabi ni Loren habang nagsasandok ng sinangag sa bandihado.
     "Nasaan si loverboy? di pa gising?" ang tanong ni Isko, namula naman ang pisngi ni Loren sa pag-aakalang ang tinutukoy ni Isko ay ang kiss na nakita nila sa sagingan.
     "Ay anong oras na baga kayo natapos kagabi?" tanong ni Julio, na naupo na rin sa harap ng lamesa, "salamat nini" ang sabi niya kay Loren nang ipagsandok siya nito ng pagkain sa plato.
     "Hindi mo na kami kailangang ipaghain, naku, bisita ka rito" ang sabi sa kanya ni tatay Julio.
     "Naku po, wag nyo po ako tratuhing bisita, ah, pamilya na lang kung pwede po, para pwede akong tumulong rito sa bahay" ang sagot ni Loren.
     "Ay syempre, ka pamilya ka na, ay, siya kung iyan ang iyong gusto, basta, hindi ka mapapagod hane" ang sabi muli sa kanya ni tatay Julio.
     Ngiti naman ang isinagot ni Loren at muling bumalik sa kusina para kumuha ng kape.
     "Ay, di ko alam kung anong oras na sila natapos, at ako'y umadyo na sa aming bahay, at ako'y naburingka na sa upuan" sagot ni Isko na may halong tawa ng maalala ang pagkahulog niya sa upuan.
     Dumating na si Angelo, at saktong pabalik na rin si Loren dala ang dalawang mug ng kape para kina mang Isko at tatay Julio.
    "Ay kumusta naman ang loverboy ng Mabini?" biro ni Isko.
     "Magtigil ka nga isko, kay aga-aga'y nambubuska ka" sagot ni Angelo na nakakunot ang noo.
     "Ano bang pinagsasasabi mo diyang loverboy ha Isko?" tanong ni Rosing na naupo na rin sa hapag para kumain, "halika na Loren at maupo ka na at kumain kanina ka pa riyan gumagawa".
     "Sige po, hintayin ko lang matapos si Isabel, sasabayan ko na po siya, kukuha lang po ako ng kape para kay Angelo" sagot ni Loren.
     "Iba ka talaga indong, dala-dalawa ang nag-aasikaso" biro ni Isko, "aba'y ako'y parang anino na laang kagab-i kung magharutan ang dalawang iyan sa kubo".
     "Sa kubo? aba'y di naman bumaba ng bahay si Loren kagabi" takang tanong ni Rosing.
     "Ay di naman si nini ang tinutukoy ko" sagot ni Isko.
     "Isko pwede ba?" ang mariing sabi ni Angelo kay Isko, nakita niyang narinig ni Loren ang sinabi ni Isko, at natigilan ito at nang mga sandaling iyun ay di na maipinta ang mukha ni Loren.
     "Ay ang mga langgam ay nagkalat sa kubo sa sobrang sweet ng dalawa hane" pagpapatuloy ni Isko, "kaya iniwan ko nalaang sila kagabi at ako ay nakakaistorbo na".
     Parang sinaksak sa puso si Loren, narealized niyang kahit pa nagpakita ng pagkagusto si Angelo sa kanya, si Angelo at Maricel pa rin ang ending. 
     Ang hirap pa lang mainlove, prone ka sa sakit, ang sabi ni Loren sa sarili.
     Padabog na inilapag ni Loren ang mug sa harap ni Angelo.
     "Salamat" ang sabi ni Angelo, alam niyang galit na si Loren dahil nakatikom na ang bibig nito. 
     Pagpasok ni Isabel sa kainan ay naupo na rin si Isabel sa harap ng lamesa. Sa dulong bahagi siya naupo, malayo sa dati niyang pwesto na laging nasa harapan ni Angelo.
     "Ate Loren, di mo ba ipaghahain si kuya?" biro ni Isabel.
     "Hmph! bakit ako ang maghahain sa kanya? Bakit hindi niya tawagin si Maricel, para siya ang maghain? hayaan mo ngang magsandok yang kandi na yan!" inis na sagot ni Loren, na dahilan para magtawanan ang lahat.
     Tiningnan naman siya ni Angelo, na may pagsusumamo sa mga mata, alam niyang galit na talaga si Loren.
     "Ay wala namang nangyari!" sagot ni Angelo.
     "Wag ka rito magpaliwanag, gusto mo dun ka sa baranggay" galit na sagot ni Loren.
     "Nagkwentuhan lang kami kagabi, tapos ay inihatid ko na siya" pagpapaliwanag ulit ni Angelo, "Isko, yanu ka naman ay!"
     "Bahala ka sa buhay mo, hindi ko kailangan ang pa liwanag mo, and don't talk to me again!" ang galit pa ring sagot ni Loren.
      Ang mga kasama naman nila sa lamesa ay tahimik at nakamasid lang sa kanilang dalawa.

     Nakaalis na sina tatay Julio, mang Isko, at Angelo papuntang kiskisan o rice mill na pag-aari ng pamilya.
     Ni minsan nung umagang yun ay di pinansin, kinibo, at kinusap man lang ni Loren si Angelo, kahit alam niyang gumagawa ito ng dahilan o excuse para makausap siya, andun yung kunwaring may itatanong ito sa kanya, pero tinalikuran niya lang ito. 
     Pagkatapos nitong magpakita ng sweetness sa kanya, may ibang babae pa siyang kasama? At kalandian! ang sabi ni Loren sa sarili.
     Pero bakit siya nagagalit? Wala naman siyang karapatan hindi ba?hindi ba't siya'y pag-aari rin ng iba? hindi ba't may Christian na siya? kaya wala siyang karapatang magalit kay Angelo kung may relasyon man sila ni Maricel, ang sabi ni Loren sa sarili.
     Pero di niya mapigilang di magselos, and everytime she thought of the possibilities na pwede nilang ginawa kagabi, nanggagalaiti siya sa galit.
     Naputol ang pag-iisip niya nang tawagin siya ni Isabel.
     "Ate Loren, akitin kita sa birtdeyan, baydi laang sa kabilang baranggay, kaklase ko nung high school na nagbabakasyon rin dito at sem break, kata na!" ang sabi ni Isabel.
     "Sige magpapalitlang ako ng damit" sagot ni Loren.
     "Ari na iyan, wala namang masyadong bisita" sagot ni Isabel.
     "O sige, kukunin ko lang yung bag ko"
     "Magkita na laang tayo sa baba, iaayos ko laang yung motor" sagot ni Isabel.
     Nag-ayos pa rin si Loren ng sarili, kahit pa walang masyadong bisita gusto niyang maayos at presentable siya. Naglagay pa siya ng cologne at nude lipstick na nabili niya sa bayan, naka shorts at t-hirt lang siya, saka niya isinuot at rubber niyang sandals.
     "Ay baka malagot ako kay kuya" ang sabi sa kanya ni Isabel pagbaba ni Loren ng bahay.
     "Bakit naman? ayaw ka ba niyang makibirthday?" tanong ni Loren.
     "Hindi, ay baka ika'y ligawan ng mga lalaki roon, at ako'y masampigahan ng mabilis"
     "Hayaan mo nga iyang kuya mo, busy yun kay MARICEL" sagot ni Loren at di itinago ang inis sa kanyang boses.
     "Ay siya, umiinom ka baga?" ang natatawang tanong ni Isabel kay Loren, dahil sa ipinakita nitong pagseselos.
     My God, she drinks champagne, white and red wine, and spritzer. Of course she can drink.
     "Of course, ano bang iinumin natin?" tanong ni Loren, at ngiti lang ang isinagot ni Isabel.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon