Madilim na ng makabalik sila sa bahay, at pag-uwi nila ay naging abala pa rin ang lahat.
Si Angelo ay halos Di na nakita ni Loren, mula ng bumalik sila, dahil sa dami ng inasikaso nito.
Mabuti na rin at naging abala rin siya sa loob ng bahay, para tulungan sa pagliligpit ng gamit sina nanay Rosing at Isabel, dahil kung hindi, siguradong magmumukmok na naman siya, at iisipin si Angelo.Tapos na ang lahat ng kanilang gawain, pagod man ay masarap ang pakiramdam ni Loren.
Tapos na ang kanilang gawain, pagod man ay masaya si Loren sa naging takbo ng araw niya.
At muli na namang nag - init ang kanyang pisngi ng maalala niya ang kiss nila sa may Lupa.
At hindi lang iyun, nang pauwi na sila, at habang nasa bangka, ay naka upo siya sa harapan ni Angelo. Nasa pagitan siya ng mga hita nito habang nakasandal sa malapad at matigas nitong dibdib.
She felt contented, habang nakapikit at nakasandal kay Angelo. Di nga niya namalayan na nakatulog na pala siya, paggising niya ay nasa Mabini na sa sila.
Pero ang kilig na nadama niya kanina ay parang mawawala na naman, habang nakatanaw siya sa bintana ay tanaw niya, sina mang Isko, Angelo, at ang kababatang babae ni Angelo. Nasa kubo ang mga ito at umiinom sila ng lambanog at pinulutan ang nilutong tinola ni nanay Rosing.
She could hear the faint sound ng kwentuhan, tawanan, at kantahan nila, habang si Angelo ang nag-gigitara.
"Ayaw mo bang sumali sa kanila?" Tanong ni Isabel na kanina pa pala nakatayo sa likuran ni Loren, lumapit ito at tumabi sa kanya. Inabutan siya nito ng isang mug na kape.
Inabot naman iyun ni Loren at nagpasalamat, "mukhang hahanaphanapin ko na ang kape nyo rito" ang sabi ni Loren.
"Hayaan mo, bago ka umalis ay ipagbabalot kita, kung gusto mo, ibigay mo sa akin address mo, at padadalhan kita kay kuya ng supply mo ng kape" ang sagot ni Isabel.
Ngumiti si Loren kay Isabel, pero nakadama siya ng lungkot, lalo na ng marealised niyang kailangan din niyang bumalik sa Maynila.
Tumanaw muli si Loren sa kubo at nakita niyang magkalapit ang mga ulo nina Angelo at ni kababata. Nakaramdam na naman siya ng selos.
"Di na dito na lang ako, ikaw bakit nandito ka lang, di ka ba umiinom?" Tanong niya.
"Umiinom, tinuruan ako nila kuya na uminom para di ako malasing ng mga lalaki" sagot ni Isabel "bukas ako makikipagbirthdeyan at mapapalaban ng inuman kaya ako'y pass muna rito".
Pasulyap-sulyap pa rin si Loren sa labas at napansin iyun ni Isabel.
"Siya si Maricel, kababata ni kuya" paliwanag ni Isabel.
"Wala naman akong tinatanong" sagot ni Loren, kay Isabel na napangiti.
"Hindi nga, pero interisado ka hane?" tanong ni Isabel.
"Hindi ah" Napangiti si Isabel at mukhang Di naniwala sa denial niya.
"Hmm medyo, okey interisadong-interisado ako" ang dugtong ni Loren nang nagtaas ng kilay sa kanya si Isabel at di naniwala sa sagot niya.
"Di naman sila naging magkatipan, pero niligawan siya ni kuya, kaya laang nagpa-Maynila na si kuya para mag-aral hane? pagbalik niya may asawa na si Maricel at si kuya naman ay kasama na ang katipan niya na mula sa Maynila na si Agnes".
"Nasaan na ang asawa ni Maricel?" tanong ni Loren.
"Ay pumanaw na, isang taon laang silang mag-asawa ni Maricel nang mamatay ito gawa ng pulmon"
"E si Agnes?" tanong muli ni Loren.
"Di pa ba naistorya sa iyo ni kuya?"
"Ang nabanggit lang niya ay nasa Maynila na ito at pinili nito ang pangarap niya kaysa kay Angelo, kaya sumama ito sa matandang foreigner" sagot ni Loren at di na isinama pa ang sinabi ni Angelo na magkapareho sila ni Agnes.
"Pagbalik ni kuya ay kasama na nga niya si Agnes, nagkakilala sila ni Agnes sa Maynila sa text laang, naging magkatipan sila ni kuya, at nang kailanganin ni kuya na bumalik dito, sumama si Agnes. Doon siya tumuloy sa kwarto mo habang ipinapatayo ni kuya ang bahay nila. Nainip siguro si Agnes sa buhay dito, gusto na niyang bumalik sa Maynila at inakit niya si kuya, pero ayaw ni kuya at wala na raw mamamahala rito. Pagkatapos noon ay napadalas na ang pagpunta ni Agnes sa bayan gamitang motor. isang gabi ay sumunod si kuya, at nadatnan nga sila ni kuya sa tinutuluyan ng foreigner. Di na bumalik si Agnes nung gabing iyun, at si kuya naman ay nagbago na, ngayon laang namin siyang nakitang masaya pati na ang paghalakhak ay bumalik na rin sa kanya" ang kwento ni Isabel at tinanaw ang kapatid sa labas na tumatawa ng malakas.
Bumigat ang dibdib ni Loren, at pinigilan niya ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata. Sobra pala ang sakit na dinanas ni Angelo, ang sabi ni Loren sa sarili, ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit may hinanakit ito sa mga babaeng katulad niyang gagawin ang lahat para sa pangarap.Nasanay na si Loren na gumising ng maaga na di kinakailangan ng alarm, kusa na siyang nagigising ng five ng umaga.
Napansin din niyang she doesn't checked her iPad anymore to check her schedule. Ngayon lang ito nangyari sa kanya sa loob ng sampung taon.
She accepted the fact na binago siya ng Polilio, nang Burdeos, nang mabini, ng mga Durante, at ni Angelo.
Alam niyang imposibleng mangyari, pero di niya ito plinano, mahal na niya si Angelo. Hindi niya ito naramdaman kay Christian, na nagustuhan niya dahil sa standard at ideal man niya and not because he made her breathless, not because he made her heart beat faster, not because he made her tingle all over, not because he made her blush, and not because he made her see their future together, no.
Si Angelo lang ang nakagawa nun sa kanya, at kagabi habang nakahiga sa kama, at naisip ang nangyari kay Angelo, her heart swelled with so much emotions for him, and it made her realized na mahal na niya si Angelo.
![](https://img.wattpad.com/cover/175039570-288-k878454.jpg)
BINABASA MO ANG
Right on Schedule [complete] © Cacai1981
Romance(mature readers only! 18+) "Pero bakit? bakit ikaw pa rin ang babaeng gusto kong maangkin pero alam kong kahit kailanman ay di magiging akin?" ang muling sabi ni Angelo na mababakas ang hinanakit sa boses nito. "Bakit di mo subukan?" ang mahinang s...