S 2

372 39 14
                                    

Her POV

Nagising ako nang maramdaman kong pumapatak ang tubig sa mukha ko. Umuulan.

Basa narin pala ako pero buti nalang waterproof ang bag na dala ko.

Tumayo ako saka kinuha ang gamit ko. Wala akong dalang payong at useless lang rin kung gagamit pa ako nun.

Nakikita kong nagsisitakbuhan ang iba habang ginagawang panangga ang mga bag, libro, jacket at panyo para lang hindi sila mabasa ng husto.

Hindi gaya ko. Normal na lakad. Bitbit ang bag at balabal. Diretso ang tingin. Blanko ang ekspresyon sa mukha. Hindi iniinda ang ulan. Walang pakialam kung malamig.

Yan ang lagay ko ngayon. Yan ang, pinagtitinginan nila ngayon. Pero wala akong pake.

Dumiretso ako sa CAS Bldg. para mag-CR. Wala akong dalang damit kaya ganito ako uuwi. Ayoko naring pumasok.

Paglabas ko sa cubicle, napatingin sakin ang ilang babaeng nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin. Tiningnan ko lang sila saka lumabas ng CR.

Pinagtitinginan parin ako ng mga estudyante dahil sa itsura ko, may lumapit ding prof sakin.

"Iha, basang basa ka. Wala ka bang pampalit?" umiling lang ako saka sumenyas na kung pwede ng umalis, tumango sya kaya naglakad na ako.

Hindi parin tumitila ang ulan, at kahit ayokong maglakad wala na akong nagawa. Nilusong ko nanaman ang ulan ng walang payong. Pero ayos lang, para kahit may mga nakatingin sakin hindi nila mapapansin at malalaman na umiiyak ako.

Hinayaan kong tumulo ang luha ko kasabay ng pagtulo ng ulan sa pisngi ko.

Hindi pa ba ako nagsasawa kakaiyak? Hindi pa ba ako napapagod? Kaso.. Paano kung sabihin kong nagsasawa at napapagod na ako? Ititigil ko na ba to?

Paano kung sabihin kong hindi ko na kaya, babalikan ba niya ako?

Pero syempre, imposible yun. At hindi na yun mangyayari pa kahit kailan.

Napadpad ako sa isang playground. Ang layo na pala nang nalakad ko. Umupo ako sa swing, nilagay ko sa kandungan ang bag at balabal ko. Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan at dinama ang pagpatak ng ulan.

Ang emo ko, oo, alam ko at sanay na rin ako.

Ilang buwan na nga ba? Ah mali... taon na pala. Kailan ba nangyari yun? Hmmm.. September? October??

Ah oo.. september. September 30, 2010

2014 na ngayon. So ang tagal na pala. Mag-aapat na taon narin.

At mag-aapat na taon narin akong hindi pa nakakapag-move on.

Tsk.

Move on??

Madaling sabihin, pero sobrang hirap at sakit gawin. At para akong pinapatay pag naiisip ang salitang move on.

Hindi ko kaya dahil hindi madali.

Biglang kumulog kaya napadilat ako. Sobrang lakas narin ng ulan at nagpapasalamat parin ako dahil tuyo parin ang loob ng bag ko, sabi ko nga waterproof eh.

At dahil nakikisabay nanaman ang ulan sa kadramahan ko, nanatili akong nakaupo. Siguro aalis lang ako dito pag tumila na ang ulan.

Gusto ko pang umiyak dahil pakiramdam ko ito lang ang paraan para maibsan ang sakit dito *puso*.

Pero parang alam na niya na mangyayari ito, kaya tumayo na ako saka naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Sa harap ako sumakay, dinoble ko rin yung bayad para hindi masikip at para narin hindi mabasa ang tatabi sakin.

Pagkababa ko, agad akong sinalubong ni mommy sa gate at pinatungan ng makapal na towel.

Alam talaga nya..

"Halika na para makapagpalit ka. Nagpaulan ka nanaman." kinuha ni mommy yung bag at balabal na hawak ko. Binalot ko ang sarili ko sa towel dahil nilalamig na ako. Tsk.

Pagkarating sa kwarto nagpalit na ako ng pantulog —pajama at tshirt. Hindi na ako bumaba dahil dinalhan na ako ni mommy ng pagkain dito.

Ginawa ko na muna ang assignments na ibinigay saamin kaninang umaga bago kumain. Pagkatapos ko, nakarinig ako nang busina ng sasakyan kaya bumaba ako dala-dala ang pinagkainan at iniwan yun sa lababo.

"Gabriell"

Humarap ako sakanya, ngumiti sya saka lumapit para yakapin ako. Niyakap ko rin sya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Sobra ko syang namiss. Sobra kong namiss ang..

"Dad..."

ang daddy ko. Hindi ko alam, umiiyak na pala ako.

"I miss you.." at mas lalo akong naiyak dahil dun. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Narinig ko ang ilang singhot kaya naman napatingin ako kay mommy. Umiiyak narin pala sya..

Napatingin ako sa katabi nya. Nandito sya. Lumapit ako sakanya at niyakap rin sya tulad ni daddy.

"Kuya..."

Hinigpitan nya ang yakap sakin at alam ko, pati siya umiiyak rin.

Pagkatapos nun, pinakain na namin silang dalawa. Pinapanood lang namin sila dahil mukha silang patay gutom, hindi ko akalain na makakatatlong plato sila. (smile)

Napansin ko ang pagsiko ni mommy sa braso ni daddy. Sabay silang napatingin sakin kaya ngumunot ang noo ko.

Nakita ko ring napatigil si kuya. Namumula ang mata ni mommy na parang handang pumatak ang luha niya.

"She smile..." rinig kong bulong ni mommy.

Nawala yung ngiti ko at pansin nila yun. Magsasalita pa sana si mommy pero..

"Akyat na po ako."

Tinalikuran ko na sila at dali-daling umakyat papunta sa kwarto ko. Nilock ko yung pinto saka dumapa sa kama kasabay nang pagtulo ng isang butil ng luha sa pisngi ko.

Kahit pala ganun, kahit pala nandito na ulit sila...

Masakit parin.

————————————————————

nishaelBOBS

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon