S 1

522 38 22
                                    

Her POV

"Mom please, leave me alone."

"Iha anak, wag mo namang pabayaan ang sarili mo."

"Mom please."

 (Sighed) "Iiwan ko nalang tong pagkain. Kumain kana."

 Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa noo ko. Pagkalabas nya, nilock ko yung pinto.

Ayokong may makulit. Ayokong may maingay. Ayokong may namimilit.

Ayokong may pumapasok sa kwarto ko para lang pagsabihan ako.

Ayokong may pumapasok sa kwarto ko para lang paalalahanan ako.

Ayokong may pumapasok sa kwarto ko para lang hatakin ang kumot na pinambabalot sa sarili ko.

Dahil ayokong maalala ang dating alam ko kinasanayan ko.

**

Lunes. Unang araw ng pasukan. Lahat excited. Lahat masaya dahil magkikita ulit sila. Lahat nakangiti.

May mga masayang magkakasama. Mga nagkwekwentuhan tungkol sa nangyari sakanila. Mga nagtitilian. Mga nag-aasaran. Mga nagkukulitan.

All in all.. masaya ang lahat. Maliban sakin.

"Good morning class." pagbati nang unang professor.

"Good morning Sir." ganting bati nila, hindi ako bumati. Sila lang talaga.

"I'm Mr. Eli Martinez, your Humanities subject." pagpapakilala niya. Hanggang sa isa-isa narin nagpakilala ang iba.

Tumingin ako sa bintana habang nakapalumbaba. Matagal pa naman bago sakin huminto ang 'Tell-me-about-yourself-introduction'.

Nakakarinig ako ng tawanan dahil sa mga sinasabi ng mga pumupunta sa harap para magpakilala. At isa lang ang alam kong nararamdaman ko.

Lungkot.

Napabuntong hinga ako nang malalim. Nakatingin sa malayo. Inaalala ang lahat.

Muli akong napabuntong dahil naninikip nanaman ang dibdib ko.

Hindi ko kaya. 


May nangalabit sakin sa harap. "Ikaw na" ngumiti sya pero tiningnan ko lang siya.

Tumayo ako at dumiretso sa harap.

Nakatingin ng diretso. Blanko ang ekspreyon

"Gabriella Cortez." pagtapos nun, umalis na ako sa harap.. umupo na ulit sa dulo kung saan dun ko mas pinili.

Loner.

"Ah eh... let's start our lesson"

Nagsimula na syang magklase. Lahat tutok sakanya. Lahat nakikinig sakanya. Lahat kuha ang atensyon niya. Maliban sakin.

Buong klase lang ako nakatingin sa bintana... nakatingin sa kawalan to be specific. Hindi nakikinig sa professor.

Hanggang sa dumating ang 2nd, 3rd, 4th and 5th class ko, ganun lang ako. Pakilala tapos tulala.

Uwian na kaya tumayo na ako at lumabas ng silid-aralan.

Gabi na. Nakakain narin ako. Nakapag-shower at ngayon... nakaupo sa bintana... nakatingin sa langit na puno ng mga bituin.

Pinunasan ko ang pisngi ko. Bumaba at kinuha ang gitara.. pero mali.

Dapat pala hindi ko nalang kinuha. Dapat tinago ko nalang sya. Dapat hindi ko sya nakikita kasi eto nanaman ako, nakaupo sa favorite spot, nakayuko hawak ang alam kong magpapaiyak nang sobra sakin. Hawak ang alam kong magpapasakit sakin. Hawak ang alam kong hindi na mahahawakan kailanman.

**

Martes. Ganun parin. Masaya silang lahat. Maliban sakin.

At ganun parin ako. Pakilala, tapos matutulala na.

Walang nagtangkang lumapit at kausapin ako. Pabor sakin yun dahil ayoko nang may lumalapit sakin.

Lunch time.

Hindi ako sa cafeteria pumunta. Dumiretso ako sa likod ng garden at dun kumain.

May baon ako. Simula kasi nun.. *sigh* simula nung nandyan siya lagi akong nagbabaon. Hanggang ngayon.

Niligpit ko ang baunan pagkatapos kong kumain. Hindi na ako papasok sa susunod kong klase.

Ayokong makita siya. 

Nilatag ko ang balabal na lagi kong dala at dun nahiga.

Mataas ang sikat ng araw pero buti nalang nasa lilim ako ng puno.

Ginawa kong unan ang dalawang braso ko saka pumikit.


Kamusta ka na? Kumakain ka ba dyan ng maayos?

"Hoy Gab-Gab! Ang takaw mo naman! Penge ako!" 

Naliligo ka ba dalawang beses sa isang araw?

"Gab-Gab naman! Ang bantot mo na! Maligo ka na nga!" 

Natutulog kaba nang tama sa oras?

"Wag ka nang umiyak. Halika na, tatabihan kita sa pagtulog." 

Alam mo bang miss na miss na kita?

"Ingat ka Gab-Gab!" 

Alam mo bang gabi-gabi akong umiiyak?

"Laro ulit tayo bukas!" 

Alam mo bang ang sakit sakit nang nararamdaman ko?

Payakap nga ako sa Gab-Gab ko!" 

At alam mo bang hindi ko na kaya? 

Tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Nakapikit na umiiyak. Nakapikit habang inaalala ang lahat lahat.

Dahil sobrang sakit na talaga nito *turo sa left chest part*  at gusto ko nalang mawala para kahit papaano... hindi ko na maramdaman ang sakit sa puso ko.

---------------------------------------------------------------------------

nishaelBOBS. 

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon