S 13

150 11 13
                                    

His POV

"Kaya ko kayo pinagawan ng poem ay para sa isang tao. Pasensya na pero eto lang kasi ang alam kong paraan para malaman ko kung anong nararamdaman niya hanggang ngayon." Sabi ni Ma'am Cruz.

Tumayo ako pero may pumigil sakin. "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Cr." Sagot ko.

"Kilala kita. Saan ka pupunta?" tiningnan ko lang siya sabay alis ng kamay niya sa braso ko. "Wag mo nang alamin Anne." Lumabas ako ng classroom at tumakbo.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makita ko ang hinahanap ko. Nakita ko siyang papunta sa garden kaya sinundan ko siya. Akala ko sa garden siya tatambay pero bigla siyang lumusot sa bushes.

Nagtaka ako kaya ng lumipas ang 40 seconds, sumunod ako sakanya. Pero sinasabi ko sainyo, ang hirap lumusot lalo na't ang daming langgam! Kinamot-kamot ko yung binti kong kinagat ng mga langgam. Ang sakit nila mangagat. F*ck.

"NAKAKAINIS KA!! NAKAKAASAR KA!! BWISIT KA!! ALAM MO YUN??!! HA!!?? ALAM MO BA YUN??! PACKING SH!T ROBBIE!! PACKING SH!T!!! *sob*"

Napatigil ako sa pagkamot at napatingin sa sumisigaw. Nakasalampak siya ngayon habang pinagsususuntok yung lupa.

"Bakit Robbie? Bakit? BAKIT IKAW PA??!!" sigaw ulit niya.

Nawala yung kati sa binti ko at nakatayo nalang ako dun habang tinitignan siyang magwala, umiyak at masaktan.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Kaklase ko man siya halos higit dalawang taon na, nakikita ko man siya sa loob ng classroom, hindi ko naman siya nakitang magsalita ng ganyan kahaba. Oo nagsasalita siya pero pag magpapakilala lang. Dun mo lang maririnig ang Gabriella Cortez.

Laging tahimik. Laging tulala. Laging naka-ub-ob. Laging natutulog. Laging straight face. Laging may earphone. Laging sa dulo nakaupo. Laging nakahalumbaba. Laging mag-isa at laging malungkot ang mga mata niya.

Teka may kulang.. lagi ko din palang nahuhuli na pinupunasan niya ng panyo ang gilid ng mata niya.

Kaya maraming nagulat nang magsalita siya nung araw na yun.. at muli nanamang nagulat ang blockmates namin ng magsalita siya sa harap habang binabasa ang nakasulat sa papel kasabay nang pagtulo ng luha niya na hindi niya namamalayan.

At ngayon, eto ako.. nakikita ang hindi ko inaasahan.

Hindi ko alam ang gagawin dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Para nga akong tanga dito na nakatayo lang.. nakatangang pinapanood siya.

Umabot nang halos 20 minutes ang pagwawala niya saka siya naupo sa tabi ng puno.. pinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang binti. Nanginginig parin ang katawan niya. Unti-unti akong naglakad papalapit sakanya, nang nasa tapat na niya ako ng bigla siyang nagsalita.

"Ba't ka nandito?"

Ang lakas naman ng radar ng babaeng ito. Tiptoe na nga ako kung maglakad eh. Nakayakap parin siya sa sa binti niya habang subsob ang ulo.

"*gulp* Ahmmm..." tanong ko lang, paano ba mag-comfort? Hindi ko alam eh.

"Alis." Ayun na nga, pinapaalis na ako. Ano ba 'to, paano ba??

"Hindi. Wala kang kasama eh." Sabi ko. Hindi na ulit siya nagsalita kaya naman umupo ako malapit sa tabi niya. Tumingin ako sa kalangitan, uulan na ba? Sana wag muna, o di kaya sana wag na.. wala akong extrang damit na dala.

Dun ko lang din napansin ang ganda ng lugar na ito. Nakaka-relax yun nga lang makulimlim.

"Ahmm... gusto mo makarinig ng joke?" tanong ko. Yun nalang kasi ang naisip ko eh. Wala nga kasi akong alam sa pagko-comfort.

Hindi ko siya narinig magsalita kaya nag-isip na ako ng magandang joke. Yung alam kong matatawa siya.

"Ay eto.. pero sana lang nakakatawa para sayo.." sabi ko ng hindi parin natingin sakanya. "May dalawang nagliligawan na kumakain sa isang restaurant, nagtanong yung babae sa manliligaw..

Dalaga: Talaga. May-ari ka ng mga condo units at negosyo? Wow, ang yaman mo naman pala! Saang lugar naman yan?

Suitor: Sa Cityville, FB.

Hahahahahahahahahahaha!" tumawa ako nang maalala yun, hahahaha actually narinig ko langyun sa barkada ko.

Pero napahinto ako sa pagtawa ng hindi naman natawa yung katabi ko. Tiningnan ko siya.. nakayakap parin sa binti niya. Napansin ko ang dilaw na bagay sa may paanan niya.

Pasensya na sa pagiging pakialamero pero curious ako eh, kinuha ko yun at binuklat ang naka-crumpled na yellow paper.

Nagulat ako sa nabasa ko, napatingin ulit kay Gabriella at dun sa papel. Bigla siyang gumalaw kaya naitago ko sa likod ko yung papel.

"Umalis ka dito." Malamig na pagkakasabi niya sakin. Nakatunghay na siya ngayon pero pikit ang mata na tila ayaw makakita ng kung sino man o baka...

ayaw lang niyang may makakita sa mga mata niyang nasasaktan?

"Tama na Gabriella.. lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo." Alam ko wala akong karapatan pero kung ganito lang din naman ang gagawin niya sa sarili niya kahit blockmates lang kami, hindi naman tama na hayaan ko nalang siya. After all, lalaki parin ako.. may damdamin.

"Wala kang alam."

"Siguro nga wala akong alam. Pero sana lang...

Wag kang maging makasarili. Pakawalan mo na siya, dahil alam natin pareho na isa rin siya sa mga mas nasasaktan sa sitwasyon." Tumayo na ako at naglakad papalayo sakanya.

Hindi ko man alam ang buong istorya mo, pero alam ko, pareho lang din tayong nasasaktan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon