S 9

194 19 13
                                    

(Continuation)


Bumalik na ulit ako sa homeroom namin pero sasabihin ko, ito palang ang pangatlong beses na papasok ako sa subject na 'to.

Pagkaupo ko sa dulong upuan sya namang dating niya. Nagsipag-ayusan ang mga blockmates ko ng upo.

"Good morning class.."

"Good morning Ma'am..."

Gaya nang ginagawa ko, nakatingin ako sa bintana walang paki sa paligid. Nakahalumbaba lang ako at medyo nakakaramdam ng antok, siguro dahil sa pag-iyak ko kanina... yun ang advantage ko pag naiyak, madaling antukin. Hindi ko alam kung advantage na maitatawag yun pero para sakin, oo. Dahil madali akong nakakatakas sa reyalidad.

"So, choose your group. 2-3 members lang okay? Write the name of members in 1/8 sheet of paper and pass it infront." dun lang ako natauhan. Napatingin ako sa mga blockmates ko na naghahanap na ng grupo nila. Ako?

Loner. Kfine. Hell care.

"Ma'am!" may biglang nagtaas ng kamay na babae.

"Yes?" tanong nya.

"Pwede po bang isali nalang namin sya sa group namin?" bigla akong tinuro nung babae kaya napatingin siya sa gawi ko. At dahil dun, natitigan ko nanaman ang mga matang kapareho niya.

Bullsh*t.

"2-3 members only miss."

"But ma'am—"

"No thanks." sabi ko at awtomatikong napalingon sakin LAHAT ng blockmates ko.

Mga akala mo may nagbasag ng babasagin sa loob ng classroom dahil sa itsura nila.

I can't blame them, sa halos tatlong buwan na pagiging classmate nila, ngayon lang ako nagsalita —except sa pagpapakilala. Oo ngayon lang. Bakit? Paano? Imposible?

Dahil pag tinatawag ako —mapa-prof man yan o estudyante— tititigan ko lang sila. At pag hindi ako sumagot after 1 minute uubob na ako, ibig sabihin lang nun 'ayaw kitang sagutin/kausapin'. Oo na, bastos na kung bastos pero wala kayong alam kung bakit ako ganito dahil hindi parin sapat ang 8 Chapters para sabihin niyong 'alam na namin ang dahilan'.

"Anne, ganito nalang, ikaw na partner nitong ni Hillary at ako na sakanya! Hahahaha" sabi nung lalaki na biglang tumayo kaya nagulat si Hillary nun.

"Ano ka Ark, sinuswerte?" mataray na sabi nung anne.

"Hindi, pero madiskarte! Ma'am eto na po papel namin ni Cortez." tumalikod sya agad at pumunta sa harapan para ibigay ang papel.

"Ang daya mo Ark! Ako ang nagsuggest eh!"

"Manahimik ka nalang dyan Anne hahaha"

Anne at Ark?? Sila ba yung lagi kong naririnig na nagjojoke?

"Is it okay with you Gabr—" bago pa nya banggitin ang pangalan ko, nagsalita na ako.

"Cortez." yun lang saka ulit ako umubob sa arm chair.

"Ikaw nang bahala sakanya." rinig kong sabi niya. Yeah, sya ng bahala —yung partner ko— kung anong gagawin. Naramdaman ko ang pag-isod ng upuan sa kaliwa ko, siguro si Ark na yun. 

"Hi Gabby!" ang ingay.

"Anong gusto mong topic?" kahit naka-ubob ako, dilat ang mga mata ko. Ano bang sinabi ni Ma'am? Di ako nakikinig eh.

"Huyyy..." kinalabit nya ako pero hindi parin nabago ang pwesto ko. Tinatamad ako. "Sabi kasi ni ma'am gumawa daw tayo ng topic related sa subject niya. Sa tingin mo anong maganda?"  napapikit ako dahil ang ingay niya. Sighed.

"Ilang sentence?" tanong ko. Nakayuko parin ako.

"Ahmm... a-actually, gagawa tayo ng poem.. he-he-he.." tumunghay na ko at tinitigan siya. Nakangiti siya sakin, isang pilit. Tumingin ako sa arm chair ng kinauupuan nya at nakita ang isang kapirasong yellow paper at isang technical pencil.

"About?" napansin kong napakurap-kurap sya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"A-ano bang gusto mo?"

"Bahala ka." tapos kinuha ko yung iPad sa bag ko pati earphone at sinalpak yun sa tenga ko. Tumingin ako sa bintana at nangalumbaba. Kung sana hindi siya nagpumilit na makipagpartner sakin edi sana may naiisip na siya. Wala rin naman siyang makukuhang sagot sakin.

"Okay class, submitt that on our next meeting. Class dismiss."   naalimpungatan ako dahil sa ingay ng mga upuan. Nakatulog pala ako, di ko man namalayan. Minulat ko ang mata ko at saktong napatingin ako sakanya. Inaayos ang gamit saka siya nagpaalam. Umalis narin ang ibang blockmates ko pero ako, nandun parin. Nakaupo.

Ang kilos. Ang pananalita. At ang tingin niya.

Parehong pareho sila. 

Huminga ako ng malalim. Inayos ko na rin ang gamit ko at lumabas ng classroom. 5th class ko na at last narin yun. Pagdating sa classroom naabutan ko ang ilan na nagrereview.

Umupo ako sa usual seat ko tapos pinagmasdan ang mga kaklase ko. Dumating ang prof namin at nag-anunsyong maglabas ng 1/2 length twice paper. Habang dinidictate ang questions para sa quiz tahimik lang akong sumasagot sa papel ko pero yung iba tanungan.

Kahit hindi ako nakikinig. Kahit laging tulog lang ang ginagawa ko, kahit parang hindi ako nag-eexist, nag-aaral parin naman ako. Nag-aaral sa bahay bago matulog, dahil kahit papaano gusto kong matupad ang pangako ko sakanya. Na gagraduate ako.

"Pass your papers.." sabi ng prof.

Madaming nag-react, kesyo daw di pa tapos magsulat o di kaya naman 'di pa tapos mangopya'. Ako ang unang tumayo at naglakad papunta sa prof then gave him my paper. Bumalik ako sa upuan ko para kunin ang bag ko.. tapos narin naman ang klase kaya uuwi na ako.

Pagdaan ko sa corridor, nakasalubong ko siya.  Hindi ko siya tiningnan pero alam kong nakatingin siya sakin.

"Gab—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Don't dare." at saka mabilis na umalis.

Tama na muna. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung paano makakatakas sainyo. 

Ayoko munang madagdagan ang depression ko ngayon. Pagod na akong umiyak kaya kahit ngayon lang tigilan niyo muna ako. 

--------------------------------------------------------------

VOTE, COMMENT, SUGGEST and BE A FAN!!!

nishaelBOBS

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon