Author's Note: Again, credits to Noemie Rose.
————————————————————————————————♥
Her POV
–2am, Tuesday–
Naalimpungatan ako sa lamig na nararamdaman ko, bumangon ako para sana isarado ang bintana ng napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa study table —umiilaw.
Kinuha ko yun at pagtingin ko sa screen, 2 message received from unknown.
Binasa ko yung message.
From unknown:
Gab... please talk to me.
From unknown:
Please... and I'm really sorry.
Inexit ko agad yun pero nang mapatingin ako sa upper left ng phone ko, pumikit ako... dahil pang 4 years na ngayon.
September 30, 2014.
Nadama ko ulit ang lamig ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko at tumingala sa langit.
"Panahon na Robbie."
****
"Kuya may lakad ka ngayon?" nasa dining kaming apat nila kuya, kumakain ng breakfast.
"Wala naman, bakit?"
"Dito ka lang sa bahay?"
"Oo, bakit?"
"Pahiram muna ako ng car mo, pwede?" biglang tumigil si kuya sa pagsubo ng pagkain at tumingin sakin. "Bakit?" tanong nya. Puro 'bakit' nalang ang tanong niya.
"Sige na~" kunyaring pagmamakaawa ko.
"Ayoko."
"Dad oh!" sumbong ko kay daddy. Pa-isip bata muna ngayon *evil grin*
"Sige na Gavin, pagbigyan mo na." sabi ni dad kaya wala ng nagawa si kuya. Hahaha. Minsan kasi bipolar yang si kuya pagdating sa kotse niya.
*
"Good morning, Gabby!" bati sakin ni Ark at Anne ng makapasok ako sa classroom.
"Yeah." Sagot ko. Pagkaupo ko tumabi agad sakin si Ark tapos si Anne nakaupong nakaharap sakin. "What?" tanong ko para kasi silang gulat na ewan
"Sinagot mo kami?" sabay na tanong nila.
"Why?" tinaasan ko sila ng kilay. Kukunin ko na sana yung earphone at iPad sa bag ko ng paimpit na sumigaw si Anne.
"Omg Ark! Hindi nya inisnob ang good morning natin sakanya!" Kumunot ang noo ko sa sinabing yun ni Anne. Hindi inisnob?
"Oo nga! Hashtag 100happydays Anne!" ano daw? Anong hashtag 100happydays ang pinagsasabi nito? (-.-)
Hindi ko nalang ulit sila pinansin pero sakto din naman at may prof na kaya yung dalawa bumalik na sa upuan nila.
-FAST FORWARD-
Tapos na ang 5th class ko kaya dumiretso na muna ako sa CR para mag-ayos ng sarili. Paglabas nakita ko ang Two A's (Anne & Ark) at nagpaalam ang mga ito sakin kaya kumaway ako sakanila. Pagdating sa parking lot sumakay na agad ako sa kotse at pinaandar na yun. Dumaan ako sa isang shop, Imelda's Flower Shop. At pagkatapos umalis na ako.
Habang nasa byahe hindi ko mapigilang hindi kabahan. After 4 years, matatapos narin ang paghihirap natin.
Nakarating ako sa lugar kung saan alam kong kanina pa niya ako hinihintay. At habang naglalakad papalapit sakanya hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, halo-halong emosyon na parang gusto ng sumabog.