[Credits to Noemie Rose for helping us with the poem. And also, this Chapter is dedicated for you :) We salute you!]
~~~~~~Pagsapit ng martes at hindi ng pasko, nagsimula nanaman siyang mangulit. Pareho kami ng kursong kinukuha at kaklase ko rin siya sa lahat ng subject.
“Sige na Gabby!” hindi ko siya kinibo at nagdrawing lang ng kung ano-ano sa papel.
“Gabby~” nagdrawing ako ng tape na nasa bibig nung taong dinrawing ko. “Ga~bby~” at nagdrawing din ng gunting sa tabi nito. Pagkatapos nun..
“Ga—" pinakita ko sakanya yung drawing kaya tumahimik siya. Biglang dumating si Ma’am kaya nagsi-ayusan na ng upo ang iba.
“Okay na ba yung mga gawa niyo?” tanong niya.
“Yes ma’am.” Sagot naman nila.
May nagtaas ng kamay kaya tinawag yun ni Ma’am. “Ano po bang connect ng paggawa namin ng poem sa subject niyo ma’am?” ngumiti lang siya tapos tinawag ang pangalan na binunot niya.
“Hillary Andrada and Anne Madriaga.” Tumayo silang dalawa at pumunta sa harapan. “Ahmm, ma’am..” tawag ni Anne.
“Yes?”
“Kasi po hindi kami nakagawa..” kinagat ni Anne ang ibabang labi niya. “Then?”
“Pwede po bang kahit hindi na siya poem? Kaso ho 1 sentence lang siya..”
“Go.”
“Ahmm..” tumingin samin si Anne bago tinuloy ang sasabihin. “If it was meant to last, it would have.”
“Yun lang?” tanong ni ma’am. At parang napahiya si Anne dahil syempre lahat kami nakatingin sakanila at sabi nga niya wala silang nagawa. Galing din sa ‘RED (Orange Is The New Black)’ yung sinabi niya.
“Can you explain it?”
“But ma’a—“
“Yes.” Napatingin ako sakanya. “At pasensya na po ulit kung hindi kami gagamit ng sarili naming explanation, but it will suit on what Anne said, nabasa ko lang kasi ito..” tumingin siya sakin pero blanko ang nakikita ko sa mga matang yun. “If it was meant to last, it would have. And according to Steve Maraboli.. Letting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny.” Nakatitig siya sakin habang sinasabi yun. Pero neutral lang ako. Kaso...
tagos sakin kung ano ang sinabi niya.
“Okay, next.” Tinawag ulit ni ma’am ang susunod. May iba na halos hindi maintindihan ang ginawang poem pero may iba din namang nakakatawa. Hanggang sa kami ang sunod na tinawag kaya yung lalaking katabi ko..
“Bahala na nga.” Bulong nya na rinig ko naman, ay pumunta sa harap. Mali pala, lumapit siya kay ma’am at humingi ng paumanhin dahil ‘wala’ daw kaming nagawa.
Tumayo ako at naglakad papunta sa harap. “Gabby.. wala tayong gawa ano ka ba?”
“Tao.” Sagot ko. Rinig ko ang ilan na tumawa. Tsk. Nakakatawa? Inilabas ko ang yellow paper sa bulsa ng jeans ko.
[Play the Lost Stars by Adam Levine here]
Tinitigan ko yun saka unti-unting inunfold. Huminga ako ng malalim bago inumpisahang basahin yun.
“Thoroughly looking through these fogged glass walls,
as I sip my cup of tea, brings back the memories of you and I