Her POV
"Siguro nga wala akong alam. Pero sana lang wag kang maging makasarili. Pakawalan mo na siya, dahil alam natin pareho na isa siya sa mga mas nasasaktan sa sitwasyon.'
Nasa kwarto ako, nakahigang nakatingin sa kisame. Ilang araw narin simula ng sabihin yun sakin at ilang araw naring paulit-ulit sa isipan ko yun.
Makasarili. Ha-ha-ha. Alam ko yun, pero naranasan naba niya kung anong nararanasan ko ngayon? Wala siyang alam kaya wag siyang mangialam.
"Gabby?" napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko. Si mommy pala. "Dinner na, kain na tayo?" umupo ako sa kama.
"Mamaya nalang po ako kakain." Nakita kong lumungkot ang mata ni mommy kahit na nakangiti ang mga labi nito.
"Sige, tawagin mo nalang ako kung kakain kana, okay?"
'Gab-Gab....'
Napapikit ako bigla. Ilang araw ko naring pinag-iisipan to dahil sa taong yun, at sa tingin ko panahon narin.
"Mom?" tawag ko sakanya.
"Yes Gabby?" dumilat ako at tumingin kay mommy.
"Can I cry on you?" Kita kong nagulat si mommy pero agad din naman siyang lumapit sakin at niyakap ako. "Of course honey, mom will be here." pagkasabi niya nun yumakap ako sakanya at umiyak.
"I'm sorry, mom." isinubsob ko ang mukha ko sa chest ni mommy.
"It's okay honey, it's okay ssshhh" Sabi niya habang hinahagod ang likod ko. "Wag mo lang sanang kalimutang nandito parin kami anak. Kahit na alam naming masakit para sayo sana matutunan mo na ding sumaya ulit. Yung lang ang tanging hangad namin para saiyo, Gabby." lalo akong naiyak sa sinabi ni mommy, tama naman sila eh, nandiyan sila para sakin pero ang selfish ko lang dahil hindi ko magawang gawing strength ang pamilya ko.
Pero ang gaan sa pakiramdam kasi kahit papaano naiiyak ko kay mommy ang matagal ko ng dinadalang sakit. Mga ilang minute pa akong umiyak sakanya nang
"I'll let him go." kumalas bigla si mommy at tiningnan ako.
"Are you sure Gabby?" marahan akong tumango, kita kong ngumiti siya tapos pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ako sa noo. "Thank God."
Napangiti nalang ako.
*
Saturday na ngayon, nandito ako sa park mag-isa. Wala pang tao dahil anong oras palang ba? *wrist watch* 4:56am palang.
Ang aga ko ba? Naalimpungatan kasi ako kaya I decided to take a jog. After 50 minutes of jogging, umupo ako sa bench kung saan nandun ang bimpo at tubig ko, pero nagtaka ako ng may bottled water din na nandun, kulay black.
'Siguro may nag-ja-jogging din' isip-isp ko.
Kinuha ko yung tumbler ko saka uminom, pinunasan ko rin ang pawis ko sa mukha then I sat down.
"Hi." nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Pagkalingon ko para siyang nabigla.
"Lo." yun lang ang nasabi ko. Tumayo ako saka umupo ulit pero sa damuhan. Mas komportableng umupo sa Bermuda grass.
"Nag-jogging ka rin?" napatingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.
"Obvious ba?" sarkastiko kong sabi.
"He-he, sabi ko nga." uminom siya then nagpunas rin ng pawis. "Taga dito ka din ba?" tanong niya. Isinandal ko ang likod ko sa bench at sinagot ang tanong niya.
"Park 'to, hindi bahay."
"Pilosopo rin pala 'to?" bulong niya.
"Kung magtatanong ka, linawin mo."
