S 4

273 32 10
                                        

Her POV

Tapos na akong mag-ayos ng sarili saka lumabas na ng kwarto. Lunes na ulit at ngayon lang ako lalabas sa lungga ko simula nung sabado.

Pagbaba ko, kumakain na silang tatlo. Napatingin sa gawi ko si daddy, ngumiti sya, inalok akong kumain pero umiling lang ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa living room. Napalitan na pala lahat ng gamit na nasira ko. Pero ang hindi nawala, naalis at nasa pwesto parin, ay ang isang bagay na binabalutan ng panyo.

"Gabby, gusto mo ihatid kita?" naalis ang tingin ko dun at nalipat kay kuya na ngayon nasa tabi ko na. Tumango ako saka nilingon sila mommy — way ko para sabihing 'una-na-ako'. Ngumiti lang sila pareho ni daddy kaya nauna akong lumabas ng bahay.

Hindi kami nag-iimikan ni kuya. Sa backseat ako umupo, ayoko kasi sa passenger seat. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pakiramdam ko uulan nanaman. Nang makarating sa school bumaba na ako at maglalakad na sana nang tawagin ako ni kuya.

"Kunin mo 'to. Susunduin kita mayang uwian mo." Iniabot nya sakin ang isang navy blue na payong. Kinuha ko yun saka nilagay sa loob ng bag ko.

At bago pa nya isara ang bintana ng kotse nagsalita ako.

"Ingat."

Kita kong nagulat sya. Tumalikod na ako at naglakad. Once in a blue moon.

Nasa tapat na ako ng classroom. Rinig ko ang ilang tawanan sa loob, pagbukas ko ng pinto bigla silang tumigil at napalingon sakin pero sandali lang yun at agad din silang bumalik sa pagkwekwentuhan at pagtatawanan.

Umupo na ako sa dulo. Kinuha ang iPad at earphone saka nagpatugtog. Nakatingin ako sa buong classroom, nagbibilang ng ulo nang mga blockmates at upuan.

37 chairs pero 32 students including me lang ang nandito. So 5 students pa ang wala. Tumingin na ako sa bintana, isinandal ang ulo sa dingding at pinanood ang bawat pagpatak ng ulan.

1st and 2nd class walang prof announce ng class president kanina kaya eto ako ngayon nakatambay sa lounge, nakikinig ng music sa iPad at pinapanood ang ilang estudyanteng naglalakad.

May napansin akong isang babae at isang lalake na parang nag-aaway at papunta sila dito sa lounge.

"Sabi ng tumigil kana eh!" inis na sigaw nung babae sa lalake.

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabi sakin ang totoo." malapit lang sila sakin kaya rinig ko sila kahit nakasalpak ang earphone sa tenga ko. Hindi naman yun naka-max volume.

"Sinabi ko na sayo."

"Pero alam kong hindi yun totoo!" nakatingin yung babae sa mata nung lalaki.

"Trent... mahal ko siya. Mahal ko parin sya. And I'm really sorry kaya please, tigilan mo na ako." nakita kong tumulo ang luha ng babae sa kaliwang mata nya sabay nun ay ang pag-alis nya.

Yung lalaki naman naiwang nakatayo at nakayuko. Pansin kong kinuyom nya ang kamao nya saka mahinang napatawa ng masakit.

Ang drama naman nang show ngayon, parang ako lang.

Pinikit ko nalang ang mata ko baka kasi kung anong show nanaman ang mapanood ko, buti sana kung may mapapala ako.

Nakaub-ob ako ng marinig ang ilang hikbi kaya naman napatunghay ako. Nakita kong yung lalaki yung nagmamay-ari ng hikbi. Nakaupo na sya at sapu-sapo ang mukha nya habang umiiyak.

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon