(FAST FORWARD ulit tayo)
"Anne! Gusto mo ba makarinig ng dirty joke?"
"Bahala ka dyan."
"A white horse fell in the mud! Hahahahaha!"
Nandito ako sa lounge kumakain ng snack. At yung nagsabi ng 'dirty-joke' aba malay ko. Hindi nakakatawa yung joke nya, eh ano kung nahulog yung kabayo sa putik? Non-sense.
"Anne! Meron pa! Hahahaha eto havey promise."
"Ano nanaman ba yan Ark?!"
"Haha wag kang sumimangot dyan! Eto na nga.. *ehem* Sabi ng guro sa mga estudyante nya, 'Imagine na kayo ay MILYONARYO. Isulat ang iyong activities."
"Oh, asan ang joke dun?"
"Teka wala pa. Atat ka masyado syempre sumagot lahat ng 'Yes Ma'am' except kay Juan. Sabi ng guro, 'Juan bakit di ka nagsusulat?' "
"Oh, anong sagot nya?"
"Hahahahaha! Wait, pwedeng tumawa muna? Hahahahahahaha sheeet!"
Kung tapunan ko kaya ng medyas 'to? Ang ingay eh! May nagjojoke bang nauuna ang tawa? Meron. Sya.
"Ewan ko sayo Ark! Gulo mong mag-joke. Dyan kana nga!" Nasa likod ko yung dalawa kaya dinig na dinig ko sila.
"Eto na nga Anne! Hahaha teka lang!"
"Tapusin mo na nga yang joke mo!"
"Eto naman, HB! Ayun nga, diba sabi nang guro 'Imagine na kayo ay MILYONARYO, isulat ang iyong activities.' Sumagot yung mga estudyante ng 'Yes Ma'am' pero si Juan hindi. Tinanong ng teacher kung bakit hindi nagsusulat si Juan at alam mo kung anong sagot nya?
'Intay ko pa po yung SECRETARY ko!'
Hahahahahaha diba? Havey! Hahahaha"
Inayos ko na yung mga gamit ko.. tumayo ako at naglakad papunta sa tambayan. Nang makarating ako dun sumandal ako sa may puno at..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Takne! Havey nga yun! Hahahaha! Para akong sira dito hahahahaha
Tama nga naman, imagine yourself being a millionaire, natural pag milyonaryo may sektrtarya! Hahaha langya, mukha na akong shunga dito. Tumatawag ng mag-isa—
Tumatawa? Wow. Ang tagal narin pala.
Napahinto tuloy ako sa pagtawa. Pinunasan ko rin yung luha sa gilid ng mata ko dahil nga sa tawa ko.
"Ang tagal mo naring hindi tumatawa ng ganyan.."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun at bigla akong napatayo.
"Anong ginagawa mo dito?"
Nakatayo sya sa may gilid ng puno na pinagsasandalan ko.
"Gusto lang kitang makausap." naging neutral ulit yung expression ko.
"Wala na tayong pag-uusapan pa." tinitigan ko sya sa mata. Hindi parin sya nagbago.
"Please Gab-Gab —"
"Stop. Don't you dare call me that anymore." I gritted my teeth in anger.
"Please —"
"Leave."
"Gabriella—"
"I. Said. Leave." tinitigan ko sya, blankly and dangerously.
Pag hindi ka pa umalis, pasensyahan tayo. Nagbilang ako ng hindi parin sya umaalis sa harap ko.