S 5

273 29 16
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin nila mommy, gumaan na kahit papaano ang pakiramdam ko. At least alam kong safe sila, panatag na ako dun.

Napahikab  ako kaya tumayo ako at lumapit sa may puno para dun sumandal. Pinatong ko ang kanang braso ko sa nakatukod kong tuhod. Matutulog na muna ako at kung umulan man ulit, bahala na si Thor.

Pero bago pa ako makatulog nakarinig ako ng pag-strum ng gitara at alam kong hindi yun galing dito sa likod ng garden dahil kami lang ang nakakaalam ng tambayang ito.

Pinakinggan ko lang ang pag-strum nya hanggang sa nalaman ko kung ano ang kantang yun.

Dahan ng December Avenue

Sino naman kaya ang nag-gigitarang yun? Gusto ko sanang silipin kaso wag na, sayang lang sa pagod. Makikinig nalang ako at magpapakasenti gaya nang ginagawa nya.

Pero dahil alam ko ang kantang yun at kinakanta ko sya sa isip ko, tinatamaan ako sa ibang lyrics.

Dahan dahan mong bitawan... 

Apat na salita. Dalawamput-isang letra. Ang daling sabihin, pero bakit ganun?

Parang unti-unti kang pinapatay. Dahil mahirap? Dahil masakit? O dahil hindi ko kaya?

Unti-unti, naririnig ko ang pagkanta nya. Hindi ko masasabing magaling sya pero sapat at tama lang para sa boses nya.

Hindi ko na pinakinggan ang pagkanta nya, sinalpak ko nalang ulit yung earphone sa tenga ko at unti-unting tumayo. Naglakad na ako paalis dun, ayaw ko ng sumabay sa pagsesenti nya.

Papalapit na ako sa kotse ng magvibrate ang phone ko. Kinuha ko yun at tinignan kung sinong natawag.

Kuya calling...

"Lo.." sabi ko

[Gabby, aalis muna ako. Ikaw nang bahala sa kotse ko ha?]

"San punta mo?"

[Business Gabby.]

"K."

Business. Tsk. Okay, ako nanaman mag-isa. Sabagay, sanay nanaman ako, may darating, may aalis. Buhay na'to.

Pumasok na ako sa kotse pero hindi ko pa binubuhay ang makina. Ayoko munang umuwi dahil wala naman akong dadatnan dun kundi si Manang lang. Isinandal ko ang ulo ko sa headset ng upuan saka pumukit.

"Kayanin mo.."

"Pero mahirap..."

"Kayanin mo.. para sa akin... at pag nagawa mo yun.. magiging masaya na ako.."

Naalala ko nanaman.

Minulat ko na ang mga mata ko saka inistart ang engine. Kailangan kong mag-unwind. Kailangan kong makalimot kahit panandalian lang.

Drive lang ako ng drive, hindi alam ang pupuntahan. Higit dalawang oras narin akong nagdadrive pero hindi ko parin alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa namalayan ko nalang na inihinto ko ang kotse sa isang lugar na hindi ko kailan man naisip na pupuntahan ko.

Ang isang pub house.

Nagdadalawang isip man bumaba ako sa kotse at pumasok sa loob ng Hunstman Pub. Good thing naka-civilian ako. Pagpasok sa loob, ingay na agad ng isang banda ang naririnig ko kasabay nang pagsasayaw ng mga tao sa harap.

Umupo ako sa pantatlohang mesa, may lumapit saking waitress at inabutan ako ng menu. Umorder lang ako ng Ginger Ale and cashew nuts, umalis narin yung waitress kaya tumingin ulit ako sa harap. May nahagip ang mata ko. Isang babae na mahaba ang buhok, naka-green dress at nakaupo sa may counter, mag-isa.

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon