S 3

295 36 12
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa ilang katok sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako para buksan yun, nakita ko si kuya na may dalang pagkain.

"Good morning.." ngumiti sya. Niluwagan ko lang ang pagkakabukas ng pintuan saka sya iniwan dun.

Pumasok ako sa CR para maghilamos at magmumog. Pagkalabas nakita ko si kuya na nakatayo parin sa may pintuan, nakangiti.

"Ano pang ginagawa mo dyan?" Tanong ko.

"Ahmm... naghihintay na batiin mo din ako?" inirapan ko sya at umupo sa kama. "Morning.." walang ganang bati ko.

Napansin ko naman ang pagbuntong hinga nya. Lumapit siya sa study table ko at dun nilapag ang pagkaing hawak hawak nya.

"Wala ka bang pasok ngayon?" tinaasan ko sya ng kilay. "Nagtatanong lang." umupo sya sa upuan ng study table ko at tinignan ang mga nakapatong dun.

"Wala. Sabado. Kaya alis na." pagtataboy ko sakanya. Tinignan nya ako kaya tinignan ko rin sya.

"Kumain kana. Babalik ako dito mamaya."  tumayo sya at lumabas na ng kwarto. Napatingin ako sa study table, sa pagkain at mga frames na nandun.

Nakuha ang atensyon ko sa isang frame na tinakpan nang isang puting panyo. At gusto nanamang tumulo ng mga luha ko. Tumayo na ako, kinuha ang pagkain at lumabas ng kwarto. Sa baba nalang ako kakain.

Pagbaba ko nakita ko sila mom and dad na kakalabas lang ng bahay. May pupuntahan siguro. Tumingin ako sa may sala at nakita dun ang kuya kong naglalaro ng xbox mag-isa.

Dumiretso na ako sa kusina at dun tahimik na kumain. Ayokong gumawa ng ingay para hindi ako mapansin ni kuya. Maingat kong nilagay sa sink yung plato ko. Huhugasan narin naman yan ni manang mamaya.

Paakyat na sana ako ng may masagi akong bagay na nakapagbigay ingay sa loob ng bahay. At pagkabagsak nun...

Dub.Dub.

Natulala ako sa nakita ko.

Dub.Dub.

At nanikip nanaman and dibdib ko.

"Gabby..." rinig kong sabi ni kuya. Hindi ako tumingin sakanya pero alam kong papalapit sya sakin.

"No kuya." wag kang lumapit.

"Gabby... please..."

"No." wag kang lumapit. Please kuya.. wag..

"Gab—"

"I SAID NO!!" at dun, lahat ng makita at mahawakan ko..

BOOOOOGGSSSHH!!

PLAAAAAANKKK!!

PIIIIIIIING!!

TUUUUUUGGSSHHH!!

tinatapon ko.

"Gabby!" hinawakan ni kuya ang mga braso ko pero tinulak ko lang sya ng malakas.

Pinagtatapon ko ang vase, figurines, flower display at kung ano ano pa.. pati ang maliit na bilog na aquarium naihagis ko kung saan.

"Gabby please! Tama na!" hindi ko pinakinggan si kuya. Tuloy tuloy lang ako sa pagtapon, paghagis at pag-iyak.

Ramdam ko ang hapdi sa mga kamay ko. At naramdaman ko nalang na niyakap ako ni kuya mula sa likod at dahil dun..

"Kuya... *sob*"  bumigay na ako.

"Tama na Gabby... wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo."

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ni kuya. Nakarinig ako ng mga yabag na patakbo at narinig si manang n nagsalita. "Anong nangyari???"

"Pakilinis nalang po lahat ng kalat manang." sabi ni kuya.

Alam ko, kahit nanlalabo na ang paningin ko kita ko si manang na unang nilapitan ang bagay na nagbigay dahilan para masaktan ako nang ganito ngayon.

Pinulot nya ang puting panyo...

kasabay nang isang painting portrait.

At dumilim na ang paningin ko.

"Gab-Gab.. kain kana"

"Mamaya na.. busog pa ako"

"Sige ka, uubusin ko 'to."

"Naman eh! Lagi ka nalang nang-aagaw ng pagkain!"

"Haha! Kumain kana kasi.."

"Oo na nga! Eto na oh!"

"Ayan.. pakabusog ka ha?"

"Oo na.."

*

"Gab-Gab..."

"Hmm?"

"Alam mo naman ang nilalaman nito diba?"

"*smile* Oo naman. Pero..."

"Pero??"

"Gusto ko ulit marinig.."

"Gab-Gab naman eh!"

"Hahaha Oo na!"

Nagising ako dahil sa panaginip ko. Hinawakan ko ang pisngi ko.. umiiyak na pala ako.Napatingin ako sa paanan ng kama, nandun si kuya nakaupo at kita kong nag-aalala sya sakin. Dun ko lang napansin ang mga band aids sa kamay ko pati damit ko iba narin.

"Nagugutom kana ba?" tanong ni kuya. Tumingin ako sakanya sabay iling.

"Tawagin mo lang ako pag gusto mo nang kumain, okay?" tumango ako saka tumingin sa bintana. Rinig ko ang pagbuntong ni kuya.. lumabas narin sya ng kwarto

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ang kaliwang parte ng dibdib ko.

Andun pa din ang sakit.

Pero para mawala yun kailangan ko nang magpahinga.

—————————————————

A/N: Hi readers and friends! pa-share nang story ko hihihi ^^

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon