S 17

64 5 0
                                    

Gabriella's POV

-1 Week Later-

Kasalukuyan akong nasa sala at nanonood ng Doraemon ng maramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone sa upuan. Kinuha ko yun at tinignan.

1 message received

From: Ate Leigh
    Gabrielly! Are you free this lunch?

To: Ate Leigh
    Yep. Bakit po?

From: Ate Leigh

    Meet me at Piri-Piri. 12pm. Ciao!

To: Ate Leigh

   Ok.

Pinatay ko na ang tv saka umakyat sa kwarto para maligo. Nang matapos, nagpalit na ako ng below the knee jeans, white fitted shirt and red sneakers, sinusuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin ng mapansing mahaba na pala ito.

"Tsk. Napabayaan na pala kita." sabi ko habang nakatingin parin sa aking buhok. Muli kong tinignan ang sarili sa salamin. Haayyy, hanggang beywang ko na pala ang buhok ko! Jusme!

Inayos ko na ang sarili ko at ang gamit ko saka lumabas ng kwarto. Wala sila mommy dahil nagdate silang dalawa ni daddy, quality time daw yun. Sus! Dating time yun! Si kuya naman nasa kwarto niya tulog hanggang ngayon dahil pagod sa trabaho.

Tinignan ko ang suot kong relo at nakitang 6 to 10am na pala. (6 to 10 it means 6 minutes before 10am) kaya nagpaalam na ako kay manang na nasa garden, tinitrim ang ilang halaman. Pagkalabas ko ng gate saktong may huminto na taxi sa harap ko at bumaba dun sila daddy.

"Oh dad! Ang aga nyo ata umuwi?" humalik ako sa pisngi nilang dalawa.

"Nahihilo daw kasi ang mommy mo." sabi ni dad kaya napatingin ako kay mommy na nakahawak sakanyang sentido.

"Gumawa ba kayo??" biro ko

"Gabby/Gabriella?!" pareho silang nagulat sa sinabi ko. Hahaha ito talagang mga 'to, biro lang naman eh. Pfft.

"Hahaha! Joke dad! Osige na." bumaling ako dun sa taxi driver. "Manong wait lang po ah?" tumango naman si kuya kaya humarap na ulit ako kila dad at mom. "Alis po muna ako, magkikita kami ni ate Leigh eh."

"Osya, mag-iingat ka ha?"

"Opo" humalik ulit ako sa pisngi nila saka lumarga papuntang Pentel 21 shopping mall.

Nang makarating nagbayad agad ako at bumaba na ng taxi. Dumiretso ako sa isang parlor shop and yes, magpapagupit ako. Hindi ko kinaya ang haba ng buhok ko eh.

"Hi ma'am. Anong klaseng gupit po?" bungad na tanong sakin ng isang staff na babae.

"Ahmm.. kayo na pong bahala kung anong babagay sakin." sagot ko. Ngumiti naman yung babae na nagngangalang Nerie ayon narin sa name tag niya at ginuide ako paupo.

Kumuha ako ng magazine para magbasa at malibang. Nang matapos ang isang oras at apat na pu't minuto na paggupit sa buhok ko, humarap ako sa salamin at... viola!! Hindi na ako manang dahil hindi na mahaba ang buhok ko! Haha

"Here. Keep it." binigyan ko siya ng tip kasi nagustuhan ko ang paggupit niya. "Thank you ma'am." ngumiti ako tapos pumunta sa counter para magbayad.

Paglabas ng parlor tinignan ko ang relo ko at 5 to 12 na pala kaya naman dumiretso na ako sa Piri-Piri Restaurant. Pagpasok sa loob hinanap ko agad si ate, hindi naman ako nahirapan dahil kumaway siya sa kinaroroon ko. Naglakad ako papalapit sakanila at pansin kong may kasama pala siya, hindi ko nga lang makita ang mukha dahil natatakpan ng menu ang mukha ng taong kasama ni ate. Paglapit ko binati agad ako ni ate.

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon