S 6

287 32 11
                                    

"Gab-Gab.."

Nakarinig ako ng isang boses..

"Gab-Gab.." tinatawag ang pangalan ko. Tumingin ako sa likod ko at dun nakita kung sino ang tumatawag sakin.

"Gab-Gab.. tandaan mo mahal na mahal kita.."

"Oo naman! Tatandaan ko talaga yan." at may nakita rin akong isang babae, ako yun.

"Ako ba mahal mo?" tanong nya. Nanikip ang dibdib ko. Ayoko nang balikan ang pangyayaring 'to.

"Sobra! Ano ka ba! Araw-araw ko ngang sinasabi yan sayo diba?"

"Gusto ko lang malaman." nakita ko nanaman yung ngiti nya.

"At alam mo naman kung anong isasagot ko dyan diba?"

"Sobra! Hahahaha" sabay silang tumawa.

Pero tangina. Ganito ba pag patay kana? Nakikita mo ang mga pangyayari sa nakaraan mo? Eh ba't parang mas grabe 'tong sakit kesa nung buhay pa ako?! Tangina talaga.

"Gabriell! Pumasok kana!" lumingon yung 'ako' sa tumawag at si daddy yun.

"Opo! Wait lang!" nakita ko ang batang Gabriella na may headband na kulay pula na pababa sa hagdanam at may ngiting nakapaskil sa labi.

"Ihahatid ka ni kuya ha?" tanong ni dad sa batang ako.

"Pero daddy!" nawala ang ngiti nung bata.

"Sige na.. may pupuntahan pa si daddy, pero susunod ako." nakita kong napalabi ang batang 'ako' kaya ginulo ni dad yung buhok ko.

"Daddy naman eh!"

"Haha.. Oo na. Pero promise ni daddy na susunod sya, okay?"

"Promise??"

"Promise." ngumiti si dad kaya yumakap ang batang Gab sakanya. Alam ko 'tong scene na 'to. Alam na alam ko.

"Kuya! Ang tagal naman ni daddy eh!" pagmamaktol ko este nung batang ako pala.

"On the way na yun."

"On the way.. eh kanina mo pa yan sinasabi eh!"

"Gabby, kakarating lang natin kaya malamang on the way palang yun sa trabaho nya.."

"Pero sabi nya susunod sya!"

"Oo nga susunod sya pero mamaya pa yun. Kaya ayusin mo na yang damit mo, malapit na kayong mag-umpisa."

"Hmmmp!" natawa si kuya sa inasta ng batang ako. Inayos rin nya ang suot suot kong este ng batang Gab pala ang butterfly wings nya. Hinawakan ni kuya ang kamay ni Gabliit at naglakad sila papuntang stage dahil tinawag na sila.

Packing shit.

Ba't eto pa? Hindi ba pwedeng yung iba nalang? Ba't naman eto pa??

"Hi!" bati nung isang bata sa Gabliit.

"Hello." bored na sagot nya. Shit lang.

"Anong pangalan mo?"

"Eh anong paki mo?" medyo natawa si kuya sa sinagot ng Gabliit. Ako din natawa dahil dun.

"Natanong lang eh, sungit!"

"Kuya oh!" sumbong naman ng ako. Kita kong nagpipigil nang tawa si kuya, umiling nalang sya pero sinamaan ng tingin ni Gabliit si kuya.

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon