S 11

184 15 9
                                    

"Good morning Gabby.." pababa na ako ng makasalubong ko si manang. Tumango lang ako saka pumunta sa kusina para ilagay sa sink ang platong pinagkainan ko.

Pupunta sana ako sa sala kaso nandun pala sila mommy, naglaloving-loving. Kakauwi lang nila kahapon madami din silang pasalubong para sa amin ni manang kaso hindi ako excited buksan at tignan kaya tambak sa isang kwarto na tabi lang nung sakin.

Kita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa, kung gaano nila kamahal ang isa't isa kahit na may mga edad na sila.

How I wish, ako din sumaya na.

Umakyat ako sa hagdan at tumungo sa third floor kung sa'n nandun ang terrace. Pagkalapit ko sa may railings umihip ang hangin, winelcome ko yun, pumikit ako at dinama ang pagyakap nito sakin.

Ang tagal ko narin hindi pumupunta dito.

"Gabby..." napadilat ako at napatingin sa tumawag sakin. Si manang.

Lumapit sya sakin, napatitig ako sa mga mata nya dahil namumula na ang mga yun.

"Gabby iha." bigla nya akong niyakap na ikinagulat ko. "Bumalik ka."

"M-manang..." narinig ko ang pagsinghot niya. Umiiyak ba siya?

"Alam mo bang ang tagal kong hinintay na makita kang muli dito?" kumalas si manang sa pagkakayakap sakin at dahil dun kumpirmado ngang umiiyak siya.

"Hindi mo alam kung gano ako kasaya iha..." tumingin sa mga mata ko si manang pero umiwas ako ng tingin. Tumalikod ako sakanya at humawak ulit sa railings.

"Mahirap na pong ibalik manang." tumingin ako sa kalangitan.

"Iha... mahirap mang ibalik pero kailangan mong lumaya." umihip muli ang hangin kasabay nun ang paglipad ng buhok ko.

"Paano ako lalaya kung nasasaktan pa din ako?" tanong ko.

"Patuloy kang masasaktan kung hindi mo pa rin sya pakakawalan." napapikit ako sa sinabi ni manang.  "Mahirap man pero kailangan mong gawin, para maging malaya ka na.. para sumaya ka na."

Pakiramdam ko may biglang yumakap sakin kahit wala naman. Tama si manang, kailangan kong pakawalan ang alam kong hindi ko na mahahawakan.

"Gabby... tandaan mo, andyan ang pamilya mo, kaya sana wag kang makulong sa nakaraan, dahil ang nakaraan ay hindi na kailanman magiging kasalukuyan." naramdaman ko ang pag-tap ni manang sa balikat ko sabay nun ang yabag na papalayo sakin.

"dahil ang nakaraan ay hindi na kailanman magiging kasalukuyan." 

Kaya ko na ba? Kaya ko na bang pakawalan ka? Siguro nga panahon na para lumaya tayong dalawa.

Pero pwede bang wag muna ngayon? Pwede bang dahan-dahanin muna? Sabi nga sa kanta diba...

Dahan dahan mong bitawan.. 

Pwede ba yun? Ayoko kasi ng biglaan tulad no'n. Hayaan mo, pag nagawa ko, pangako... magiging masaya na ako gaya nang sabi mo.

----------------------------------------------------------------------------------

VOTE, COMMENT kayo ha?

nishaelBOBS

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon