S 10

188 18 10
                                    

"Hi Gabby!"

Naglalakad ako ngayon papunta sa third class ko nang may biglang sumabay sakin. Nakaramdam ako ng uneasyness dahil medyo hindi na ako sanay na may kasabay maglakad.

Hindi ko nalang siya pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad.

"Hi Gabby!"

Lumiko ako sa kanan at umakyat ng hagdan, maraming nakapila sa elevator kaya hagdan nalang.

"Hi Gabby!"

Maingay.

"Uy Gabby!"

Makulit.

"Gabb-----hhmmmppp!!"

"Shut. up." yan ang napapala niya. Kinuha ko yung gunting sa bulsa ng bag ko at ginupit...

ang tape na nasa bibig niya.

Iniwan ko siya dung gulat. Kailangan ko nalang magmadali at baka sumunod pa yun. Nakarating ako sa classroom ng walang nasunod sakin. Good. Pagkaupo ko sa upuan biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong yun.

"Gabby!" ayan nanaman. Bwisit.

Lumapit siya sakin at naglabas ng yellow paper and technical pen. "Gagawa tayo ngayon, okay?" Tinitigan ko lang sya. Kinuha ko ang earphone at iPad, alam niyo na, soundtrip. Hindi ko siya pinansin, mapapagod din naman yan at maiisipang bumalik nalang sa orihinal na  grupo niya.

Hindi na niya ako kinulit at nanatiling nakaupo sa tabi ko hanggang sa dumating ang prof nandun pa din siya. Okay lang kasi hindi naman niya ako ginagambala.

After 3rd subject dumiretso ako sa tambayan at dun kumain ng lunch, late lunch dahil 1:30 ang tapos ng 3rd class ko. Pero habang kumakain may namimiss ako.. haaayyyyy.

Hindi talaga ako sanay ng mag-isang kumakain, nakakalungkot kasi, Naiinggit tuloy ako sa mga taong nasa garden, rinig ko kasi ang tawa nila.

Eh ako kaya? Kailan mangyayari na may kasabay din akong kumain?

Siguro pag naka-recover na ako. Siguro pag naka-move on na ako.

Ililigpit ko na sana ang baunan ko nang marinig ko nanaman ang pangalang Anne at Ark. Pero this time parang hindi sila nagjojoke. Serious mode. Kahit nasa likod ng garden ang tambayan na'to naririnig ko sila, hindi naman kasi sementadong bakod ang nakalagay dun kundi makakapal na bushes lang na nilagyan ng alambre. Intindihin niyo nalang yung description.

"Eh ikaw ba Anne, anong tingin mo sakanya?' tanong ni Ark.

"Ako? Well, ayoko man sabihin pero naaawa ako sakanya." 

"Ang misteryoso din kasi niya eh noh?"

"Oo, parang ang dami niyang dinadalang problema."

Wala ba silang joke? Ugh. Bakit ba? Gusto niyong umamin ako? Oo na, lagi kong hinihintay ang jokes nila pag alam kong malapit lang sila sakin.

"Pero alam mo bang nagulat ako sa ginawa nya sakin?"

"Na alin?"

"Tinapalan nya ng packing tape yung bibig ko!"

"Weeee???? Hahahahahaha! Seryoso ka Ark?"

"Oo nga!"

"Hahahahaha! Ayan! Kasi ang ingay eh! Yan tuloy napapala mo."

Packing tape. So, ako pala ang pinag-uusapan nila? Hindi ba nila alam na bawal pag-usapan ang isang tao lalo na't naririnig sila nito?

'Ako? Well, ayoko man sabihin pero naaawa ako sakanya.'

'Ayoko man sabihin pero naaawa ako sakanya.'

'Naaawa ako sakanya.'

'naaawa..' 

Niligpit ko na ang gamit ko, pinagpagan ang damit ko pagkatayo. Naglakad ako papunta sa lusutan ko, nang makalabas sumilip ako sa may garden at dun, kita ko sila. Nasa likod ko lang pala sila. Naglakad na ako paalis para dumiretso sa last subject ko ngayong araw.

'Naaawa ako sakanya..' 

Hindi ko  kailangan ng awa.

Pagkadating sa room wala pang halos estudyante pero may ilan nang bags na nandun. Nakita kong may bag na sa upuang katabi ko. Umupo ako saka ipinatong ang ulo ko sa braso ko.

"Gab-Gab! Eto gawa ko oh!"

"Patingin!"

"Ang gulo ng gawa mo!"

"Hindi yan magulo!"

"Eh anong tawag mo dyan sa mga paint colors na nagkalat?"

"Ano kaba Gab-Gab. Ang tawag dyan abstract!"

"Dami mong alam!"

"Naman!" 

Ibinaling ko ang ulo ko pakanan.hawak ang iPad ko, i unlocked it and tap the Notepad na naka-install dun at nagtype.

'My eyes painted beauty. You were the colors.'

Pinindot ko ang 'save' at ni-locked ulit ang iPad. Nakatitig ako ngayon sa screen ng iPad ko, kita dun ang matang puno ng lungkot na dati'y puno ng saya at pagmamahal.

Nakita ko ang maingat na pagtulo ng luha sa mata ng taong nakikita ko sa screen. Nasasaktan nanaman siya.

Tinago ko na ang iPad at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Kung sana nandito ka. Kung sana nasa tabi kita.Kung sana kasama kita, hindi sana ako nasasaktan ng ganito.

-------------------------------------------------------

A/N: VOTE and COMMENT po kayo! :))

nishaelBOBS

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon