S 19

78 4 2
                                    

Gabriella's 'Gab' POV

Hinatid na ako ni ate Leigh pauwi dahil gaya rin ni kuya ayaw niyang magcommute or taxi ako. Naisip ko nga ang swerte ko sakanilang dalawa at sana wag na silang paghiwalayin ng tadhana.

Itinigil na ni ate ang sasakyan dahil nasa tapat na kami ng gate ng bahay. "Thank you ate." sabi ko habang ina-unbuckle ang seatbelt ko.

"Ano kaba, quality time narin yun kasama si Hillary, kaya ako dapat ang magpasalamat sayo dahil kung hindi ka dumating baka umalis yun ng hindi kayo nakakapag-usap at nagkakaayos."

"Thank you pa din ate." ngumiti siya sakin at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Eto na ang panibagong takbo ulit ng buhay mo Gabrielly.." ramdam ko ang mainit na palad ni ate sa kamay ko. "Kaya bumaba kana at wari ko'y kanina pa naghihintay sayo ang kuya mo." napatingin ako sa labas ng bahay, nandun nga si kuya nakatayong nakatingin sa amin at parang kating-kati ng pumasok sa loob ng bahay.

"Kahit kailan talaga si kuya ginagawa parin akong bata." napapailing na sabi ko habang nakangiti ng bahagya.

"Baby ka nga kasi niya." sabi naman ni Ate Leigh kaya napatingin ako sakanya. "Pero in the future magkakaroon rin kayo ng baby." napatawa si ate sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman diba? Matagal man silang nagligawan, 3 years man silang mag-on, alam ko namang sila na talaga ang para sa isa't-isa. 

"3 years pa ang hihintayin Gabrielly." nakangiting sabi niya sakin. Napatingin kami pareho ni ate ng makarinig kami ng malakas na palakpak sa labas ng bahay, at si kuya yun, naiinip. Bababa na sana ako ng may maalala ako.

"Eh bakit nga ba ayaw niyo pang magpakasal? Stable narin naman kayo diba? May mga trabaho na kayo, you also have properties narin like kuya kaya bakit?" tanong ko sakanya. Hindi naman ako nagmamadali ano? Wala lang, kasi siyempre hindi na sila bumabata and naeexcite kasi ako para sa magiging wedding ng kuya ko. Alam niyo na, mahal ko yun at saka dalawa lang kami.

Ngumiti ulit sakin si ate at napatingin sa labas ng bintana ko, siguro si kuya ang tinitignan niya.

"You don't need to rush things Gabrielly. hindi porket nasa 27 or 28 na kami eh kailangan na naming magpakasal. Kung tutuusin masyado pang bata ang 27 to 30 years old para magpakasal agad." unti-unting naglalaho ang ngiti sa labi ni ate habang tinititigan ko siya. At saka ano daw? Masyado pang bata ang ganung edad? Naloka naba si ate? Hindi paurong ang usad ng edad, hindi rin paurong ang kalendaryo, kaya bakit niya nasabing masyado pang bata ang 27- 30 taon?

"Hindi ko 'to sinasabi sayo para tularan ako o kami pero sinasabi ko sayo ito para may malaman ka tungkol sa pagiging handa at hindi pag pinag-uusapan ang kasal. Being young is the most wonderful thing in life. Kaya imbes na problemahin ang paghahanap sa love at sa makakapareha mo, i-enjoy mo nalang ang buhay mo bago ka humarap sa altar kasama ng taong pinakamamahal mo..

Hindi kami nagmamadali sa ganyang bagay dahil sa amin alam naming hindi pa kami handa at gusto pa naming makasama ang pamilya namin bago kami humiwalay sakanila." tumingin na sakin si ate at tinitigan ako ng malamlam sa mga mata. 

"Tandaan mo Gabrielly, don't rush things, enjoy life dahil ang tao maiksi lang ang buhay. And these are the good days I am sure you'll going to miss in the years ahead." unti-unti na ulit sumisilay ang ngiti ni ate, a genuine smile. "Kaya sige na, bumaba kana dahil kanina pa ngumungunot noo ng kuya mo." natawa ako sa sinabi niya kaya naman tumango ako at binuksan na ang pinto. "Nga pala Gabrielly." napatingin ako ulit sakanya.

"Bakit po?" tanong ko.

"Hintayin mo lang si kupido, at sigurado ako magiging masaya na ang lovelife mo." napatitig ako kay ate ng ilang segundo sa sinabi niya pero maya-maya ay ngumiti nalang ako at lumabas na ng kotse. Umalis na si ate kaya binuksan ko ang gate saka isinara yun.

"Ang tagal niyong mag-usap ah." bungad sakin ni kuya. "Bakit selos ka?" tanong ko para kasi siyang nagseselos sa sinabi niya.

"Oy Gab, paalala ko lang sayo ha? 8:45 na ng gabi."

"Oh, anong konek nun?"

"Aba, ilang oras akong naghintay sa labas na halos ubusin na ng mga lamok ang dugo ko tapos 'anong konek' lang ang sasabihin mo?" sagot sakin ni kuya. Nakapasok na kami sa loob ng bahay at nakita ko si manang sa dining na nagtitimpla ng gatas. Sigurado ding nasa taas na sila dad dahil maaga silang natutulog dalawa ni mom.

"Anong gusto mo kuya?" humarap ako sakanya pagkarating namin sa may hagdanan. Kilala ko 'tong si kuya may gusto to.

"Ha? Ah? Wala naman. He-he-he." binigyan ko ng mapanuring tingin si kuya at hindi nakatakas sakin ang binibigay kahulugan ng mga mata niya. "Oh." 

"Ano naman 'to?" tanong niya ng iabot ko sakanya ang isang maliit na brown paper bag.

"Nako kuya, I know you. Sige na, akyat na ako. Good night." tumalikod na ako sakanya at umakyat na papunta sa kwarto ko. At ng makarating nga sa pintuan ng kwarto narinig ko ang pagsipol ni kuya at ang pagsabi nito ng Thank you Gabby! sakin. Sabi na eh, may gusto yun. May gusto yung kainin. Haaayy nako! Buti nalang may nadaanan kami ni ate Leigh at naisipan kong bumili ng tatlong balut para kay kuya. At oo, hindi niyo lang alam na adik diyan si kuya. Haaayyy.

Naglinis na ako ng katawan at nagpalit ng pajama at white t-shirt at nang mahihiga na sana ako bigla naman ang katok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko yun at bumungad sakin ang kuya kong malaki ang ngiti. "Bakit nanaman?" inaantok na tanong ko. Gusto ko na kasi magpahinga!

"Wala lang, gusto ko lang na sabihing ang ganda ng buhok ko!" naningkit ang isang mata ko at ang isa nama'y nakataas ang kilay. "Ano? Buhok mo?" tanong ko sakanya.

"Hahaha! Good night Gabliit!" bigla ang pagtakbo ni kuya kaya hindi ko na siya nahabol pa. Ang bilis tumakbo eh! Tapos ikaw ba namang tapunan ng basang bimpo at amoy balut pa! Kainis, kakashower lang tapos eto nanaman? Loko talaga yun.

Sinarado ko nalang ang pinto at ini-lock yun saka pumasok ng cr para maghilamos ng mukha at ibabad sa maliit na batya ang face towel na ibinato sakin ni kuya. Nang matapos ako ay nahiga na ako sa kama at saka pumikit at nagdasal.

'Thank you for everything, Lord.'

Hanggang sa lamunin na ako ng antok.

__________________________________________________________________________________________________________

Please VOTE, COMMENT po. Thank you!

nishaelBOBS

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon