"Nababaliw kana ba talaga ha, Gabriell?!"
Nakalabas na ako ng hospital after 1 week na pag-stay dun at ngayon, eto pinapagalitan na ako.
"Paano kung hindi ka nakita ni manang?! Paano kung hindi naghintay si manang sa labas?!" galit na sigaw nya. Nakatungo lang ako, Ayoko kasing nagagalit sakin si daddy.
"Paano kung... p-paano kung n-namatay ka? Hindi mo man lang ba kami naisip?"
"Gabriel..." tawag ni mommy, pero hindi ako yun. "Tama na, hayaan mo munang magpahinga ang anak mo.."
"Gabriell anak, lagi mo sanang tatandaan na mahal ka ng pamilya mo, na mahal na mahal ka ni daddy, kaya please... wag mo naman kaming iwan.."
Mga ilang segundo pa rinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko. At mga ilang sandali pa nga, tumulo nanaman ang luha ko.
Ba't ang selfish ko? Ba't ang sama sama ko? Hindi ko man lang iniisip sila daddy. Hindi ko man lang iniisip kung anong nararamdaman nila.
Alam ko mali ako at ang dami ko nang pagkukulang sa pamilya ko. Pero kasi, habang nabubuhay ako para rin akong pinapatay. Para akong living dead.
Alam kong nahihirapan narin sila dahil sakin. Pero ako? Hindi ba ako nahihirapan? Hindi ba ako napapagod? Hindi ba ako nasasaktan?
Siguro nga tama si daddy. Nababaliw na ako. Nababaliw na ako dahil magpapakamatay na nga lang, nakapagdrive pa ako hanggang subdivision.
Pero kung natuluyan nga ako, magiging masaya ba ako? Magiging masaya ba sya?
Eh kaso pag nagsuicide ka, it's either hell or heaven ka babagsak. After ng judgement day para sayo dun ka lang sasabihan kung mapupunta ka sa hell or heaven diba?
Pero pag nawala ako, paano sila daddy? Si mommy? Lalo na si kuya?
Magagalit ba sila pag nangyari yun? Pagagalitan ba nila ako kahit wala na ako? Kaso pag nangyari yun malulungkot, masasaktan at magdurusa sila.
"wag mo naman kaming iwan.."
Nasasaktan ako para sa pamilya ko at nasasaktan ako para sa sarili ko.
Nandyan pa sila daddy, nagmamahal sakin pero bakit hindi sila ang gawin kong lakas? Yun naman ang gusto nya diba?
"Kayanin mo... para sa akin.."
"mahal na mahal ka ng pamilya mo..."
"tandaan mo.. mahal na mahal kita.."
Para sa pamilya ko. Para sa sarili ko. At para sa'yo, kakayanin ko.
Gabayan N'yo po ako Diyos ko..
——————————————————
A/N: Oo na, ang lame at iksi ng update at ang drama ng mga chapters. Sabi ko naman sainyo eh..
'DRAMATIC LOVESTORY' to. Kung hindi nyo gets, bahala kayo. De~ joke lang.
Hi readers~~~ VOTE, COMMENT po tayo! ^^ Pa-share narin sa iba 'tong story ko. :))