S 20

40 1 1
                                        

Gabriella's POV

"Oh, kain na. After 20 minutes aalis na tayo." Tinatamad na inabot ko ang plato kong may pagkain na at nagsimula na ngang kumain.

Sabado ngayon at ang usual kong gising pag weekend ay between 10-11am. Kaya naman inis ako kay Kuya kasi mambubulabog ng ke-aga-aga. Biruin niyo 6am palang ang lakas ng kumatok sa pinto ng kwarto ko, at since hindi ko nailock yun kagabi nakapasok siya. At dahil ayaw kong gumising ayun hinila niya ang dalawang paa ko kaya ang nangyari laglag ako sa kama.

Binato ko nga ng unan pero mukhang alam na niyang gagawin ko yun kaya pagkabato ko palang nakalabas na siya agad.

Kainis, pag naaalala ko yun napapamura ako sa isip ko. Ikaw ba naman kasi hilaan ng paa tapos malalaglag ka sa sahig, natural sakit sa pwet at likod ang abot mo.

Tinanong ko kung bakit binulabog ni Kuya ang tulog ko pero ang sagot niya, "May date kami ng ate Aileigh mo."

Eh aba nga naman, ako pa ginawang chaperone neto. Hindi nga ako pumayag pero magdedate daw sila sa beach at ang sosyal, beach pa ang napili. Ayaw ko sumama kaso gusto daw akong kasama ni Ate Leigh. Nako naman. Ano namang gagawin ko dun? Magbibilang ng seashells sa seashore? Tapos hindi sinasadyang makakabangga ako ng tao then magsosorry ako and after that may 'What's your name?' nang kasunod? Wew. Ang layo ng narating ng utak ko.

In short, kahit gumawa ako ng maraming rason sasama at sasama parin ako. Hay.

Pagtapos kumain, dumiretso na ako sa labas ng bahay. Wala sila mommy ngayon, nasa business trip nanaman. Hinayaan ko nalang tutal yan naman ang buhay nila.

Pumasok na ako sa loob ng kotse ni Kuya, sa backseat ako naupo since sasabay samin si Ate Leigh. Maya-maya pa nga pumasok narin si Kuya sa driver's seat and started the engine.

Nagising nalang akong nagtatalo sina Kuya at Ate.

"Oh ba't ayaw mong magsalita?" galit na sabi ni Ate Leigh na nakatingin kay Kuya.

"Bakit, pag nagreason-out ba ako makikinig ka? I know you Aileigh. So stop ranting at me, I need to focus on the road." Iritadong sagot ni Kuya. I saw Ate Leigh rolled her eyes then shut her mouth.

Napatingin ako sa labas ng bintana, tanghaling tapat na pala and I don't know where are we now. Ang haba na pala ng naitulog ko. Kasalanan naman kasi ni Kuya eh, kung hindi niya ako ginising edi ang sarap na sana ng pag-iinat ko sa kwarto ko ngayon.

Pero speaking of Kuya, ano kaya pinagtatalunan nang mga 'to? Gusto kong magtanong pero hindi naman ako dakilang usisera, tumingin lang ako sakanila and after a few minutes I search for my earphone and plugged it in my phone and played a song.

Na-witnessed ko na kung paano mag-away-bati sina Kuya. Mag-aaway lang ang mga yan pag may matinding bagay na ginawa ang isa man sakanila. And I swear, iba magalit si Kuya. He's sweet, caring and loving pero pag yan ginago at niloko mo, you will probably pee'd on your pants. That's why I don't want to make him mad.

Alam kong for the past few years hindi siya galit sakin, he's just worried for what might gonna happen to he's little sister. Mahal ako ni Kuya higit pa sa pagmamahal ko sakanya, and I'm keeping a favor that I will not let my Kuya get annoyed with me.

After a long drive the car stopped on the parking area of Hotel Joselina. But you can feel the tension between the two so I get all my things and hurriedly stormed out the car. They need to talk in private. And this is their date pero it's too far. Bakit kasi sa beach pa kung pwede namang mag-date nalang sila sa isang restaurant or 'di kaya sa place na talagang romantic.

Nag-ikot-ikot nalang muna ako sa Hotel. Hindi pa ako pwedeng pumasok sa hotel dahil malay ko kung hindi pa nakakapag-book ng room si Kuya, tapos magtatanong ako dun edi nakakahiya naman kung sabihan akong wala diba? Sa pag-iikot ko napadpad ako sa bandang likod ng hotel na ito.

Unang bumungad sakin ang napakagandang garden. Nakakamangha ang pagka-landscape nito at nakakarelax sa paningin ang kulay berdeng mga halaman, idagdag mo pa ang maayos na pagkakahilera ng mga bulaklak na bougainvilla na color purple, pink, yellow and red. Ang galing ng architect nito.

Malawak ang garden. As in sobraaaang lawak. Sa left side ng garden, nandun ang swimming pool na pakiwari ko ay for adults dahil narin sa mga taong nagswiswimming doon. Meron ding big umbrellas and a sunbathing chairs. Nadako naman ang paningin ko sa right side ng garden. Nandoon ang cottages and ang buffet table na ngayon ay maraming nakapila para kumuha ng pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng pagkalam ng sikmura. Nako, makalayo na nga dito at baka mamaya niyan maisipan ko pang kumuha ng plato at magsandok ng makakain.

Tumalikod na ako para sana bumalik kung nasan sila Kuya nang tumama ang noo ko sa isang bagay agad kong hinaplos ang noo ko. Ang sakit nun ah, parang may naiwang bakat dun.

"Oh! Nako, sorry miss." Napahinto ako sa haplos sa aking noo sa boses na yun. Parang pamilyar. Kaya naman tumunghay ako at parang nakita ko na ang isang ito.

Napatingin ako sa bagay na tumama sa noo ko. Sabi na eh. May kwintas siyang dala at hugis Crescent moon iyon na may hugis ibong nakaupo sa dulo ng moon. Ang cute.

"Teka, anong ginagawa mo dito?" Mabilis na napatingin ako sakanya. Anong sinasabi nito?

"Pinagsasabi mo?" kunot-noong tanong ko. At nakita ko kung pano magbago ang expression nito na kanina lang ay gulat at ngayon ay poker face.

Baliw ata 'to.

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at nagsimula ng maglakad palayo. Good thing hindi na siya nagsalita.

May nakabangga nga ako pero hindi naman 'What's your name?' ang sinabi nito sa halip ay 'Anong ginagawa mo dito?'. Kaya nakakapagtaka. Kilala ba ako ng taong yun?

Kasi ako, para ngang nakita ko na siya. And in fairness, ang gwapo niya.


******

Sorry for the loooong update!

VOTE and COMMENT guys!


nishaelBOBS

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon