S 15

87 6 3
                                    

His POV 

–10pm, Monday–

"Babe please." hinawakan ko siya sa mga kamay niya.

"Wala na tayo kaya stop calling me babe." pero tinatanggal rin niya yun kaya hinihigpitan ko ang hawak ko.

"Please naman oh.. bumalik kana sakin." pagmamakaawa ko.

"Bitawan mo na ako, Trent." double meaning yun para sakin at alam kong ganun din ang nais niyang ipahiwatig.

"No. I won't. I won't let you go. Please, bumalik ka na—"

"Putek Trent! Sabing bitaw na eh! Bitaw na! Dahil hindi na ako babalik sayo kahit kailan!"

Bigla akong napatulala sa sinabi niya at sa pagkakataong yun nakawala na siya, nabitawan ko na ang kamay niya at nakikita kong unti-unti na siyang lumalayo sakin. Unti-unti nang nawawala ang taong mahal na mahal ko. And for the 4th time, wala nanaman akong nagawa kundi ang pagmasdan siyang lumayo sakin.

Alam ko naman eh..

Simula palang..

Alam kong hindi niya ako mahal..

Alam kong panakip-butas lang ako..

Dahil yung totoong mahal niya...

May mahal na iba..

Parang ako...

Mahal ko siya pero may mahal siyang iba.

At ang sakit kasi inakala kong matututunan rin niya akong mahalin..

na matututunan rin niya akong pahalagahan gaya ng ginagawa ko sakanya...

na makakalimutan din niya ang lalaking yun...

Pero sabi nga nila, maraming namamatay sa maling akala.

Hindi man ako literal na namatay, pero yung puso ko unti-unti nang namamatay.

Gusto ko lang naman na manatili siya sa tabi ko kahit iba ang nasa puso't isip niya.

Gusto ko lang naman na hawakan ang kamay niya para pag hindi na niya kinaya, nandun ako, sasaluhin siya.

Gusto ko lang naman na makita siya lagi para pag umiyak siya para sa lalaking yun, nandun ako pupunasan ang mga luha niya.

At pag nasaktan siya, nandun ako yayakapin siya na sinasabing 'nandito ako, hindi ka nag-iisa' kahit na nadudurog ang puso ko dahil iba ang mahal, minahal at minamahal niya.

Pero wala na, hindi na mangyayari yun dahil binitiwan na niya ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa mundo niya, at ang ilaw na yun unti-unti naring napupundi.

**

"Balooot~! Balooot~!" nakatingin lang ako sa mamang nagbebenta ng balot. "Balooot~!" hanggang sa may kotseng huminto sa tapat nito at bumaba ang dalawang tao dun.

"Kuya dalawa po!" sabay nilang sabi kaya nagkatinginan sila at ngumiti sa isa't-isa.

Ang saya nilang pagmasdan, sabay kumain at nagpaparamihan ng makakaing balut, pati nga si manong magbabalit natutuwa... siguro kasi mauubos ngayong gabi ang paninda niya o isa rin sa dahilan ay dahil nakakatuwa lang talaga yung dalawa?

Malapit lang ako sakanila siguro labing-isang hakbang mula sakin hanggang sa kinatatayuan nila.

Nakakainggit...

"I missed this Gabe~!"

"Hahaha! Tagal mo na akong hindi tinatawag niyan!"

"Oo nga eh. Ay manong, ilan pa natitira?" tanong nung lalaki.

"Tatlo nalang iho.." sagot naman ni manong.

"Sakto! Para kila daddy. Sige manong, pakibalot nalang po." naglabas sya ng pera sa wallet nya at inabot yun kay manong. "Sainyo na po yung sukli, pambili ng pasalubong."

Hanggang sa umalis na sila at si manong kita kong natuwa. Naiinggit ako sakanila..

Kung pwede ko lang gawin yun kasama sya, ang saya ko siguro.

Kung pwede lang din akong maging katulad ni manong na magbebenta ng balut ginawa ko na.. pero hindi 'balut' ang isisigaw ko kundi...

'MAHAL KITA! MAHAL KITA!'

Para kahit saan man ako mapadpad, imposible man niyang marinig, nagawa ko pa ding ipagsigawan kung gaano siya kamahal ng puso ko.

Pero dahil nga wala nang 'KAMI' kahit wala naman talaga para sakanya, hindi ko narin yun magagawa.

Siguro oo pwede ko pa ding gawin pero ang tanong, pag ba ginawa ko yun mapapasaakin narin sya? Mamahalin narin ba nya ako? Babalik na ba sya sakin?

Sana nga diba?

Pero ano pang panlaban ko kung hindi naman ako ang mahal nya? Kung isa lang akong DAAN para maipakitang hindi na sya nasasaktan?

Ang tanga ko rin noh? Kaso ano pa nga bang magagawa ko? Nagmamahal lang ako, yun nga lang nagmamahal sa taong may minamahal ding iba. Kaya siguro mas mabuting pakawalan na sya habang kaya ko pa. Ayokong maging selfish, kung hanggang dito nalang talaga, edi hanggang dito nalang. Siya narin ang nagsabi na 'bitawan' ko na sya.

At parang nananadya si kuyang tricycle driver.

At kung hindi man para sa akin

Ang inalay mong pag-ibig

Ay di narin aasa pa

Na muling mahahagkan

Napatawa ako ng mahina. Sa lahat ng babaeng pwede kong mahalin, bakit nga ba siya pa?

Tumingala ako para pigiln ang luhang nagbabadyang tumulo, pero ang traydor, natulo parin sila.

Ngayong gabi, eto na ang huling beses na iiyakan kita. Dahil ngayong gabi, pinapakawalan na kita....

Hillary..

——————————————————————————————————————

nishaelBOBS

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon