7th Chapter

330 26 2
                                    

•••••

[Pryztel]

FASTFOOD...

Sa lahat ng lugar na pinuntahan namin dito lang ata ako sumaya. Nakakagutom kaya magpakunat.


I was about to take a bite of my newly ordered burger ng bigla nya akong pinigilan.


"What?!"-I asked him saka nya kinuha yung pattie at sya na ang lumamon.


"Hoy akin yoooon!"-waaah ang sama nya.Gutom pa naman ako,ang siba!


"Bawal kang kumain ng karne"-sabi nya at pinagpatuloy ang pagkain sa burger nya.


"At bakit naman?Wala naman akong allergies dyan eh"-huhu bakit ba ganito sya?Ayaw nya ko pakainin tapos ito ang in order nya,kumusta naman yon?


"Simula ngayon magdadiet ka na.Tingnan mo oh,yung bilbil mo nakausli na"-napatingin naman ako sa tummy ko at hinimas yon.Nakausli nga. Kotang-kota na ako sa panlalait nitong kambal ko.


"Eh ano ng kakainin ko?Veggies?!Ano ako?Kambing?"-nakakainis to hindi pa naman ako vegetarian.


"Yehehehess"-ala kambing nyang sagot. Binato ko sya ng French fries,ang sama eh.Nakakarami nato sakin.

•••••

Nakuwi pa naman kami ng buhay pero diko nakayanan at lumantak pa ako ng pagkain na nakalagay sa ref.Tinorture ng kambal ko ang mga alaga ko sa tyan eh.

•••••


The next morning...


Maaga akong nagising to prepare for school,naligo na ako at nagbihis ng uniform.Humarap ako sa salamin kung saan nakadisplay yung pinamili na cosmetics in Corrs kahapon.

Saan ba dito yung dapat kong gamitin?

Concealer?

Lip balm?

Eye shadow?

Mascara?

Blush on?

O foundation?

Asan ba dito ang dapat mauna?Hayyys ang yaman namin pero di ako marunong sa ganitong bagay.

Simple lang naman kasi ako.Dalagang Pilipina eh.Naglagay ako ng hairpin at saka inayos na ang sarili ko.Bahala na nga.

Bumaba na ako para kumain ng breakfast at nadatnan ko dun si Corrs na kumakain na rin.Ang aga pala nitong gumising.

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon