40th Chapter

170 14 2
                                    

[Pryztel]

Lunes na, means exam na namin. Hayy, napakamot nalang ako ng ulo. Di kasi ako nakapag-aral ng mabuti.

Walang ibang ginawa yung dalawa kundi mag-ingay hayy.Panigurado ganun din si Corrs at Zic,oh except pala sa kanya kasi matalino sya at madaling nagsink in sa isip nya lahat.

Eh ako lutang dahil sa ginawa nya.

"Answer it for one hour, Ill collect the answersheets afterwards. No cheating okay?May punishment ang mahuhuli. Okay you may start"

•••••
After the exam...

Waaah buti nasagutan ko lahat pero sure ako di ako makakaperfect. Kasi naman di ako sigurado sa iba kong sagot. Hayy utak munggo ka talaga Yuan.

Napahampas ako sa ulo ko. Stupid ko kasi hayy.

"Stop that,baka maamnesia ka,makalimutan mo pa ako"-napaangat ako ng tingin sa nag-abot sa akin ng orange juice. Si Jade?!What the-- anong ginagawa nya dito?!

Napatayo ako at tiningnan sya. Di ko tinanggap ang inaabot nya.

"Anong ginagawa mo dito?"-seryoso kong tanong sa kanya. Tang-ina lang mas mabuti pang maamnesia ako kesa maalala ko ang panloloko nya.

"Oh, bawal ba ako dito sa rooftop garden?"-tinaasan ko sya ng kilay. Ang kapal.Nakakangiti na sya sakin ngayon?Tss. Di na ako naapektuhan sa mga hirit nya.Naiinis lang ako.

"This is my territory.Know your limits"-walang ibang nakakaalam ng tambayan ko bukod kay Zic at kina Chammy. Nung kami pa di ko sya nakitang pumunta dito.

"Ah,naisip ko lang kasing samahan ka dito,baka kasi nalulungkot kang mag-isa"-biglang nagpanting ang tenga ko sa mga salitang binitawan nya.

"Wow,"-napatawa ako ng pasarkastiko.

"Just wow Jade. Ngayon mo lang naisip yan?Eh put*ng*na ka pala eh! Nasan ka nung nalulungkot ako?Nasan ka nung kinailangan kita sa tabi ko?Di ba iniwan mo ako?Mag-isa ako dito Jade,mag-isang umiiyak dahil sa kagaguhan mo!Tapos ngayon lalapit lapit ka sakin na parang wala lang?Trip mo lang samahan ulit ako?Gago ka!"-alam kong sobrang madrama pero ngayon lang, ngayon ko lang naipalabas sa kanya lahat ng hinanakit ko sa kanya.

Matagal ko ng tinago to sa loob ko. Ngayong naipalabas ko na biglang gumaan ang loob ko.

"Pryz, I know. Im sorry, kaya ako nandito para makipag-ayos na sayo.Ayoko ng nag-iiwasan nalang tayo palagi.Im a jerk I admit that. Pero masaya na tayo sa piling ng iba di ba?Sana tanggapin mo ulit ang friendship ko"-bakit ba nya ako pinipeste ulit?Nawalan na ako ng pakialam sa kanya tapos ngayon lumalapit ulit sya?!

"Suck up dude!Simula ng hiniwalayan mo ko, pati friendship ko di mo na deserve.Lumayo ka na sakin bago pa kita tuluyan ng kasuklaman"-ayoko sa lahat yung iniiwan ako. I feel wasted and rejected. Parang nawalan na ako ng halaga.

"Pero Pryz"-pinigilan nya ako sa pag-alis at hinawakan ang braso ko.

"Ano ba?!Bitawan mo ako!"-pagpupumalag ko.Nandiri ako bigla sa paghawak nya sa akin.

"Pryz I just want to warn you,ayaw kitang masaktan ulit.Alam kong di ka naniniwala but its true,nakita ko si Kyu na kasama ang isang babae"-what?Di pa ba sya tapos?Ano to umaakto syang concerned?

"Di mo sya masisiraan sakin Jade. Tiwala ako kay Kyuusei,sayo ako walang tiwala simula ng sinira mo yun"-nagkatinginan kami.Mata sa mata.

"Kung ganun nasan sya?Bakit wala sya ngayon?Di ba dapat magkasama kayo?"-he smirked as if sure na sure sya sa sinasabi nya. Nainis ako lalo.

Nagulat ako ng bigla nalang tumilapon si Jade. Isang suntok ang nagpatumba sa kanya.

"Looking for me?"

"K-Kyu..O___O"

"DON'T EVER COME NEAR MY GIRLFRIEND AGAIN!Im warning you"-pinigilan ko si Zic na galit na galit na habang dinuduro si Jade na di pa nakakatayo.

"Kyu, tama na, tara na"-hinila ko sya.Nagmatigas pa sya pero tiningnan ko sya ng seryoso at nagmamakaawang huwag ng ituloy.

Napapahid si Jade sa gilid ng labi nyang dumudugo. Sinama ko na si Zic paalis sa lugar na yon.

••••

Clinic...

"Halika lalagyan ko ng band-aid baka sumakit pa yan"-kasalukuyan kong ginagamot ang napuruhan nyang kamao.

"Di naman ako nasaktan eh"-tiningnan ko sya ng masama.Nagmamayabang pa'to.

"Ano bang sinabi nya?"-natigilan ako sa tanong nya.Napaisip ako kung sasabihin ko ba o hindi. Pero wala naman sigurong masama.Baka isipin nya naglilihim ako.

"Hmm wala,pinupush nya lang na may pakialam pa sya sa akin. Saka sinabi nya nakita ka raw nyang may kasamang babae nung nakaraang gabi"-tiningnan ko sya at patuloy lang ako sa pagkukwento.

•••••

[Zic]

Kinabahan ako sa mga sinabi nya. Ibig sabihin--nakita kami ni Jade?

Di ako makatingin sa kanya. Totoo,may kasama akong babae noon. Pero we met by accident.At hindi ko inaasahan na talagang sya yun.

(Flashback)

Nakahinga na ako ng maluwag dahil nakapagtago ako ako sa fitting room ng men's wear section ng mall. Kanina pa ako tumatakbo at pagod na ako.

Wala akong planong sumikat at ayoko ng sinusundan ako.Hayys.

Pababa na ako sa fastfood section ng mall ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Zic, is that you?"-napalingon ako at nakita ko si Corrs,kasama ang babaeng parang isang bangungot sa akin.

"A-Akane..."-nangangatal ang boses ko habang binibigkas ang pangalan nya.

"What a surprise, we met earlier than I expected"-lumapit sya sa akin at di maipinta ang itsura ni Corrs. Nagulat sya sa muli naming pagkikita ni Akane.

"Lets talk"-sabi ni Corrs kaya nagdecide kami na pumasok sa isa sa mga fastfood don. Iniwan kami ni Corrs at sya na ang umorder ng kakainin namin.

Sa pagkakataong yon baka nakita kami ni Jade at inakala nya may iba akong babae.

"Wow,you look good"-komento nya sa akin.

"What are you doing here Akane?"-seryoso kong tanong sa kanya.

"Hmm, joining the game?It seems fun. Ang killjoy nga ni Corrs eh, lagi akong pinipigilang puntahan ka"-nainis ako sa sinabi nya. Kung ganon alam nya ang tungkol sa pagpapanggap namin ni Yuan.

"Bakit bumalik ka pa?Tapos na tayo Akane, you called the wedding off already"- pinipigilan ko ang sarili kong masigawan sya.

"Well, yeah I called it off kasi di tayo nagkakaintindihan. But Zic, I realized nung umalis ka ng Japan, I missed you. And now I want you back to me. Let's proceed to our wedding please?"

••••

A little bit of twist wont hurt. Sino nga ba si Akane Erizawa? Ano ang kinalaman nya kay Corrs at Zic? Abangan...

Dedicated to: @reyumechelL

xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon