[Pryztel]
"Gisiiiiing na kaibigan ko!!"-tae yan! Ba't laging ganito nalang every morning?Kung ano-ano na naman ang napagtitripan nila.
Bumangon na ako, Friday na pala ngayon, sa wakas naman free day na namin bukas.
Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya pinapasok ko sya. Si Zic pala.
"Anong ginagawa mo dito?"-sabi ko habang nagkukusot ng mata ko. Di sya sumagot, pumunta lang sya sa may bintana at binuksan yun. Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw.
"Bilisan mo jan, kailangan mo ng magbreakfast."-wow nagiging komportable na talaga sya sakin ah?
"Oo na po Mister Famous"-natigilan sya sa sinabi ko.
"Mister Famous?"-nagtataka nyang tanong.
"Nangstalk ako kagabi, ang dami mong fans ah?Trending ka na nga eh"-bigla nya akong tiningnan ng walang ekspresyon.
"Wag mo na ulit gawin yun"-hala, bigla syang nagwalk-out. Nagalit ba sya? Anong masama dun sa sinabi ko?!
•••••
"Kambs, si Zic?"-tanong ko kay Corrs na nanunood ng spongebob sa sala,bat di pa sya pumapasok?
"Nasa garahe na, hinihintay ka"-ah, di nalang siguro ako kakain. Wala rin akong gana, masyado akong nabusog kagabi.
"Ah sige, teka, di ka pa ba papasok?Saka bat di ka pa nagbibihis?"-nagrerelax lang kasi sya. Mga ganitong oras wala na sya sa bahay eh.
"May pupuntahan ako ngayon,aabsent muna ako"-aabsent?Baka gagala naman tong kambal ko.
"Hoy ikaw ah wag kang magbubulakbol. San ka ba pupunta?Saka sinong kasama mo?"-sinimangutan nya ako. Nainis yata sa pagtatanong ko.
"Basta, pumasok na nga kayo baka nagkaugat na yung sundo mo dun"
"Pssh, jan ka na nga sa spongebob mo!"-inirapan ko sya at padabog na lumabas ng bahay.
Naabutan ko si Zic, nakasandal sa labas ng kotse habang naghiheadphone at nagpipindot sa CP nya.
"Kanina ka pa"-bahagya syang nagulat nang makita ako. Binaba nya ang cp nya at nilagay nalang sa bulsa.
"Hindi naman, tara na"-pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse. Sabay na naman kaming pumasok.
•••••
"Announcement, this Monday, exams na, kaya dapat mag-aral kayo sa weekend okay?Ill be expecting higher grades from each of you,study hard, dismissed na kayo"-sabi ng adviser namin.
Hayy akala ko naman liwaliw weekend na, tch kaasar.
"Pryzieee, group study tayo pleeease?"-sabi ni Chammy na nakakapit sa braso ko.
"Hay nako Cham, group study eh nauuwi lang tayo sa kwentuhan eh"-singit ni Hyui. Napatawa naman ako. Totoo naman kasi.
"Sige naaa promise mag-aaral na talaga ako,di na ako dadaldal"-may panguso-nguso pang nalaman to.
"Sus, tsk. Ang etchosera mong babae ka, makakaistorbo ka lang sa kanila ni Kyuusei"-kinutusan sya ni Hyui.
"Aray naman, di ba pwedeng mahiram tong kaibigan natin kahit sandali lang?"-narealize ko di ko na nga pala sila masyadong nakakasama this past few days,hmm siguro naman di masamang pagbigyan ko sila.
"Nagtatampo ka na nyan?Oo na, punta kayo sa bahay this Saturday, group study tayo"-napangiti naman ng malapad si Chammy.
"Tologooo?!Waaah sabi na eh!Di mo ako matitiis!Hihi dun kami matutulog ah? ^___^"-aba,may pinaplano yata ang mga to ah.
"Teka nga, ako ba talaga ang pakay nyo o yung kambal ko?"-tiningnan ko sila ng seryoso.
"Ikaw syempre, he he he"-ang hilaw ng tawa nya.Sabi na eh.
"Neknek nyo, akala ko pa naman namiss nyo ako tapos si Corrs lang pala ang gusto nyong makita"-nagpatampo-tampuhan ako sa kanila. Niyakap naman nila ako.
"Hihi sorry na, promise mag-aaral talaga kami"-nagsitawanan lang kami.
"At saka may gift din naman ako sayo eh"-nagliwanag ang mata ko sa sinabi nya.
"Talaga?Ano?!"-naeexcite kong sabi.
"Si Kuya Chanyeol ang maghahatid sakin bukas"-muntik na akong mahimatay sa sinabi nya. Alam kong di ako ganun ka fangirl pero, ow shit, si Chanyeol?!Seryoso?!
"Hahaha sabi na eh, I hit the spot. Tingnan mo pulang-pula ka na"-tinukso nila akong dalawa. Hayys nakakinis. Eh kasi nung grade six pa kami, crush ko na yung kuya ni Chammy.
"Ahem!"-napaangat kami ng tingin ng may tumikhim.
"K-Kyu--"-mukha namang nagulat ang dalawa sa biglaang pagsulpot nya.
"We were just hanging out, uhm kakain na ba tayo?"-tanong ko sa kanya at ganun pa rin ang ekspresyon nya. Kaninang umaga pa sya ganun. Dahil ba dun sa sinabi ko?Seryoso ba sya dun?
"Its okay, you guys should hang out. I can handle myself"-teka, ako lang ba o napapansin ko na ang coldness nya. Ano bang problema nya?Nagkatinginan kaming tatlo. Tumalikod na sya at naglakad palabas ng room.
Tatayo na sana ako para sundan sya pero naglaho na sya sa paningin ko. Hayy.
"Huy, okay lang ba kayong dalawa?"-nagtatakang tanong nila.
"Uhm,syempre naman! Baka kasi guso nya makipaghang out ulit ako sa inyo"-tumawa ako ng bahagya para di nila mapansin na nag-aalala na rin ako sa pakikitungo nya sa akin.
"Ah, hmm basta sa Sabado ah?Dun kami sa bahay nyo"-ngumiti ako sa kanila saka tumango.
•••••
Rooftop...
Halos liparin ako ng napakalakas na hangin na sumalubong sa akin. Wala na kaming pasok the rest of the period kaya magrerelax muna ako.
Patungo na ako dun sa paborito kong puno na tinatambayan nang makita ko sya dun. Nakaupo sa lilim ng puno at nakikinig sa headset nya.
Tumayo ako sa harapan nya kaya napaangat sya ng tingin. Nginitian ko sya saka tumabi sa kanya.
"Nandito ka lang pala,"-sabi ko. Tinanggal nya ang isang earpiece nya para marinig ako.
"Anong ginagawa mo dito?Di ba may lakad kayo nina Hyui?"-tanong nya sa akin.
"Hindi naman lakad yun, group study lang sa bahay namin ngayong Sabado. Sali ka ah?"-mabuti na yung nandun sya para di masyadong madaldal sina Chammy. Mahihiya yun sa kanya eh.
"Sige. Kayo lang bang tatlo?"-tiningnan nya ako ng seryoso.
"May isa pang dadagdag,makakatulong sya sa group study, matalino rin yun eh"-ngumiti ako sa naiisip ko.
"Ah yung Chanyeol ba? Mukhang excited kang makita sya ah?"-teka, narinig pala nya yun? This time nakatingin na sya sa malayo.
"Hindi ah. Si Corrstin,matalino din kasi sya, isasali ko sya sa group study"-binalingan nya ako ng tingin.
"Ah, oo nga."-tipid nyang sabi pero ngumiti na sya. Ano bang nangyayari sa kanya?Ang weird ah?
"Naglunch ka na ba?"-di ko nalang pinansin ang naging reaksyon nya.
"Oo, kanina pa. Ikaw, kumain ka na ba?"-ngumiti ako ng inosenteng ngiti saka umiling.
"Ang payat mo na tapos nagsskip ka pa, tara na nga baka himatayin ka na nyan"-tumayo sya at inilahad nya ang kamay nya sakin. Inabot ko yun at sabay na kaming pumunta ng cafeteria.
••••
Di makatulog huhu
Dedicated to: @reyumechelL
Vote Vote Vote Wisely lol
xoxo
DerpyYeolie
BINABASA MO ANG
My Fictional Boyfriend
Chick-LitOur story started with a lie. A lie which made my world perfect. A lie that led us to confusion. A lie that trapped us both into this unrealistic world of fiction. A lie that I started believing in. A lie that I made, but I was the victim. -Pryztel...