52nd Chapter

140 14 0
                                    

•••••
[Pryztel]


"How could you be so stupid and weak?!Lagi ka nalang napapahamak dahil sa katangahan mo!"-she scolded me,like the way she used to treat me when we were together back then. Pero tama sya. Ang clumsy ko at ang weak pa.

" Pati ako nadadamay. Di ka ba pagod masaktan sa magiging weak mo?Matuto ka namang protektahan ang sarili mo."-nakayuko ako sa sinabi nya.Maliban sa tubig na umaagos galing sa buhok ko,pati luha ko tumutulo na rin sa kamay ko na nakahawak sa mangas ng damit ko.

Pilit kong pigilan ang luha ko pero natamaan ako sa sinabi nya.Umiyak ako ng walang tunog.Pasinghap-singhap ako. Ang sakit marinig yun.

"Puta umiiyak ka na naman?!Shit Pryz!Ano bang nangyayari sayo?Sinasabi ko lang to dahil hindi palaging may tutulong sayo pag napapahamak ka"-napaangat ako ng tingin sa kanya. Di na ako takot na makita nya akong umiiyak.

" Hajie! Waaaah"-hinila ko sya at niyakap. Hindi sya nakagalaw sa ginawa ko. Umiiyak lang ako ng umiyak habang yakap ko sya. Halo-halong sakit ang nararamdaman ko. Sakit dahil sa panloloko,sakit dahil sa pagkamiss ko sa kaibigan ko.

"Ang OA mo.Tsk"-sabi nya. Naramdaman ko nalang ang mainit nyang yakap sa akin.Masakit yung sinabi nya pero nakakagaan ng loob ang yakap nya.

" I miss you Hajie"-tumahimik sya ng sandali pero nadama ko ang kamay nyang hinahagod ang likod ko.

"Tsk sorry ka di ako naka-T-shirt wala kang masisingahan"-napatawa ako sa naging response nya. Kumawala ako sa yakap at pinunasan ang luha ko.

" Di ka naman nagti-T-shirt eh"-sabi ko.This time sya naman ang napatawa ko.

"Eh kasi ang init isuot non."-nagtawanan nalang kaming dalawa. I never knew sa kabila ng mga shocking na pangyayari sa buong araw na to may maganda pa palang moment.

" O ano na?Magsalita ka na"-kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Huh?"-tanong ko.

" Pwede ba. Alam kong may pinagdadaanan ka na naman"-hmm kilala nya pa rin pala ako.

"Talaga bang dito natin pag-uusapan yan?Di ba tayo babalik muna sa isla?Baka hinahanap na tayo"-nag-aalala kong sabi. Malapit na kasing maggabi.

" Pano tayo uuwi eh walang sagwan.Maghintay nalang tayo ng rescue.Habang naghihintay magkwento ka na muna"-Napabuntong-hininga ako at nagsimula ng magkwento.

•••••
[Zic]

"Wala ba sya jan?"-kanina pa namin hinahanap si Pryz.

" Wala sya dito. Pati si Hajie!We couldn't find them"-alalang sabi ni Kurt.

"Hindi kaya magkasama sila?"-tanong ni Chammy na kanina pa di mapakali.

" I think so"-komento ni Hyui.

"Nako panigurado,they're on a match. Knowing those two?"-napailing na sabi ni Jace.

Gabi na at wala pa sila. Kanina pa kami dapat nakaalis. Kung hindi dahil kay Akane sana nabantayan ko si Yuan.Bullshit. I'll blame myself forever if there's anything bad that will happen to her.

" May nakuha na akong balita"-napatingin kami sa nagsalita. Si Jade.

"Ano?Nasaan ang kapatid ko?"-sabi ni Corrs na nag-aalala na rin.

" Sabi ng lifeguard may nakita syang dalawang babae na nakasakay sa bangka. Pumalaot daw"-what?Paano bang napunta si Yuan sa dagat?!

"We need to rescue them baka nastuck na sila somewhere!"-I worriedly said.

" No,we have to let the coastguards rescue them baka pati tayo mawala"-sabi naman ni Jade. What?!He doesn't seem to worry that much. This bastard!

"Dude,are you stupid?!Its your girlfriend and my girlfriend who were stucked in the middle of the ocean. Now if you are not damn worried well I am. You're a coward and I don't need your help!"-Pilit kaming pinigil ng mga kabarkada namin nang kwelyuhan ko na sya.

" Stop that guys okay?!Di makakatulong yan. We have to take the boat.Tara na Kyu,let's save my sister"-Pilit akong hinila ni Corrs.

"Wait up!Sasama ako.Tama ka,nandun yung girlfriend ko.She needs my help as well"-magbabago din pala ang isip tsk.

" Hurry"-sabi ko nalang at sumunod na sya sa amin. Capacity of Six lang ang bangka kaya sakto lang na tatlo kami.

"Kyuusei, Corrs,wait sasama ako!"-napalingon ako nang may tumawag sa amin. Putangina ng babaeng to!Di ba talaga sya titigil sa kakabuntot sakin?!

" Maiwan ka na dito Akane. Kami nalang,delikado para sayo"-sabi ni Corrs. Ayoko syang kausapin nakakabwisit.

"I insist!I own the island responsibility ko pag may nangyaring masama sa mga tourists"-she's making things even more complicated. Hindi makahindi si Corrs kaya isinama na namin sya.

••••

"Yuan!"-sigaw ko at umecho ito sa buong paligid. Naghihintay ako ng tawag nya pabalik.Pero wala. Malapit na naming marating ang karatig-isla.

" Don't stress yourself Kyu mahahanap din natin sila"-I just stared coldly at her.She wasn't supposed to be here.Psh.

" No signs of them. Baka nakasunod na rin ang coastguards"-sabi ni Jade.Umupo ako ulit at uminom ng tubig.

"I'm worried about Yuan. She can't swim when it comes to big parts of the ocean"-sabi ko. Hindi nya kayang lumangoy sa malalalim na parte. Nung bata pa kami minsan ko na syang sinagip sa pagkalunod.

Ewan ko lang kung naaalala pa nya yun.

" You know her that much bro"-imik ni Jade.

"Of course,were childhood friends"-tipid na sagot ko.Nakita kong napairap si Akane sa sinabi ko tss.

" Hmm ako na naman ang tatawag"-boluntaryo ni Corrs.Tumayo sya at nagsimula ng sumigaw para hanapin sila.

"Tulong!"-nakarinig kami ng sigaw malapit sa kinaroroonan namin.Iginala namin ang flashlight sa buong paligid para hanapin kung saan yun banda.

" Nasaan kayo?!"-sigaw ni Corrs.

"NANDITO KAMI!DITO!"-natapat ang flashlight ko sa di kalayuan.May bangkang nakalutang dun.Tinuro ko sa kanila at nagsagwan na kami papunta run.

I'm glad they're fine. I'm relieved.

•••••

Ginaganahan ako magUD I dunno why. Haha.

xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon