Chapter 2

0 0 0
                                    

Hinihingal akong napa upo sa sofa. Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kanina. Parang bago pa din. Nandito pa din ang kaba at takot.

"Dana? What happened to you?!"gulat na tanong ni Ate.
Napa tayo ako saka tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Oh my gosh! Huling gulo ang buhok ko at sobra ang pawis ko.

"Ah,ate.. tinakbo ko kasi ang pauwi sa bahay. Hindi mo kasi ako sinundo."sagot ko. Half lies and half truth.

"I texted you. Hindi mo nabasa? Sabi ko hindi na kita masusundo kasi nagkaroon ng urgent meeting ang boss namin."sabi nya sa akin. Lagot na ako.
Napa kamot nalang ako sa ulo ko.
Ang tanga ko din talaga minsan.

"Naka silent nanaman ang cellphone mo noh?"naka taas kilay nyang sabi sa akin.

"Ah,...yeah."sagot ko.

"Pagod na pagod ka. Nag taxi ka nalang kasi. Nandun sa kusina ang cookies mo. Lalabas muna ako."sabi nya . Dala nya ang wallet nya saka nagmamadaling umalis. Tatanungin ko sana sya kung saan papunta kaso agad namang lumabas.

Tumakbo muna ako papuntang kwarto saka nagpalit ng damit at inayos ang sarili ko. Act normal and forget what happened earlier Dana. You still looked tensed.

Pagkababa ko ay wala pa naman si ate. Tumungo na lang ako sa kusina dahil gutom na ako. Inilabas ko lahat ng cookies sa ref at nagtimpla ng juice.
Ang sarap talaga ng cookies ni gawa ni Ate. How I wish na marunong din akong magluto.

Muntik na akong mabilaukan ng biglang lumukso ang itim na pusa sa mesa ko. Agad akong napatayo sabay takbo sa living room.
Paanong nagkaroon ng pusa dito sa bahay?! Haist! I hate ate,sabi nya wala na daw mapapasukan ang mga pusa dito sa bahay.

Bumalik na ako sa kusina ng wala na ang langyang pusa na yun. I don't like cats or any animals. Kaya kahit aso ay wala kaming talaga dito.

Matapos kong mag meryenda ay naupo ako sa living room. Napa tingin na ako sa orasan kung anong oras na pero wala padin si ate. Ala sais na ng gabi. Pinatay ko ang TV saka nagpasyang lumabas ng bahay para tingnan kung nandyan ma ba si ate. Bakit naman kaya natagalan yun?

Binuksan ko ang gate at lumabas para tingnan si ate pero I feel down ng wala sya. Wala namang tao na sa daan. Compound kasi ang sa amin. So dahil mga professional ang tao dito,wala naman silang time para lumabas na ng ganito sa gabi.

Bumalik na ako sa loob at bumalik ulit sa living room at kinuha ang cellphone ko para tawagan na si Ate.

The number you have dialed is not attend or out of coverage are----

Dahil hindi ko naman ma contact ay tinext ko nalang sya. Kinakabahan tuloy ako. I hope she's okay.

Ate,where are you?

Answer my call!

Grabe talaga sya. Pumunta na ako sa kusina para kumain ulit ng cookies baka mawala na ang pag aalala ko. I was about to stand when my phone vibrate.

From Ate:
Sorry,just sleep may pinuntahan pa ako. Don't bother your self.

I sighed. At san naman sya pumunta? At makalimutan na ako I text. Nag aalala na kaya ako sa kanya. Dahil feeling ko mukha akong tanga kakahintay sa kanya ay tinungo ko na ang kwarto ko at pinilit nalang matulog.

Kinaumagahan ay nakita ko na si ate na nakabihis na at paalis na ng opisina. Ang aga nya naman para umalis papunta sa opisina nya.
"Good morning?"patanong kong bati sa kanya habang inaayos na ang lamesa dahil kakain pa ako.

Napalingon sya sa akin. Ang ayos pa ng ayos nya ngayon.
"Look not sure of own greet."sabi nya saka may inilabas sa wallet nya.

"Anong oras kana pala naka uwi kagabi?"tanong ko sa kanya.
She looked at the other things like she was thinking what she's going to answer.

"10:00 in the evening. I'm sorry if I make you worried. I almost forgot to text you."sabi nya sa akin na ikinatango ko naman.

She handed me 2000 pesos. Inabot ko naman yun. Mag sho-shopping ako mamayang uwian.
"Thanks ate. Bye!"sabi ko ng paalis na sya. She raised her hand saka umalis.
Naiwan akong napa buntong hininga. What now? Nandun pa kaya ang mga lalaking naghahanap sa akin? I hope they disappeared and never cross our way.

Inubos ko na ang pagkain ko saka umalis na din ng bahay. Syempre I locked every door and windows,mahirap ng.
manakawan.
Naghintay na ako ng taxi,himala hindi na ako pinasabay sa kanya.?

Mukha na kasi akong kinder kid na kailangan pang hinatid sundo ng parents nila o guardian.

Pag karating ko ng school ay agad na akong bumaba. Like last day every thing was go normal but not me. Ano kayang nangyari dun sa lalaking binugbug nung lalaking killer? Is he dead or alive?

Pag pasok ko ng room ay nakita ko na sina Klare,Troy,megan at Dan. Nag uusap usap sila except kay Dan ,naupo na ako sa tabi ni
Klare.
"Nandyan ka na pala. Hindi mo na man lang ako tinext."naka ngusong sabi ni Klare saka inirapan ako.

"Huh? I'm sorry,i almost forgot. "Sabi ko. Matampuhin talaga ang babaeng ito.

"Ayos lang yan,ka text mo naman ako diba?"naka ngising sabi ni Troy na biglang ikinamula ni Klare. What's going on here?

"Ang bibig mo Galez."sabi ni Klare na namumula pa ang mukha. Napangisi nalang kami nina Megan sa eksena ng 2.

"Anong sasalihan nyong club guys?"tanong ni Megan para ma change topic na.

"Math Club. "Sabi ni Troy.

"Filipino club."sagot ni Megan.

"I dont know. Wala pa akong maisip."sagot ko na ikina irap nila.

"Eh ikaw Dan?"naka ngising tanong ni Megan kay Dan na busy sa kaka sulat ng kung ano sa papel nya.

"Science.."sagot ni Dan na hindi man lang nililingon si Megan. Ang aga aga bad trip nanaman si Dan kay Megan? Ayos ang dalawang to.

"Really? Science din kasi ang kukunin ko."kinikilig na sabi ni Megan. Nangunot ang noo ko sa kanya.

"Talaga lang ha? Stand what you say."sabi ko. Nagdududa din ako sa pagpili nya ng club. Mukhang gusto nya lang makasama si Dan sa club. Nagkatiginan nalang kaming tatlo.

Sakto at dumating naman ang first subject namin. Hindi ako mapakali habang oras ng lesson. Parang may nagmamasid sa akin everywhere. Agad akong kinabahan,wag naman sanang mahanap nila ako? At saka hindi naman sila siguro mag aaksaya ng panahon sa kakahanap sa akin.

Break.Sabay sabay naming tinungo ang canteen. Hindi naman kasi kami aalis ng room kaso itong si Klare gusto ng cheeseburger.
Nahuli sina Dan at Megan as usual kinukulit parin ni Megan si Dan na naka poker face na naman.

Naghanap kami ng maupuan dahil si Dan nanaman ang pumila.
"Guys,powder room lang ako."sabi ko.
Tumango naman sila saka ako umalis. Napapaihi na talaga ako.
Pagkapasok ko ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.

I see my reflection in the mirror,why im so tense? Ano naman ang dapat kong ikakaba?

Pinihit ko na ang door knob at paglabas ko ay isang naka mask ang nasa pinto. He stared at me.
"W-who are.. y-you?"kinakabahan kong tanong. Pero hindi nya ako sumagot at biglang tinakpan ang ilong ko and everything turn black.
Disclaimer:THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES,CHARACTERS,BUSINESSS,SONGS,PLACE,EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER PRODUCT OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSON ,LIVING OR DEAD ,OR ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL.

Bad Boy's Queen 1:Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon