Chapter 1
Airah POV:
"Babe, gising na. It's already 8 a.m."
Isang malambing na tinig ang syang narinig ko dahilan para mapamulat ang aking mata.
Sa pagbukas palang nito ay nasilayan ko agad ang gwapo kong boyfriend na si Jake.
Napangiti ako ng bahagya sa binata kasabay ng pag-upo ko ng maayos.
"Goodmorning Jake."
bati ko rito."--Sorry, na-late ako ng gising hehe."
pacute kong paumanhin sa kanya.Ngumiti lang ito sa akin habang marahan nyang hinahaplos ang buhok ko.
"It's okay. Nakahanda na yung breakfast, kaya mag-almusal ka na."
tanging saad nya sa akin.Tumayo na ito at iginaya nya ako papuntang hapag-kainan.
Nga pala, nandito kami ngayon sa America at halos 3 months na rin kaming nag-stay dito sa bansa.
Actually, wala talaga kaming plano na pumunta dito.
But because of the Company na binigay ng parents ni Gino ay napa-OO na lamang kami ni Jake.Ang katunayan nyan, balak ko sanang tumanggi na kunin ang kompanyang inaalok nito dahil nga't nasaktan ko ang anak nila.
Pero wala eh, sila pa yung tumulak sa akin na tanggapin yon.
Ang tanging paliwanag at rason nila, ay labas daw sila sa problema namin ni Gino.But anyways, wag na natin yon pag-usapan.
Past is past.
Kaya wala ng rason para balikan pa ang nakaraan.
And besides, wala na din akong balita pa sa binata matapos kong piliin si Jake.-
"So ano na? Nacontact mo na ba ang assistant ni Ms.Mendez?" tanong ko agad sa kanya nang makaupo ako.
Sya na rin itong nag-asikaso ng makakain ko.
"Yes nakausap ko na ang assistant nya Airah, but sad to say, sabi nito nasa Manila na raw si Ms.Mendez."
sagot ni Jake sa akin.Nalungkot naman ako sa naging balita ng binatang kasama ko.
Halos ang tagal na namin dito, pero wala pa ring nangyayari.
Pinapaasa lang yata kami ng Mendez na yon.Tsk. Sinasayang nya lang ang oras namin.
Well, ang kailangan kasi namin ngayon ay tutukan kung paano namin makaka-deal ang isang sikat na Kompanya dito, which is si Ms. Mendez ang nagmamay-ari nito.
Yan rin ang dahilan kung bakit kami narito.
Hayss.-
"Nakakainis na Jake. Naiinis na ako sa taong yan. Bakit kasi hindi nya pa tayo diretsuhin na ayaw lang nito sa atin?" bigkas ko na may halong galit ang aking boses."Airah, chill ka lang. Alam kong marami na tayong ginugol na oras at araw para lang maka-deal natin sya, kaya sana wag kang mawawalan ng pag-asa. Okay?"
sambit niya para mabawasan ang inis at galit ko sa dalaga.Hindi na ako nagsalita pa sa halip ay nagsimula na akong kumain.
-
Sa loob ng tatlong buwan, hindi ako binigo ni Jake.
Talagang pinatunayan nya na deserve syang maging boyfriend ko.-
Habang kumakain ako, hindi ko mapigilan na sulyapan ng tingin ang binata.Muntik na akong masamid nang makita kong nakangiti ito sa akin at sa tingin ko kanina pa syang nakatitig sa aking mukha.
"Oh? Bat ganyan ang ngiti mo?"
Taas-kilay kong tanong rito.Pasimple itong tumawa ng mahina habang tinatakpan nito ang kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...