Chapter 79
Jake POV:
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa ka-business partner namin.
Hindi ko kasi inaasahan 'to na mangyari.
Buong akala ko, kami lang na tatlo ang magkakasama.
Shit! She also lied to me!
Yung pagsisinungaling ko na hindi kami nagkita sa personal ni Max, bumalik sa akin ang karma.
All this time, nagkakasama pala sila ni Gino habang ako ay walang kaalam-alam.
Mahigpit kong hinawakan ang ballpen dahil sa galit na namumuo sa damdamin ko.
Siguro nahalata ito ni Maxine kaya tumayo ito sa pagkaka-upo at hinarap kaming dalawa.
"Pa'no, maiwan ko muna kayong dalawa. Have a nice day.", paalam nito bago lumabas ng office.
Nang makaalis na siya, saka ako tumingin kay Airah na ngayon ay nag-iwas tingin naman sa mata ko.
"Hanggang kailan mo ba itatago ito sa akin? Pinagmukha mo akong tanga.", mapakla kong wika rito.
"Ayoko lang na maapektuhan ulit ang kalusugan mo dahil dito Jake. Kaya nilihim ko 'yon sayo.", saad niya bilang pagpapaliwanag.
"Tsk. Talagang ginawa mo pang dahilan ang kalusugan ko Airah? Kalokohan naman oh! Akala ko, nagbago ka na!", pagsisigaw ko sa dalaga.
Muling sumagi sa isip ko ang panlolokong ginawa niya nung kami pa.
She cheated on me habang nasa probinsya ako.
And damn it, ang sakit balikan ang ala-ala na 'yon."I know na mali ang ginawa ko Jake. But believe me or not, ginawa ko 'yon para sayo. Dahil gusto kong gumaling ka na ng tuluyan. At ayokong isipin mo ulit si Gino.", pagsasabi nito sa akin.
"Yun na nga Airah. Iniisip ko na! Sa ilang araw na magkasama kayo, iniisip ko kung may nangyari na ba sainyo? O baka kayo na ulit. Kasi diba, mahal mo pa rin siya? Samantalang ako, hindi mo magawang mahalin.", giit na sambit ko.
Lumalabas na naman ang pagiging madamot ko pagdating sa kanya.
Lumalabas na rin ang galit ko na kanina ko pa pinipigilan."Jake--", bigkas nito sa pangalan ko.
"I'm not stupid Airah. Yung pinapakita mo sa akin, yung pinaparamdam mo sa akin at yung pananalita mo, alam kong napipilitan ka lang.", malungkot na sabi ko habang nakatitig pa rin sa babae.
"--Napilitan ka lang na gawin 'yon dahil sa awa. Naawa ka lang dahil sa kalagayan ko.", pagpapatuloy ko.
Natahimik ito bigla at tila wala ng balak na magsalita pa.
Kaya tumayo na ako sa harapan niya para sa gano'n mabasa ko ang pinaparating ng mata niya.
"Hindi ka makapagsalita? Bakit Airah, totoo ba ang lahat? Totoo ba?", pangungulit kong tanong.
But she remain silent.
Dahilan para mainis lalo ako.
"Fuck Airah! I'm asking you! Bakit ba ayaw mong sagutin ang mga tanong ko!", bulyaw ko sa pagmumukha niya habang asar kong sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay ko.
"Oo! Totoo nga.",
"--Totoong naawa ako sayo. Pero hindi ako napilitan na mag-alala sayo, kasi kaibigan kita. Kaibigan kita, Jake. Kaya nga mas pipiliin ko na masaktan ako kaysa magdusa ka. Dahil ayokong sayangin mo ang buhay mo nang dahil lang sa akin.", pag-aamin nito na ikinatigil ko naman."--Mahal ko si Gino. Mahal na mahal ko siya pero wala ng kami. Tinapos niya na ang lahat sa amin. Sila ng dalawa ni Maxine. Kaya wala ka ng dapat ikaselos dahil wala na yung lalaking kinaseselosan mo. Masaya na siya sa iba.", muling saad niya.
I feel the pain in every words that she said.
Tumulo ang luha nito sa gilid ng mata niya dahilan para makonsensya ako.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...