Chapter 47

3.6K 63 2
                                    

Chapter 47

Gino's Mom POV:

Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ng aking tauhan kanina. Base kasi sa kanyang pag-iimbestiga, nalaman niyo na may pinaplano nga si Jake para makuha ulit si Airah.

This is the reason kung bakit hindi ako makampante. So I decided na kumuha ng imbestigador para pagmaanan ang kilos ng binata. Ayoko lang kasi na dumating sa punto na maghiwalay ulit si Gino at ang dalaga. Ngayong naplano na ang kasal nila, dapat matuloy na ito at hindi na maudlot pa.

"Mom, sa'n ka ba galing? Bigla-bigla ka na lang nawawala sa tabi namin ni dad.", sambit ni Leny na ngayon ay nakataas ang kilay.
Sa halip na sagutin ko ang tanong nito, umupo ako sa side ni honey.

"What's wrong with you mom? Nabingi ka na ba ha?", muling bigkas niya at sinundan pa ako ng tingin.

"Uuwi na tayo ngayon.", agad na sabi ko.

"Uuwi tayo? Nababaliw ka na yata mom. Baka nakakalimutan mong kararating lang natin dito. And besides, baka magtampo si brother kapag umalis tayo.", mahabang wika ni Leny.

"Hon, tama ang anak mo. Magtatampo nga si Gino. Kaya mas mabuting bukas na lang tayo umuwi.", suhestiyon ng asawa ko.

"Hays, kung bukas kayo uuwi, bukas kayo umuwi. Basta ako, uuwi ako ngayon. May importante akong pupuntahan.", saad ko at mabilis kong kinuha ang bag sa upuan.

"Teka nga hon, bakit ba nagmamadali ka? Sa'n ba ang lakad mo at parang ayaw mong magpapigil?", tanong ni honey sa akin.

"Aasikasuhin ko na ang kasal nila Gino para wala ng taong may manira pa.", wika ko sa kanya bilang sagot.

"So kung wala na kayong tanong, I need to go na. Kayo na lang ang bahala kila Airah ha? Bye.", muling bigkas ko at tuluyan na ngang humakbang palayo sa gawi nila.

Balak ko kasing pumunta sa mga kakilala ko para mapabilis ang kasal. Ayokong may masayang na segundo. Kasi everytime na iniisip ko ang plano ni Jake, nagkakaroon ng kaba ang dibdib ko.

Jake's POV:

Kasalukuyan akong kumakain ng apple. Pangiti-ngiti ako dahil itutuloy nga ng nurse ang usapan namin. Handa s'yang tulungan ako para magkabalikan kami ng babaeng mahal ko. And now, tanging si Airah na lamang ang hinihintay ko.
Masakit isipin na engage na sila ni Gino, but I know to myself na magagawa ko pa ring pigilan ang kasalan nila.
Kaya narealize ko na hindi dapat ako magpa-apekto sa sinabi ng binata sa akin.

Bigla namang bumukas ang pinto ng aking room dahilan para mapatingin ako sa gawing 'yon.

"Mabuti naman at dumating ka na--", naputol ang pagsalita ko nang mapagtanto kong hindi ang nurse ang s'yang pumasok.
Matagal-tagal din bago ko nakilala ang babaeng nasa tapat ko sa mga oras na 'to.

"M-iss Maxine?", sambit ko sa kanyang pangalan.
Ngumiti ito sa akin na animo'y may nalalaman siya.

"Ikaw si Jake 'diba?", she asked na may mahinahong boses.

"Ako nga.",
"--Ano bang ginagawa mo rito? Sa pagkakaalam ko, hindi kita kaano-ano para dumalaw ka.", malamig na tugon ko sa kanya.
Tumawa lang ito ng mapakla at maya-maya'y naging seryoso ulit ang mukha niya.

"You know Mr.Jake, pinaplano mo palang, nalaman ko na. Oppzz, nadulas ang dila ko.", mapanuksong sabi niya at pakunwaring kinipot ang labi.
Nagkaroon tuloy ako ng kutob but I remain to be calm para hindi niya mahalata.

"Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba umalis ka na. Hindi na tuloy ang pagdeal namin sa'yo kaya wala ka ng dahilan para kamustahin ako.", matapang na saad ko.

"Hindi naman pangangamusta ang pagpunta ko sa'yo. Kasi alam ko na acting lang ang lahat ng ginagawa mo. Tama ba ako?", ngising tanong nito.

Tangina! Kung lalaki lang sana siya, kanina ko pa nabasag ang pagmumukha niya.

"Bakit mo nalaman na andito ako? Stalker na ba kita Ms. Maxine Mendez?", pag-iiba kong topic para malayo sa aking plano ang usapan. Kaso sadyang matalino ang babaeng 'to, at nagawa niya pang agawin ang apple sa aking kamay.

"Nagiging makasalanan talaga ang tao kapag kumakain ng apple. Isipin mo, dahil sa apple na ito, nagkaroon ng kasalanan sila Adan at Eva. At ngayon, ikaw naman.", wika nito at patalon na umupo sa gilid ng aking kama.

"What the fuck! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Masakit ang katawan ko kaya 'wag kang malikot diyan. Hindi tayo close Maxine at mas lalong hindi kita kaibigan para umakto ng ganyan.", inis ko ng wika sa kanya.

"Wow! Masakit ang katawan mo? Patry nga.", tila batang turan nito at diniinan ang aking braso.

"Aray! Puta!", galit kong sigaw.

"Okay, okay. Best actor of the year ka na Mr. Jake. Pero sana, sana gumana 'yang kasinungalingan mo.", sambit niya kasabay ng pagtayo.

Siguro nga't alam na ni Maxine ang plano ko kaya nagagawa niyang sabihin ito. Pero hindi, hindi dapat makarating 'to kay Airah dahil tiyak na mawawala siya sa akin ng tuluyan.

"H'wag kang mag-alala, hindi ako sipsip. So hindi kita isusumbong kila Gino. Kaya goodluck na lang sayo Mr. Apple Boy.", huling sabi niya at saka lumabas ng room.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinambit nito. Kahit papano, hindi siya magiging hadlang sa gusto kong mangyari.

He's My Boss (Book 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon