Chapter 42

4K 74 1
                                    

Chapter 42

Gino's POV:

Nakangiti ako ngayon habang pinagmamasdan ang dalagang nasa harapan ko.
Kahit anong anggulo, ang ganda talaga ni Airah.
Nag-aalmusal pa rin ito, samantalang ako naman ay tapos na.
Mahahalata mo rin sa kilos ng babae na medyo nahihiya siya, dala siguro ng mga taong nanonood sa amin.

Ang totoo nyan, umpisa palang ito ng sorpresang hinanda ko para sa kanya. Mamayang gabi pa talaga ang malaking event na mangyayari.
Actually, it's about the proposal.
May nangyari na sa aming dalawa at natural lang na panagutan ko yon incase na may mabuo nga. And besides, matagal ko na tong pinaplano para sa future namin ni Airah.

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa babae, bigla namang tumunog ang aking cellphone. Kaagad ko itong sinagot nang mabasa ko sa screen na yung inutusan ko mismo ang tumatawag.

"Oh Leina.", banggit ko sa pangalan nito.
Awtomatikong napaangat ang ulo ni Airah at matalim na tumingin sa akin.

'Babae mo?!', gigil na tanong niya na kahit walang sound ay nabasa ko pa rin iyon dahil sa pagbuka ng kanyang bibig.

Napangisi tuloy ako dahil ramdam kong nagseselos ito.

"Teka lang, kakausapin ko muna to.", paalam ko sa dalaga. Minabuti ko talagang lumayo sa pwesto nya para hindi nito mahalata at malaman ang event na pinapahanda ko mamaya.

Yes, habang kasama ko si Airah, may mga tao akong inutusan na pagandahin ang loob ng hotel.
Gusto ko kasing maging memorable ito sa kanya para hindi nya makalimutan.

"Sir Gino, naayos na po namin ang lahat. Wala ka na pong dapat problemahin pa.", malumanay na saad ng tauhan ko.

"Good. Siguraduhin nyo lang na maganda yan. Dahil kapag sinagot ako ng babaeng mahal ko, bibigyan ko pa kayo ng bonus.", turan ko rito para sa ganon maganahan lalo sila.

"Naku sir Gino, thank you po. Wag kang mag-alala, dadagdagan pa namin ang dekorasyon. At ipagdadasal ko rin na makuha mo ang matamis nyang OO.", sambit muli ng aking tauhan.

Inend ko na ang tawag at bumalik na ulit sa pwesto ng dalaga.
Hindi na nakapagtataka nung magsalubong ang kilay nito na animo'y hindi na naman maukit ang mukha.

"Kaano-ano mo ang Leina na yon ha?", mariing tanong ni Airah habang pinapaikot ang tinidor sa kamay nya.

"Si Leina? Ah wala yon, my wife. Wag mo na lang pansinin.", tugon ko naman.

"Wag pansinin? Seriously? Bakit di mo masagot ng diretsa ang tanong ko?", usik muli nito.

"My wife, calm down. Kaibigan ko lang si Leina.", pagsisinungaling ko para di nya ako mabisto.

"Wag mo nga akong lokohin Gino. Kung kaibigan mo sya, bakit kailangan mo pang lumayo sa akin? Para ano? Para hindi ko marinig ang paglalandian nyo? Tsk.", inis na wika ng babae at iniwan ako.

Naglakad ito papunta mismo sa dagat na dala pa rin ang selos na nararamdaman nya.
Pinagtitinginan tuloy sya ng mga lalaki dahil siguro sa suot nito.

Manipis na tela lang kasi ang tumatakip sa kanya, kaya masisilayan mo ang kulay ng bra at panty ni Airah.

Dahil hindi ako makatiis na pantasyahan ng ibang tao ang dalaga, agad na rin akong sumunod para suyuin ang babae.

"My wife, hey. Wag ka ng magselos. Hindi ko kalandian si Leina.", pagsasabi ko nang masundan ko ito.

"Kung ganon, anong pinag-usapan nyo?", kalmadong tanong nya at nanatiling nakatalikod pa rin sa akin.

"I'm sorry, pero hindi ko masabi sayo yon. It's a secret Airah.", sagot ko rito at malalim akong napabuntong-hininga.

"Okay, fine. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo sa akin sabihin.",
"--Pero simula ngayon, wag na wag mo na akong papakialaman. Bwisit!", patuloy na sambit nya.

He's My Boss (Book 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon