Chapter 98

2.9K 66 0
                                    

Chapter 98

Airah's POV:

Araw na ng kasal namin ni Gino.

Araw na kung saan ihaharap niya ako sa altar at mag-iisang dibdib na kami.

Sa wakas, magiging legal na kami sa harapan ng maraming tao lalo na sa harapan ng Diyos.

Parang kailan lang, ang daming pagsubok ang dumaan sa relasyon namin.
Pero heto at kami pa rin talaga ang tinadhana.

I learned so much lesson about love.

Nagawa kong magparaya at magsakripisyo pagdating sa pag-ibig.

But still, nakamit ko rin ang totoong saya.
Ang saya na kailan man hindi na mawawala sa akin.

Pangmatagalan na ang pagsasama namin ni Gino kaya pinapangako ko na magiging mabuti akong asawa at ina sa anak namin.

"Are you ready, Airah? Nasa church na ang kapatid ko, and he's waiting for you.", saad ni Ate Leny at inalis ang hibla ng aking buhok sa pisngi.

Bahagya n'yang hinawakan ang balikat ko para pakalmahin ako.
Siguro nakita nito ang panginginig ng kamay ko kaya niya ito nasabi.

"Natural na sa isang bride ang kabahan, pero 'wag mong ipush, baka mahimatay ka sa paglalakad sa simabahan.", wika nito na animo'y dinaan pa sa pagbibiro.

"Opo. I just can't control my emotion, ate.", sambit ko at napatulo ang aking luha.

"Sister-in-law, 'wag kang ganyan. Pati ako nadadamay eh.",

"Hays. Tears of joy lang 'to, ate Leny. Alam mo naman na saksi ka sa mga pinagdaanan namin ni Gino. Tapos heto at sa altar din ang pupuntahan naming dalawa.",

"Yeah, I know. Kaya nga, I'm really proud of you. Simula palang sa umpisa, ikaw na ang gusto ko para sa brother ko.",
"--May hindi man tayo pagkakaintindihan noon, at least, hindi nagbago ang pagiging boto ko sayo pagdating kay Gino.", wika niya at pinunasan ang aking luha.

"So stop crying, mabubura agad ang make-up mo n'yan.", she continue saying.

Marahan akong tumango at maya-maya, inalalayan niya ako papasok ng kotse.
Masyado kasing mahabang ang wedding gown na suot ko kaya si ate Leny ang nasa likuran ko lagi.

At ngayon, nasa labas na ako ng simbahan at hinihintay ko na lamang na bumukas ang malaking pintuan.

Kumakabog ang puso ko sa sobrang kilig.
Kahit sinong babae, maiiyak ng ganito, dahil isa ito sa mga dream naming lahat.
Ang makasal sa lalaking mahal mo sa simbahan.

Tinginan ng mga tao sa loob ang s'yang nakita ko pagbukas ng pinto.
Hudyat ito para lumakad na ako palapit kay Gino na naghihintay sa akin sa unahan.

Tila nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid ko, isabay mo pa na favorite song ko pa ang pinapatugtog.

Ang sarap! Sobrang sarap sa damdamin na matutuloy na ang kasal namin.
Pagkatapos nito, tiyak ako na si Airah Magalang Lopez. Ang Missis ni Gino na matagal ko ng pinangarap.

Ninamnam ko ang bawat paghakbang patungo sa altar.
Nakangiti ako sa kanilang lahat at halos pinipigilan ko na 'wag umiyak.
Ang panget naman kung maalis ang make-up na pinagpaguran ni Beki sa akin.

In every step that I do, mga memories namin ni Gino ang sumagi sa isipan ko.

Yung tipong nagsimula kami sa dare-prank at ngayon, totohanan na ang lahat.

Sa pagkakataong ito, hindi lang ako ang ipapakilala ni Gino kay God, pati ang anak na dinadala ko, kasama niya ring ihaharap sa altar.

Nahinto na ako sa tapat mismo ng lalaki kaya tumabi na ito sa akin para ihatid na ako papunta kay Father.

"You are the most beautiful bride in the world, Airah. Walang makakatalo sa ganda mo.", mahinang sabi ni Gino dahilan para marinig ko.

Hindi na ako nagsalita pa, sa halip, pinili kong ngumiti na lamang.

Nagsimula na ang wedding ceremony.
Ang daming sinabi ni Father hanggang sa makarating kami sa sumpaan sa isat-isa.
Sumpaan na walang hiwalayan sa hirap at ginhawa. Sumpaan na kahit sino walang makakasira sa relasyon naming dalawa.

"And I now pronounce you husband and bride.",
"--You may now kiss the bride.", huling sambit ni Father.

Agad namang siniil ni Gino ang labi ko ng matamis n'yang halik dahilan para magpalakpakan ang lahat.

Hindi pa nakontento ang lalaking 'to, at bigla niya akong binuhat na pangkasal at muling hinalikan.

"Ready for the big event later, my wife.", bulong nito sa aking tenga.

Hindi na ako inosente pa para hindi 'yon maintindihan.
Tinutukoy nito ang honeymoon namin na magaganap sa hacienda na rinegalo sa amin ng magulang niya.

And shet! I feel like a virgin, again.

After the picture taking, lumabas na kaming dalawa. 
Syempre nagsunuran naman ang mga babae dahil sa bulaklak na hawak ko.
Malakas ko itong itinapon at sa 'di-sinasadya, si Maxine ang nakakuha nito.

"Kalokohan! As if naman, makakaabot pa ako sa kasal.", natatawa n'yang bigkas.

Pilit akong napangiti, kasi alam ko na may taning ang buhay niya.
And Gino told me about that.

"So pa'no, mauna na kami sainyo. Kumain na lang kayo ha?!", sigaw ni Gino na tila walang balak na pumunta sa reception.

"Hubby, ano bang ibig mong sabihin?", tanong ko sa kanya.

"Honeymoon.",
"--Aagahan natin ang honeymoon para sulit. Rawwwrr!", bigkas nito at sinungaban ulit ako ng halik.

Potah! Nakaka-ilang kiss na siya sa akin ha?

Pero sige na nga, kahit ilang rounds pa ang gawin namin, ayos lang dahil pag-aari niya na ang katawan ko.

At 'yon nga ang nangyari.

We made love again by means of sex.

Ang pinagkaiba nga lang, nasa tama na ang ginagawa namin ni Gino dahil mag-asawa na kami.

He's My Boss (Book 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon