Binuhos ko na lang ang galit ko sa pagluluto. Ito ang tanging naisip ko para kahit papano, mabawasan ang pagka-badtrip na umaapaw sa aking damdamin.Kaya ang kinalabasan, masyadong nasunog ang prinito kong hotdog.
Pero tyinagaan ko na lang itong kainin para hindi ako magutom.
Sa kalagitnaan ng pagngunguya ko, tumunog ang alarm clock.
1:00 p.m na pala.
Apat na oras na lang, magsisimula na ang celebrasyon.Pero 'di bale, handa na akong harapin kung ano ang mangyayari mamaya.
Minadali ko na ang pagkain, para sa gano'n, makabili ako ng susuotin kong damit.
Kailangan bago ang suot ko at nakakaangat kay Max.
Ayoko naman kasing magmukhang kawawa dahil hindi 'yon nababagay sa akin.After eating my luch, tumungo na ako ng mall.
Bukod kasi sa dress at sandal, I need to buy a gift.
Gusto kong isipin nila na supportive ako kahit papa'no."Miss, magkano ba 'to?", I asked the sales lady sa hawak kong plastic bottle.
Ito kasi ang pumukaw sa aking atensyon habang namimili ako ng regalo.
Siguro dahil nakukumpara ko ang plastic na 'to kay Maxine.
"250 po Ma'am.", tipid na sagot nito.
"Thank you.", tugon ko at tumungo na ako sa counter habang dala-dala ang mga binili ko.
'Di naglaon, nakauwi na ulit ako sa bahay.
Oras na lang ang hinihintay ko at mag-aasikaso na ako.
Kaso sa paghihintay ko, biglang tumunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko, kung sino ang tumatawag, agad ko itong sinagot.
"Yes nurse, bakit ka napatawag?", diretsang tanong ko.
"Airah, si Jake 'to. Hiniram ko lang kay nurse ang cellphone para maka-usap ka.", bigkas ng binata sa kabilang linya.
Napakagat-labi na lamang ako nang marealize ko na si Jake ang kausap ko.
"Kung gusto mong malaman yung meeting, h-hindi pa tapos. Umuwi lang ako saglit para kumain. Sige, I just call you later.", pagsisinungaling ko sa lalaki.
Hindi ko na siya pinasalita pa dahil i-nend ko na ang tawag.
Naninibago na rin ang tungo ko sa kanya dahil sa nangyayari.Kahit bali-baliktarin ang mundo, si Jake ang ugat kung bakit sa akin nangyayari 'to.
Siya rin ang dahilan kung bakit napunta si Gino kay Maxine.But speaking of them, kailangan ko na palang maligo at mag-ayos.
Inilapag ko ang cellphone sa table at kinuha ko na ang towel.
Agad akong pumasok sa banyo, and I started to open the shower.
Nilalasap ko ang lamig ng tubig. At dahil dito, naging positibo ang isip ko.
It takes 30 minutes bago ako natapos.
Sinuot ko na ang red dress at sandal na binili ko kanina sa mall.
I also apply red lipstick and make-up.
If I will be describing myself right now, I look elegant."H'wag kang magpapa-apekto mamaya Airah. Kung ano man ang makita mo o marinig mo, kalimutan mo agad. And take note, always smile infront of them like nothing happened.", pagkaka-usap ko sa aking sarili.
Kinuha ko na ang aking bag at tumungo na sa kompanya.
Sa pinaka-last floor gaganapin ang celebration at halos wala ng tao sa ibaba.
Hindi pa man ako nakakaabot sa eksaktong venue, rinig na rinig ko na agad ang malakas na music.
Talagang pinaghandaan ng lahat ang party na 'to para sa kanilang Boss.But wait, nasa'n ba ang dalawa?
Parang 'di ko yata sila nasisilayan?"Hi, you must be Airah right? Correct me if I'm wrong, pero ikaw ba 'yung ex ni Gino?", chismosang tanong ng babae.
'Di ko siya kilala, pero hindi na ako magtataka kung bakit niya ako nakilala.
Bukod kasi sa naging viral ako sa scandal na hindi ko naman ginawa, makapangyarihan din ang pamilya ni Gino."Yes, ako nga. Why do you asked?",
"Wala naman. It so awkward lang kasi na nandito ka. I mean, boyfriend na ni Ma'am Maxine ang ex mo, hindi ka ba nasasaktan?", usisang bigkas niya.
"You know what, it's none of your business anymore.", mataray ko ng tugon.
"S-sorry.", hinging paumanhin nito at yukong umalis sa harapan ko.
Napataray na lamang ako ng mata dahil sa inis.
Talagang pinagmukha pa sa akin ng taong 'yon na madali akong palitan.
_____End of Chapter 66____
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...