Continuation 69

2.7K 52 3
                                    

Umuwi na nga kami ni Gino sa bahay ko.
Dito muna siya pansamantalang titira dahil ayaw niya raw matulog sa mancion.

Mas maganda nga 'yon eh, at least magkaroon ako ng maraming memories together with him.

Kahit sa konting panahon, gusto kong makasama ang binata.

Tuluyan ng pumasok si Gino sa kwarto, samantalang ako, tinungo ko ang private office sa bahay.

Bukod sa may kailangan pa ako asikasuhin, hahanapin ko rin ang contact information ni Airah.

Gusto kong tawagan siya para sumama sa amin bukas.

Nang makita ko ang number nito, kaagad ko itong dinial sa phone.

Nagring ng ilang beses pero 'di naglaon, sinagot niya ang tawag ko.

"Sino 'to?", mabilis na tanong ng dalaga.

"It's me, Maxine.", tipid kong sambit.

"Namiss mo agad ako?", mapaglarong saad nito sa kabilang linya.

"Tsk. Tumawag ako para ipaalam sayo na may pupuntahan tayo bukas.", diretsang wika ko.

"Kung hindi 'yan relate sa kompanya, hindi ako pupunta.", she said.

"And do you think makakatanggi ka? Pupunta tayo ng bahay-ampunan Airah, at si Gino mismo ang nagsabi sa akin na 'yon ang gusto niyang bigyan ng atensyon. He want's to help that charity. At ang goal ng kompanya ko, ay ang makatulong. Kaya ano, sasama ka ba o hindi?", litanya ko rito.

"Fine. Anong oras ba?", napilitang bigkas ng babae.

"8:30 pm, sumunod ka na lang do'n. Bye.", ngising turan ko at inend ang call.

___

Sa pagsapit ng magandang umaga, mabilis akong nag-ayos.
Nakita ko kasing nakabihis na rin si Gino na tila excited na s'yang umalis.

Hindi na sa akin bago ang ganitong kilos niya when it comes on the charity.
Mahilig siya sa mga bata, 'yan ang rason kung bakit minahal ko siya.

"Max, bilisan mo na. Anong oras na ohh.", katok na saad nito sa pinto.

"Oo na. Palabas na ako.", tugon ko sa kanya habang inaayos ang blouse na aking suot.

Binuksan ko na ang pinto at konting pagitan na lang, maglalapat na ang labi naming dalawa ng lalaki.

Siya ang unang umiwas at tumingin sa ibang direksyon.

Hays! I feel the butterfly in my stomach. Sa tuwing kasama ko siya, hindi ko maiwasan na 'di kiligin.
Siguro dahil siya ang first love ko.

Pero mali eh. Maling pairalin ang puso ko ngayon.

Naglakad na si Gino palabas ng bahay, kaya lumabas na rin ako.

Naging awkward tuloy ang lahat sa pagitan namin.

Tahimik niyang pinaandar ang kotse patungong bahay ampunan. At tahimik din kaming nakarating do'n.

"Si kuyaaaa Gino, andito!", malakas na sigaw ng isang bata nang makita kami.

Nagsitigil ang iba sa paglalaro at napatingin sa aming gawi.

Parang hinahabol ng kabayo ang takbo nila sa sobrang bilis ng pagkakayakap nito sa binata.

"Namiss ka namin kuya Gino. Ang tagal mo ring 'di nakadalaw dito.", malambing na wika ng isang batang babae.
Sa tingin ko, nasa edad sampu na ito.

"Pasensya na, ngayon lang ako nagkaroon ng oras na bisitahin kayo.", mahinahong sabi ng kasama ko.

"Okay lang kuya Gino. Naiintindihan namin ang kalagayan mo. Pero, okay ka na po ba? Kasi yung huli mong pagpunta rito, ang araw na binasted ka ni ate Airah. Nakakaiyak nga eh. Maging kami, nasaktan no'n nung makita ka naming umiiyak.", litanya muli nito.

Napakipot ang bibig ko nang marinig ko ang sinabi ng bata.
Nasa ibang bansa pa ako nung mangyari 'yon. At nabalitaan ko na lang ito sa aking tauhan.

"Y-yes. I'm okay now. 'Wag niyo na akong alalahanin.", ngiting turan ng binata kasabay ng pag-gulo niya sa buhok ng babae.

"Pero kuya, sino po ba 'yang kasama mo? Siya na ba ang girlfriend mo?", singit na tanong ng isa.

Natuon sa akin ang atensyon ng mga tao kaya malawak akong ngumiti sa harapan nila.

"Ahm--",

I was about to introduce myself kaso---

"Ate Airah?", gulat na sambit ng batang lalaki.

"Si ate Airah, andito rin.", muling ulit nito.

Sinilayan ko ang mukha ni Gino at kakaiba ang reaksyon na gumuhit sa mukha niya.

"Sorry, I'm late. Traffic lang kasi.", malumanay na saad ni Airah nang lumapit sa amin.

"Ate, bumalik ka. Ibig sabihin ba, babalikan mo na si kuya Gino? Magiging kayo na ulit?", masayang wika ng matabang bata.

Hinihigit nito ang suot na daster ng dalaga na animo'y kinukumbinsi niyang sumagot na 'oo'.

Lumuhod si Gino sa harapan ng bata para maging kapantay niya ito.

I guess, bibigyan n'yang linaw ang lahat para hindi na sila magtanong pa.

"Makinig kayo sa akin, ako at siya, hindi na magkakabalik----",

"Magkakabalikan kami. Magiging kami ulit ng kuya Gino mo. Hindi lang siguro ngayon.", pagpapatuloy ni Airah at hindi nito pinatapos ang binata.

Palihim akong napangiti, kahit ang totoo, nasasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil mahal ko si Gino, pero hindi ko magawang ipaglaban siya dahil nga't may taning na ang buhay ko.

He's My Boss (Book 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon