Chapter 17
Gino's POV:
May malamig na bagay ang syang dumadampi sa aking katawan ngayon.
Ramdam ko rin na ang malambot na kamang hinihigaan ko.
Hindi ko alam kung bakit napadpad ako rito.
One thing I know ay umiinom ako kanina ng beer dahil nga't masyado akong nasaktan sa mga sinabi ng dalaga.
Tila nagsisi tuloy ako na tanungin sya ng ganon.
Hays.
'Pero teka, si Airah ba ang syang nag-aasikaso sa akin?', tanong ng isipan ko.
I was about to open my eyes kaso nga lang nagsalita ang babaeng nasa aking tabi.
Kaya mas minabuti kong magpanggap na tulog para pakinggan ang mga sinasabi nito.
"Gino, sorry. Alam kong nasaktan kita ng sobra. At alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sayo, pero sana, sana maging maayos na tayong dalawa."
malungkot na wika nya.Hindi ko pa rin dinilat ang aking mata.
Naalala ko kasi ang sabi ni Mom noon, nagagawa raw sabihin ng isang babae ang totoo kapag lasing at tulog daw ang lalaki.
So baka sa ganitong paraan, malaman ko ang lahat.
Nanatiling nakatuon ang tenga ko sa kanya, naghihintay sa mga sasabihin nito.
"P-pero yung kaninang nagsama tayo sa hotel at yung kaninang tanong mo, Gino nagsinungaling ako sayo."
"Nagsinungaling ako ng ilang beses sa harapan mo."Medyo kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa binitawang salita nya.
Gusto ko na sanang buksan ang mata ko para makita ang ekspresyon ng mukha nito but I still choose na maging ganito muna ako.
"I-ikaw talaga ang mahal ko Gino. Ikaw pa rin ang mahal ko."
"I'm really sorry kung patuloy kong dindeny yon. "Parang hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Airah.
Pakiramdam ko, unti-unting sumisigla ulit ang aking puso.
I can't control myself right now.
Kaya napangisi ako ng wala sa oras at binuksan ko na ang aking mata.
"So you love me ha?"
mapanuksong bigkas ko rito.Nasilayan ko agad ang pamumula ng magkabilang pisngi nya dahilan para mapatawa ako ng mahina.
Everytime na nakikita kong ganito ang reaksyon ni Airah, mas lalo akong naiinlove sa kanya.
"G-gising ka?"
utal na sambit nito sa akin."Yeah, gising ako at narinig ko ang lahat ng sinabi mo."
tugon ko na halos mapunit na ang aking labi dahil sa malawak kong pag-ngiti.Mabilis itong napatayo at akma sanang aalis sa tabi ko, pero bago pa man nya magawa iyon ay hinawakan ko na agad ang kanyang kamay.
"Please stay Airah. Just stay."
saad ko rito.Nang lumingon sya sa akin ay nagpuppy-eyes ako para umepekto yon.
At mabuti na lang at umupo ulit sya at pinakinggan ang paki-usap ko.
"Pwede bang ulitin mo ang sinabi mo kanina Airah."
muling sabi ko sa kanya."Hindi ko na kailangan ulitin. Narinig mo na diba?"
inis na turan nya without looking at me.Pinisil ko ng bahagya ang kamay nito dahil sa pang-gigil ko sa kanya.
"I want to hear it again. Ang sarap kasi pakinggan ng mga sinabi mo kanina."
wika ko."Ayoko nga."
pagmamatigas nyang sabi.Iginaya ko ang aking kamay papunta sa kanyang bewang at kinabig ko ito para mapahiga sa akin.
At this point, nakakulong na ulit sya sa braso ko at wala na akong balak pang pakawalan ang babaeng kasama ko.
"Gino--"
Magsasalita sana ito kaso pinigilan ko iyon gamit ang aking labi.Yes, sinakop ko ang kanyang bibig para halikan sya.
Sa una ay dampi lang ang ginawa ko pero kinalaunan ay ginalaw ko na ito ng marahan.
Pero mas lalo akong ginanahan ng sumabay at tumugon si Airah.
Unti-unti ay naiba ang aming posisyon dahil sa pumatong na ako rito.
Lumakbay ang labi ko patungo sa kanyang leeg.
Gusto kong halikan ang lahat ng parte ng kanyang katawan.
Pero isang kapilyuhan ang syang naisip ko.
Sinipsip ko ang leeg nito para sa ganon ay malagyan ko sya ng marka.
This symbolizes na meron ng nagmamay-ari sa kanya.
"A-aray!"
impit na sigaw nito."I love you."
tipid na turan ko para kahit papano ay maalis ang sakit na dinulot ko sa dalaga.Pinagpatuloy ko muli ang aking ginagawa.
Hanggang sa naging malikot na ang kamay ko na walang sugat patungo sa kanyang hinaharap.
Kaya lang, naunahan ako ng tawa dahil masyadong flat at maliit talaga ang suso nito.
"Pfft."
pagpipigil ko para hindi ako makatawa ng malakas."Alis nga dyan."
galit na wika ni Airah.Nahalata nya siguro na natatawa ako kaya medyo tumaas na naman ang dugo nya sa akin.
Tinulak na rin ako nito kaya napaalis ako sa pagkakapatong sa kanya.
"Pwede ba, kung pipigilan mo ang tawa mo, make sure na hindi halata!"
umuusok na bigkas nito."Hahaha sorry na my wife. Natatawa lang ako sayo dahil ang laki mo na pero baby bra pa rin ang gamit mo."
pahayag ko.Oo, ito talaga ang pinakarason kung bakit gusto kong matawa ng sobra.
"Wow ha, hiyang-hiya naman ako sayo Jutay."
sakrastikong sambit nya at tumagilid ito ng higa para talikuran ako.Yinakap ko naman sya at hinalikan ko muli ang kanyang pisngi.
"I'm very happy Airah. Namiss kong tawagin mo akong Jutay."
masayang sabi ko."Pero matanong nga lang kita, bakit until now ay flat ka pa rin?"
pamimikon kong tanong.Hindi na sa akin bago kung alisin nito ang pagkakayakap ko sa kanya.
Muli nya akong hinarap at ilang segundo na lang ay sasabog na ang panga nito sa galit.
"Para sabihin ko sayo, I'm born to be Maria Clara, not Mia Khalifa."
"Potah! Bwisit!"
gigil na sambit nya.Napanganga ako dahil sa tinuran nito.
Hindi ko ine-expect na kilala nya si Mia Khalifa.
So it means, nanonood din ng porn ang babaeng mahal ko?
Hmmm.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...