Continuation 84

3.7K 91 32
                                    

Continuation of Chapter 84 (Book 2)
He's My Boss
___

Airah's POV:

"Seryoso ka na ba talaga d'yan sa desisyon mo, bess?",
"--I mean, you're pregnant, tapos aalis ka ng Manila?", saad ni Annie na bakas ang pag-aalala.

"Oo nga naman, Airah. Buntis ka at baka maging delikado 'yon sa baby mo.", pasegundang wika ng isa ko pang kaibigan.

Nandito ako ngayon sa bahay nila para magpaalam ng personal sa mga barkada ko.

Mahirap na, baka pati sila magkaroon ng sama ng loob sa akin.

"Hays! Bakit ba kasi hindi mo agad sinabi sa amin ang nangyari sayo!", litanya ni Tin na may kasungitan sa pananalita.

S'ya lang ang nag-kontra sa dalawa dahilan para matuon ang atensyon namin sa dalaga.

"Look, nagparamdam ka, kung kailan buntis ka? Tsk. Nakaka-stress ka, alam mo 'yon?", patuloy nitong sabi.

"Then I'm sorry kung na-stress ka dahil sa pagpunta ko. Gusto ko lang naman ipaalam sainyo ang nangyari sa akin.", mahinang wika ko.

"Ayan nga ang point ko, Airah. Ipaalam sa amin. Pero anong ginawa mo? Naglihim ka!", she shouted.

"-And now, you're here for what? For crying? Just wow! Sarili mong kamalian 'yan! And you deserve it!", my friend said again.

"Tin, tama na. H'wag mong pagsigawan si Airah. Hindi n'ya ginusto ang nangyari. We all know that she has a reason. So please, imbis na awayin mo siya, try to cheer her up.",
"--Airah need us. Kaya nga magkakabigan tayo, diba? Magkakaibigan na dapat nagtutulungan at nagkakaintindihan.", pag-aawat ni Annie na may kataasan na ring boses.

Natahimik naman bigla si Tin at hindi na lamang nagsalita sa sulok.

I understand her.
Natural ng magalit siya dahil hindi ako nagparamdam sa kanila.

Pero yung sinabi niya?
Hindi ko nagustuhan.

"I'm not here to ask a help.",
"--And besides, hindi ko pinagsisihan na nabuntis ako. Because this is a blessing. Hindi siya pagkakamali. So don't blame my baby.", matigas kong wika.

Tinaasan n'ya lang ako ng kilay at nakipagsukatan ulit ng tingin.

"I'm not blaming your baby, Airah. Instead, I'm blaming you! Dahil mahina ka! Ang hina mo pagdating sa pag-ibig!", turan nito para magising ako sa katotohanan.

I accept it.
She's totally right.
When it comes on love, palagi akong talo.

"Akala ko pa naman nagbago ka na. Kasi diba, nag-stay ka sa ibang bansa. Kaso hindi pa pala. Mahina ka pa rin.", muli n'yang sabi.

"I said, stop it!", bulyaw na sambit ni Annie.

Pero sa pagkakataong ito, nakahawak na siya sa magkabilang balikat ni Tin para hindi na ito pumalag pa.

"Fine! I'm sorry! Titigil na ako.",
"--Basta mag-ingat ka na lang kung saan ka pupunta.", pahayag nito at umalis na sa harapan naming tatlo.

Napatulo naman ang luha ko sa kaliwang mata dahilan para punasan ito ni Annie.

"Just don't mind her. Nagtatampo lang 'yon dahil hindi mo kami kinontak. Pero lilipas din ang kasungitan no'n.",

"I know. Kaya pakisabi na lang na sorry ulit.", ngiting saad ko.

"Sige. Kami ng bahala."
"--I love you, sissy. Alagaan mo ang inaanak namin ha? Dapat kamukha ko 'yan kapag lumabas.", pabirong sambit niya para patawanin ako.

So this is it!

Lilisanin ko na ang Manila para bumangon muli.

_END OF CHAPTER 84_

©Binibining_Timoji

He's My Boss (Book 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon