Chapter 94

2.8K 49 0
                                    

Chapter 94

Airah's POV:

I don't know how to react right now.
Hindi ko alam kung matatawa ako, o ikahihiya ko si Gino.

Nang dumaan kasi ang nagsasayawan na mga babae, bigla n'ya akong hinatak sa gitna at sumabay siya sa pagsasayaw.

And guess what, hindi man lang kami sinita ng mga pulis, sa halip tawang-tawa pa ang mga tao. Ang iba, kinukuhanan kami ng video dahil sa ginagawa ng mokong na 'to.

"Gino, tumigil ka na nga.", giit kong turan sa lalaki.
Habang sinasabi ko 'yon, nakangiti ako para ipakita na hindi ako galit.

Mahirap na, pangit pa naman ako pagdating sa camera.

"Just dance, my wife. We're here to enjoy.", masayang wika ni Gino.

Wala akong nagawa kundi ang makisabay sa trip niya.

Feeling ko tuloy, kami ang leader ng Magayon Festival dahil sa kalokohan nito.

Natapos ang pagsasayaw, marami ang nagpapicture sa akin, este, kay GINO!

Oo, kay Gino lang sila nagpapicture.
Famous ampotah!
Dinudumog tuloy siya ng mga kababaihan kaya wala akong choice kundi ang umiwas sa kumpulan.

Tumayo ako sa gilid na kung saan, ako lang ang tao.
Hindi ko tinitingnan ang mokong na 'yon, kasi naiinis na naman ako sa kanya!

Siguro, eto ang dahilan kung bakit gusto niya ako dalhin sa lugar na 'to.

"Bwisit!", tanging saad ko na lumabas sa aking bibig.

"Sino ang bwisit, Miss para masuntok ko?", sulpot na tanong ng isang lalaki mula sa likuran ko.

Liningon ko naman ito at nasilayan ang malawak n'yang ngiti na kita pati ang dimples.

"Ahm, w-wala.", utal kong sagot.

Hindi ko s'ya magawang titigan sa mata, kasi ang cute niya masyado. Medyo chinito ang datingan nito, kaya hindi ko maiwasan na 'di mailang.

"Here.",
"--Alam kong uhaw ka.", turan niya at inilahad ang mineral water na hawak nito.

"P-para sa akin?", paniniguro ko.

"Yes. Para sa'yo. Ako yung photographer na kumukuha ng picture kanina, while you are dancing.", saad niya ulit dahilan para mapangiwi ako.

S-seriously? Nakita niya ako?
Oh shit! Kasalanan 'to ni Gino eh!

"Ah hehe, j-joke-joke lang 'yon. Trip lang namin.", turan ko habang kinakamot ang aking pisngi.

"You look so shy. Pero wala kang dapat ikahiya dahil maganda ka sa bawat larawan.", pagsasabi ng binata.

Tumabi ito sa akin para ipakita ang mga pictures.

"See? You're like an angel. Angelic face and have a gorgeous smile.", pagpupuri niya dahilan para mamula ako.

"Eh enebe, ako lang 'to.", mahangin kong tugon na may pabebe sa boses.

Bahagya itong tumawa, kaya mas gumwapo ang mukha niya.

Ewan ko ba, pero napasabay ako sa tawa niya.
Damn! He's really cute!

"Ang saya ha?", sacrastic na sambit ni Gino sa harapan naming dalawa.

Napatigil tuloy kami at napatingin sa kanya.

"Halos pabalik-balik ako sa mall, nandito ka lang pala.", wika nito na seryosong nakatingin sa mata ko.

Tinaasan ko lang s'ya ng kilay para iparating na hindi ako natatakot sa titig niya.

Wala eh, mataas ang pride ko.
Besides, siya ang may kasalanan.

"Mag-shota ba kayo?", the boy asked me.

"Mag-asawa.", diretsang sagot ni Gino na hindi man lang ako pinasalita.

"Ohh, I'm sorry.",
"--Sige, alis na ako. Thank you, Miss. I mean, Missis.", saad ng lalaki.

He just waved his hand at tuluyan ng umalis.

Kaya heto, kami na lang ni Gino ang naiwan.

"Hays. Ano bang problema mo, Airah?", tanong nito habang napasapo sa noo.

"Try to ask yourself, para malaman mo.", pagsusungit ko at inirapan pa siya.

"Wait, are you jealous?", sambit niya ulit.

"Of course not. Bakit naman ako magseselos? May sariling mundo rin ako--hmmm.",

Shit! Dinampian niya ako ng halik.

"Ano ba?! Para sa'n ba 'to?", mataray kong bigkas.

"You know our rule, right? Isang selos, isang halik.", ngising pahayag nito.

"Hindi nga ako nagseselos! Kahit pumunta ka pa sa mga babae, hinding-hindi ako magseselos, dahil dugyot ka!", sigaw ko naman.

Pero inakbayan niya lang ako at tila hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.

"Babae nga naman, ang hirap intindihin. Buti na lang, lalaki ako.", pagsasaad nito.

"Gino--",

"Fries lang ang katapat mo, Airah. So let's eat.", turan niya kaya tinikom ko na ang aking bibig.

We went to the jollibee, dahilan para maganahan ako.

I just really love fries!
Ewan ko ba at natatakam ako kapag ito ang pumapasok sa isipan ko.

Halos ilang fries din ang naubos ko bago kami lumipat sa ibang kainan.

Kakabukas lang ng seafoods restaurant, so we try to eat there.

"Eto na po ang order niyo, Ma'am and Sir. Enjoy eating.", saad ng waitress sa amin.

"Thank you.", tugon ko naman.

Mabilis kong kinamay ang isang hipon, at kinain ito.
Sobrang nasarapan ako kaya marami rin ang nakain ko.

"Solve!", malakas na sambit ko kasabay ng paghaplos ko sa aking tiyan.

"Then it's good. I'm happy to see your smile.", wika ni Gino at inalis pa nito ang butil na kanin na naiwan sa gilid ng labi ko.

Kaso ewan ko ba at medyo nakaramdam ako ng pagkakati.

"Airah, are you okay?", tanong niya na tila may pangangamba.

Hindi ako makasagot dahil patuloy ako sa pagkamot.

"Yung m-mukha mo, namamaga.", he said again.

"G-gino, I--I can't b-breath.", nahihirapan kong sabi.

Tila sumisikip kasi ang dibdib ko kaya hindi ko namalayan at unti-unti ng nandilim ang paningin ko.

"Airah!", huling sigaw nito na narinig ko mula sa bibig niya.

He's My Boss (Book 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon