Chapter 85
Gino's POV:
Pinag-isipan ko ng mabuti ang lahat.
Tinugma-tugma ko ang mga pangyayari na nagpalabo sa relasyon namin ni Airah.
At kahit anong anggulo ang gawin ko, tumutumpok ang lahat.
And to make it more clear, ako na mismo ang kusang pumunta sa hospital kung saan naconfine si Jake noon.
Tinungo ko na rin ang CCTV area para makita ko sa aking mata kung nandito nga ba si Maxine nung mga araw na 'yon."Boss, hindi ka pwedeng pumasok dito. This is a private room. Tanging kami lang ang pwedeng--",
"Fucking shut your mouth.", malutong na sambit ko dahilan para padaanin ako ng maskuladong lalaki.
Tumabi agad ako sa nag-ooperate ng CCTV para utusan ito na ibalik ang video sa petsa na nandito rin ang binata.
Aangal sana ang taong 'to, kaso linabasan ko siya ng twenty-thousand kaya mabilis niya akong sinunod.
At do'n, malinaw sa aking isipan na dinala nga rito ang dalaga.
Sa isang pinaka-main room siya na-confine.But wait? Na-confine rin siya?
Does it mean na may sakit din si Max?Sa nalaman ko ngayon, may dumagdag tuloy na katanungan sa utak ko.
And I need this to know.May maling sinisigaw ang dibdib ko eh. Kaya gusto kong masagot din ito.
___
Agad-agad akong bumaba sa first floor, dahil sabi ng lalaki kanina, dito raw naka-assign yung Doctora na nag-assist kay Maxine.
Hindi ako nahirapan na hanapin siya, kasi pagkababa ko palang, saktong bumungad ito sa harapan ko.
"Doc, can I talk to you?", magalang na turan ko sa Ginang.
"I'm sorry hijo, pero nagmamadali ako.", bigkas niya sa akin.
"May gusto lang akong itanong Doc, at alam kong ikaw ang makakasagot nito.", tugon ko rito.
"Ano ba kasi ang itatanong mo? Bilis-bilisan mo dahil ayokong sinasayang ang oras ko.", wika niya bilang pagpayag.
"It's all about Maxine Mendez. And I know that you know her also, since malaki ang share niya rito sa hospital.", diretsang saad ko.
"W-what do you mean, by that?",
"I'm Maxine, friend. A close friend, rather. So when I saw the CCTV, hindi ko maiwasan na 'di mag-alala sa kanya. So please, tell me the truth. May malubha bang sakit si Max?", tanong ko na hindi man lang nagpaligoy-ligoy.
"Hijo, I can't answer your question. Pinabilin sa akin ng dalaga na 'wag kong sasabihin kahit kanino ang sakit niya.", paglilitanya nito.
"Pero kaibigan niya ako. Kaya may karapatan akong malaman 'yon.", pagmamatigas ko para mapilitan s'yang sagutin ako.
"Malaman ang alin?",
Bigla namang sulpot ni Maxine mula sa likuran ko. Awtomatikong napalingon ako sa babaeng nakatayo habang bitbit ang malaking wallet.Napuna ko ang pagsenyas nito sa Doctora dahilan para magpaalam ito sa amin.
"Excuse me, may mga pasyente pang naghihintay sa akin. Maiwan ko na kayo.", huling bigkas niya at umalis.
At heto, kami na lang ni Max ang magkasama.
"So why are you here, Gino? Akala ko ba, wala kang balak na bumalik sa lugar na 'to? So anong dahilan ng pagpunta mo? At talagang dito ka pa sa hospital napadpad?", she asked me.
"I--I know everything Max.",
"--Inamin na sa akin ni Jake ang pag-uusap niyo.","H-huh?", nagtataka nitong sambit.
"Pero h-handa akong kalimutan 'yon, basta sabihin mo ang totoo mong kalagayan.", seryoso kong sabi.
"What are you talking about?", curious na bigkas niya.
"Max--",
"Gino, if you're thinking about my health, wala kang dapat ipag-alala dahil malusog ako. See? Halata naman diba?", ngiting pahayag niya habang pinapakita ang katamtaman nitong katawan.
"Nagsisinungaling ka Maxine. I can read it on your eyes.",
"Hays. Napapraning ka Gino. Bakit 'di mo na lang atupagin si Airah? Total, alam mo na rin ang dahilan kung bakit ka niya hiniwalayan.", inis n'yang sabi.
"Babalikan ko si Airah. But for now, gusto ko munang marinig mula sa labi mo ang--",
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad s'yang nagsalita.
"Fine. I have a cancer. May cancer ako sa puso. And yes, m-may taning na ang buhay ko.",
"--So ano, masaya ka na ba ha?", she said as her tears fell down.Sobra akong nabigla sa sinabi niya.
Hindi ko inaasahan na ganito pala ang sitwasyon ng babae.Marahan ko s'yang yinakap habang hinahaplos ang likod ni Max.
"H'wag mo akong kaawaan Gino, because I hate it.", wika nito at bahagyang humihikbi.
"Pwede ba Max, ibaba mo muna ang pride mo, kahit ngayon lang? Kasi hindi magandang biro ang sakit mo.", pagalit kong saad.
"I accept it. Matagal ko ng tanggap 'to. And this is the reason why I'm back here in the Philippines. 'Cause I want to make sure na magiging masaya ka sa taong mamahalin mo.",
"--So I'm sorry for ruining your relationship with Airah.", sincere nitong wika.Dahan-dahan s'yang umalis sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mata.
"But can you please, promise me?",
"--Promise me na hahanapin mo si Airah. Makipagbalikan ka sa kanya, Gino. Kasi ramdam kong mahal ka niya. So please, do it.", litanya ng kaibigan ko."Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko 'yon. Aayusin ko ang relasyon namin. Magpapakasal kami, lalo pa't nagdadalang-tao siya.", tugon ko naman para hindi na ito mag-isip pa.
"S-she's pregnant? Oh gosh! It nice to hear! Sana all magkaka-anak na.", wika nito at dinaan pa talaga sa tawa.
She's a strong woman.
Kaya may tiwala ako na malalabanan niya ang sakit.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...