Chapter 36
Jake's POV:
"Fuck!", paulit-ulit kong mura habang sinisisi ko si Gino.
Tangina, kung alam ko lang na darating sya bigla ay hinalikan ko na si Airah para wala ng lusot.
Kahit kailan talaga, panira ang lalaking yon.Idinako ko ang aking mata sa orasan kung saan nakasabit sa wall.
Halos magkakalahating oras na palang nasa labas si Airah at hindi na ako binalikan pa.
Bullshit!
Talagang pinaparamdam nya na mas mahalaga talaga si Gino kaysa sa akin. Tsk.Narinig ko naman ang pagpihit ng door knob dahilan para mapalingon ako.
Buong akala ko ay ang dalaga na ang papasok, pero hindi eh. Yung nurse mismo ang nakita ko habang dala na ang gamot."Sir, it's already 9 a.m, kailangan nyo na hong uminom ng gamot.", magalang na sabi nito.
"Nasan ang babae kanina?", I asked her. Medyo malamig ang pagkakatanong ko non dulot siguro ng kabadtripan ko.
"Ah si Ma'am? Kakapaalam nya palang sa akin na aalis sya. And I don't know kung saan ang tungo nya. Basta ang tanging alam ko, kasama nito ang kanyang nobyo.", mahabang sagot ng nurse.
Unti-unti namang napakuyom ang aking kamay dahil sa selos na hindi ko mapigilan.
Alam kong hindi pa sila nagkakabalikan na dalawa, pero sa mata ng iba, nagmumukha na silang magshota. At isa yon sa kinaseselosan ko ng sobra.
"So here Sir, mas mabuting uminom ka na. Para sa ganon, pwede ka ng makapagpahinga at matulog ulit.", muling sabi nya.
Hindi na ako nagmatigas pa ng ulo dahil kailangan ko na rin sigurong magpagaling para naman mabantayan ko na lagi si Airah.
Kapag nakaalis na ako rito sa hospital, mas madali akong makadikit sa dalaga at maiinis ko lalo si Gino once na maging malapit muli kami ng babae.
Yes, masama na ako sa paningin nyo. Pero this is the only thing na naisip ko at wala naman sigurong mali sa binabalak ko dahil nagmamahal lang ako.
»»»»«««««
Gino's Pov:
Hindi maipinta ang mukha ni Airah dahil sa naging sagutan namin sa labas ng hospital.
Yung panunuyo at paglalambing na ginawa nya ay napunta sa ganong usapan.
Naging sentro na rin kami ng mga tao dahil sa sobrang PDA namin.At heto't kasama ko na ang babaeng mahal ko sa kotse para naman mawala na ang init ng ulo nya.
Nabaliktad nga ang sitwasyon dahil ako na itong nanuyo sa kanya.
Pero bago kami tumungo sa loob ng kotse ay nagpaalam ito sa nurse at binilin nya muli si Jake rito.Ayoko munang makita ang pagmumukha ng lalaking yon dahil hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano nakapulupot ang braso nito sa bewang ng dalaga.
Putangina! Kung hindi lang baldado ang katawan non, malamang ginulpi ko sya.
"Pwede ba Gino, dahan-dahan ka naman sa pagmamaneho, kung gusto mong magpakamatay, wag mo akong idamay! Potah!", sigaw ni Airah kaya't naging marahan na lamang ang pagpapatakbo ko ng kotse.
"Oo na boss. Pasensya na.", sambit ko sa kanya.
"Ewan ko sayo."
"Kung pinoproblema mo yang kaliitan ng junior mo, wag kang mag-alala may titan gel na pwede mong gamitin.", pabalang na advice nito.Napapreno ako ng wala sa oras at napatingin sa dalaga.
"What the heck?! Hindi ko na kailangan gumamit non dahil matagal ng malaki to at matagal na ring mahaba to.", inis kong turan.
"Ang guilty mo masyado. Nag-aadvice lang ako, baka sakaling kailangan mo. Like duhh!", mataray na bigkas nya.
Napailing na lamang ako at muling pinagpatuloy ang pagdadrive.
Pag ito talaga pinasok ko sa kweba nya, baka umaray sya at mapahiyaw.
Sa naisip kong kapilyuhan ay tila ba nabuhayan ang alaga ko dahil kumislot ito sa loob ng aking brief.
"Hays. Wag muna ngayon Junjun, flat pa ang dede nyan.", bulong na saad ko.
Buti na lang at hindi yon narinig ni Airah dahil kung magkataon na narinig nito ang sinabi ko, panigurado akong giyera muli to.
Sa park ko tuluyang hininto ang aking kotse.
Dito talaga ang aming destinasyon dahil naalala ko na ngayon na ang award sa photographer na nagpicture sa amin ng dalaga.Pagbaba pa lang namin na dalawa ay bumungad sa amin ang mga litratong nakakabit sa itaas.
Napaukit naman ang aking labi nang masilayan ko ang larawan namin ng babaeng mahal ko."Grabe! Ang cute ko talagang ngumiti, di tulad ng isa dyan, parang asong ulol na nakadrugs kapag naka-smile.", pagpaparinig nito sa akin.
Tsk! Mukhang napapadalas na yata ang pamimikon nya sa akin ha?
"Halatang may muta ka pa talaga. Tingan mo ng mabuti, nang dahil sa kagwapuhan ko nadala ka. Kaya imbis na maliitin mo ako, dapat ngang ipagmalaki mo ang isang tulad ko.", wika ko sa kanya para magising sya.
"Wow lang ha? Kung gusto mo talagang ipagmalaki kita, try mo munang palakihin yang bulate sa baba mo. Kadiri! Blehh!", saad nito na parang bata na may padila-dila pang nalalaman.
"Sige lang my wife, asarin mo ako ng asarin at pikunin mo ako ng pikunin, pero once na nagtalik na tayo, ayokong makita na mapaluha ka sa kargadang dala ko.", wika ko sa kanya.
"Masyado ka talagang mahangin ano? Dapat pinangalan sayo ay Mr. Gino Mayabang.", masungit na tugon nito.
Sa kalagitnaan ng pagtatalo namin ay biglang tinawag ang aming pangalan sa mini-stage sa gitna ng park.
"And the sweet couple of the month ay walang iba kundi sila Mr. Gino at Ms. Airah Magalang.", anunsyo ng babaeng may hawak na microphone.
"Oh my gosh! Name ko yon ha? Name natin yon Jutay! Potaahhhh nanalo tayo hubby! Waaahh!", sigaw ni Airah na animo'y nakatama sa lotto.
Wala itong kahiya-hiyang tumakbo sa stage at kinuha ang microphone sa babae.
"Thank you everyone. Thank you sa suporta. Hindi ko ine-expect na masusungkit namin ang award na to. I'm so happy po talaga. To all my fans, my friends and of course sa family ni Gino, para sainyo ang pagkapanalo namin.", mahabang speech ng dalaga.
Wala akong nagawa kundi ang mapakamot dahil ako ang nahihiya sa kanya. Pero aminado ako na natutuwa ako sa inakto nya.
Kaso wala na yatang mas nakakahiya pa nung kunin muli ng babae ang microphone.
"Ahm I'm sorry Miss Airah at sa lahat ng taong nandito, nagkamali ako ng pagka-announce."
"Ang totoong Sweet couple of the Month ay sina Mr. Dino and Ms. Ailah Magarang.", pagkokorekta nito na tila ba maging sya ay nakaramdam ng hiya.Halos mamatay naman ako sa kakatawa dahil sa naging itsura ni Airah sa stage.
Kinunan ko ito ng picture para may magamit ako sa kanya na pang-asar mamaya.Hahaha laptrip ang reaksyon nya.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...