Chapter 81
Gino's POV:
It's been one week since I left the company.
And I just choose to stay here in resort hanggang sa makalimot ako.I don't even care kung meron kaming ala-ala ni Airah dito, basta ang tanging gusto ko lang ay makalanghap ng sariwang hangin.
Besides, tahimik ang lugar na 'to kaya nakakapag-isip ako ng tamang desisyon.Tumayo na ako mula sa kama at kinuha ang polo na nasa sahig.
Nag-umpisa na akong magbihis dahil mamaya, alam kong darating si Maxine para tingnan ang kalagayan ko."Hey. Leave now.", pag-gigising ko sa babae na tulog mantika.
Nakabalot ang katawan nito ng malaking kumot para takpan ang pagkababae niya.Obvious naman siguro na may nangyari sa aming dalawa.
This girl, I don't know her.
Nakilala ko lang siya kagabi at saktong nag-iinom ako ng alak no'n."But sweetie, I'm tired. Pwede bang dito muna ako? Masyado mo akong pinagod, remember?", inaantok na turan ng dalaga.
"Fuck. Just leave. Hindi ka pwedeng magtagal dito.", asar ko ng saad dahilan para mapabangon ito.
"Fine.", tanging bigkas niya at lumabas na ng room habang nakapulupot pa rin ang kumot sa katawan.
Napailing na lamang ako habang tinutungo ang lagayan ng wine.
I was about to drink it, kaso may isang kamay ang pumigil bigla sa akin.
"Umiinom ka sa ganitong oras?", wika ni Max at inagaw ang wine na hawak ko.
"Tsk. Give it back to me.", turan ko rito.
"No. Hindi ko ito ibibigay sa'yo.", mataray na sambit niya.
"Kung pumunta ka dito para sermonan ako, much better kung bumalik ka na lang do'n sa kompanya.", malamig kong sabi at mapwersa kong inagaw ang baso.
Nakatingin lang siya sa akin habang linalagok ko ang alak.
"Ghad Gino! Akala ko ba aayusin mo ang buhay mo! So what's this? You're just making your life misearable.", diin na turan ni Maxine na tila umuusok na ang ilong sa inis.
Napadako naman ang mata nito sa isang sofa na kung saan nando'n ang panty ng babae.
Shit! Nakalimutan kong naiwan niya pala ito.
Kaya mas lalong uminit ang ulo ni Max na para bang hindi na matimpi ang sarili.
"And that panty? Mukhang hindi ko na naman yata gusto ang ginagawa mo. How could you--",
Bago pa man siya makasigaw, hindi ko na hinayaan pang matapos ang panenermon niya.
"Max, ano ba!",
"--Naririndi na ako.", I said with a serious voice."Hindi ko kailangan ang sasabihin mo. Kaya makakaalis ka na.", patuloy kong saad.
"Salamat na lang sa pagbisita mo.", huling wika ko kasabay ng pagturo ko sa pinto para ipahiwatig na lumabas na siya.
Matalim niya lang ako na tinitigan at saka ito tumalikod.
Kahit papa'no, nakahinga ako ng malalim. But yeah, I feel sad at the same time. Nakonsensya ako na sinigawan ko si Max.
Pero sa pangalawang beses, muling bumukas ang pinto.
Awtomatikong napalingon naman ako sa pag-aakalang bumalik si Maxine.
Kaso hindi eh. Hindi si Maxine ang nasilayan.
Si Airah!
Nandito si Airah!
Pero paano n'ya nalaman na nandito ako sa lugar na 'to?
"Why are you here?", agad na tanong ko sa kanya.
My voice is different right now.
Kalmado lang ako pero puno ito ng galit.
"M-may gusto akong sabihin sayo.", tugon niya na animo'y kinakabahan.
"Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na.", pagbibigkas ko ulit.
Dahan-dahan s'yang lumapit sa aking pwesto habang dala ang isang maliit na plastik.
Hindi ko alam kung anong laman no'n, pero bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko.
"G-gino, I'm pregnant. B-buntis ako Gino. M-magkakababy na tayo.", naluluhang wika niya.
Literal na nagulat ko.
Hindi ko lubos maisip na masasabi niya ang lahat ng 'to.
Pero yung reaksyon ko, kaagad ding bumalik sa normal.
"Are you out of your mind? Anong akala mo sa akin, uto-uto para maniwala?", sambit ko sa kanya na may kataasan ang tono.
"B-but Gino--",
"May boyfriend ka, diba? Kaya paano ako maniniwala sa isang tulad mo?",
"--H'wag mong ibigay sa akin ang responsibilidad ni Jake. Hindi ako bayani para sagipin ka.", pahayag ko sa babaeng kaharap ko ngayon."W-walang nangyari sa amin ni Jake. Pero sa atin, meron. Maraming nangyari sa atin, Gino. Kaya alam kong ikaw ang ama ng batang dinadala ko.", malungkot na paliwanag nito para kumbinsihin ako.
Tumaas tuloy ang dugo ko kaya mariin kong hinawakan ang braso niya.
"Stop your drama, Airah. Dahil kahit umiyak ka pa, hindi ako maaawa sayo.", saad ko at napatingin ako sa t'yan niya.
"--Wala akong anak. At lalong hindi ko anak 'yan.", matigas kong turan.
At this moment, biglang sumulpot ang dalagang na-kama ko.
Kaya pareho kaming lumingon sa gawi niya.
"Sweetie, naiwan ko yata ang phone ko.",
"--Ohh, I'm sorry, sino ba siya?", pagtatanong niya nang makita si Airah."She's nothing.", mabilis kong sagot.
"Hmmm, okay. I thought, girlfriend mo.", sambit nito at tumungo sa amin.
"--Kunin ko na ang phone ko ha? Thank you sa time kagabi. I really enjoyed it. Sana maulit.", mapang-akit na turan niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
Matapos nitong makuha ang phone, lumabas na ulit siya ng room.
Kaya yung atensyon ko, napapunta muli kay Airah.
"K-kung hindi mo m-matanggap ang bata. B-bubuhayin ko siyang mag-isa. Papalakihin ko siya. Pero eto ang tandaan mo Gino, kapag nanganak ako, 'wag kang babalik sa amin.", saad niya at saka nilapag ang supot na hawak nito.
Wala akong nasabi sa mga oras na 'to.
At abot-tingin ko na lamang siya habang naglalakad palabas ng pinto.
Nang sumara ito, kaagad ko namang binuksan ang supot na iniwan niya.
It is a pregnancy test.
A pregnancy test, proving that she's pregnant.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...