Chapter 51
Airah's POV:
Tinalikuran ako ni Gino na may galit na dinaramdam.
Sa totoo lang, hindi ko intensyon na sigawan siya.
Sadyang na-iipit lang ako sa mga nangyayari ngayon.Gustuhin ko mang unahin siya, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang kalagayan ni Jake. Mas kailagan ako ng binata sa mga oras na 'to. Kailangan niya ng taong may makakausap at makakasama. At alam kong ako lang ang malalapitan niya.
Napahinga ako ng malalim bago humakbang papasok muli sa room ng kaibigan ko. Gaya kanina, tulala pa rin ito at tila ayaw kumibo. Ni hindi niya rin ako magawang sulyapan. Nakakalungkot lang dahil unti-unti ng nawawala 'yong dating Jake na nakilala ko noon.
Kumuha ako ng isang saging at inalisan ko ito ng balat. Dahan-dahan kong inilahad ito sa kanya para sa gano'n, tumingin siya sa gawi ko.
"Here. Masustansya 'to para sa katawan.", I said.
Mahina lang ang pagkakasabi ko no'n, gamit ang malambing kong boses."Ayoko niyan.", malamig na tugon nito. Kahit papano, napangiti ako. At least, nagsalita rin siya sa kabila ng pagiging tahimik niya pagdating ko.
"Ang sungit mo na Jake. Alam mo bang nakakabawas ng kagwapuhan ang pagiging ganyan? Kaya kainin mo na 'to. 'Wag ka ng mag-inarte.", natatawang sambit ko. I try my best to laugh, but to be honest, naaawa talaga ako sa kanya.
"Tsk. Bakit ka ba nandito? Hindi kita kailangan. At hindi ko kailangan ang tulong mo.", wika nito sa akin.
"Hindi ako nandito para tulungan ka. Nandito ako para ibalik 'yong dating Jake na kaibigan ko. Kaya pwede ba, hayaan mo akong gawin 'to sayo.", saad ko at ako na mismo ang naglagay ng saging sa kamay niya.
Gulat na gulat ang binata sa aking inakto ngayon.
Umupo naman ako sa tabi niya at agad kong hinawakan ang palad nito.
"Sabi ng nurse, tinangka mong patayin ang sarili mo. Bakit mo ba 'yon ginawa?", mahinahong tanong ko.
Mabuti ng malaman ko ang dahilan niya."Bakit 'di mo tanungin 'yan sa sarili mo?", balik na bigkas nito na akin namang ikinakunot-noo.
"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit parang kasalanan ko pa? Hindi kita maintindihan Jake.", saad ko muli.
"Talagang hindi mo ako maiintindihan Airah. Dahil wala ka rito nung panahong wasak na wasak ako. Wala ka rin dito nung kailangan ko ang tulong mo. Dahil umalis ka at sumama ka kay Gino.", matigas na turan ng binata.
"Hindi totoo 'yan. Kahit na kasama ko si Gino, iniisip pa rin kita. Iniisip ko ang kalagayan mo. Kaya nga, binigay ko sa nurse ang number ko para sa ganon matawagan niya ako.", wika ko rito.
"Pero tinawagan kita Airah. Tinawagan kita gamit ang cellphone ng nurse. Nakihiram ako sa kanya dahil gusto kitang makausap para sabihin sa'yo na hindi maganda ang pakiramdam ko. Tinawagan kita pero ang gagong 'yon ang sumagot.", galit na sambit niya.
Medyo napanganga ang bibig ko dahil hindi ko alam kung anong irereact ko. I don't have any idea na nangyari 'yon. Ang buong akala ko, ang nurse ang nakausap niya.
"Mukhang hindi ka yata makapaniwala sa sinabi ko. Hindi niya ba nabanggit sa'yo na tumawag ako? Akalain mo ba naman, nagsinungaling siya para lang hindi ka pumunta rito.", ngiwing saad nito ulit.
Masyadong magulo. I don't know kung sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo.
Bigla namang nanlambot ang puso ko nang makita ko na napaluha si Jake sa mismong harapan ko. Yes, he's crying right now.
"Depress ako Airah. Sobrang nadepress ako. Pakiramdam ko, wala ng may nagmamahal sa akin. Pakiramdam ko, iniwan na ako ng mga taong importante sa buhay ko. Si lola, namatay. Tapos ikaw? Pinaglaruan mo ang damdamin ko. Pinaasa mo rin ako at linoko. Hindi ko nga alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng 'to. Naging mabait akong tao, pero nagawa pa rin akong saktan. Ang tanging gusto ko lang naman ay mahalin ako ng totoo, kaso hindi mo 'yon naibigay. Kaya naisip kong mawala na lang sa mundo. Naisip kong kitilin ang sarili ko, para matapos na ang sakit na nararanasan ko. I'm so tired Airah. Pagod na akong mabuhay.", wika niya habang patuloy na bumabagsak ang mga luha sa mata.
Wala akong masabi.
Base sa mga salitang binitawan niya, isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.Mahigpit ko siyang yinakap at maging ako ay napaluha na rin.
"I'm sorry Jake. I'm sorry.", bigkas ko rito.
Matapos ko itong yakapin, pinunasan ko ang luha niya sa pisngi."H'wag kang mag-alala dahil simula ngayon, babawi na ako sayo.", saad ko muli sa binata.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...