Airah POV:
Two times.
Two times akong nagsinungaling sa harapan ni Gino.Mas pinili kong saktan sya dahil alam kong magiging mahirap at komplikado lalo sa akin ang lahat.
May nobyo na ako.
At sa tingin ko, tama lang ang naging desisyon ko.
Tama lang yong ginawa kong pagtulak sa kanya.I know na masakit ang binitawan kong salita, pero ito lang yung naisip kong paraan para sa ganon magising sya sa katotohanan.
Kahit naman kasi anong gawin ko, may isang tao pa rin talagang masasaktan.
•
Narinig ko naman ang pagsinghot ni Gino na tila ba sinisipon sya.
Kaya dahil don ay mabilis kong sinulyapan ang mukha nito,
and then I saw him,
I saw him crying.And i guess, pinipilit nyang wag kong marinig at makita ang kanyang paghikbi.
But it's too late, dahil nakita na yon mismo ng mata ko.Muli kong iniwas ang aking tingin sa kanya.
Feeling ko, anytime madadala ako sa emosyon na pinapakita ng binata.•
Bakit ganon?
Bakit parang nakaramdam ako ng awa?
Bakit parang gusto kong bawiin na lamang yung sinabi ko?
Bakit parang nanghihina ako kapag nakikita syang nagkakaganito?•
'Shit Gino!'
'Masyado mong nililito ang isip ko.'Sa pagkakataong ito, tila ba nagtatalo ang isip at puso ko.
Sinasabi ng isip ko na si Jake na lang ang dapat kong atupagin at pagtuunan ng pansin.
Pero yung puso ko?
Parang inuutusan ako nito na yakapin si Gino at magpakatotoo sa nararamdaman ko.I was still confused about my feelings.
Simula nang bumalik ako at nakita ko sya, parang nabuhay ulit ang pagmamahal ko sa kanya.
•
Napahinga ako ng malalim kasabay ng pag-agos ng luha sa aking mata.
Buhat na rin siguro ng kaguluhan ay hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko.
Gusto ko ng makalabas sa kwartong ito.
Habang tumatagal na nagsasama kaming dalawa ni Gino, mas nalilito ako.•
Napa-igtad naman ako ng bahagya nang biglang magring ang cellphone ni Gino.
Pinunasan ko na rin ang aking luha para hindi nya yon mahalata.
Nakita ko na medyo nahihirapan itong dukutin ang cellphone sa bulsa ng kanyang likuran.
Gusto ko sanang tulungan sya kaso nahihiya na ako.
Mabuti na lang at nagtagumpay syang madukot yon.
Kunware ay wala akong pakialam kung sino ang tumawag.
Pero yung tenga ko ay handa nang makinig kung anong sasabihin nya."Hello Gino? Where are you? Kanina pa ako nandito sa labas at hinihintay ka." tinig ng isang tao sa kabilang linya.
Naka-loudspeaker kasi ang tawag nito kaya rinig na rinig ko kung boy o girl ba ang kausap nya.
And it's confirmed!
Babae nga! Babae ang syang tumawag sa binata.Her voice is so cute to hear.
Kahit naiinis na ito ay medyo malambing pa rin ang datingan.•
"Sorry, nakulong kasi ako sa kwarto."
hinging pasensya ni Gino."What?! Saang kwarto ka ba nakakulong? Tell me, para mailabas kita dyan." sambit nya.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...