Chapter 2
Airah POV:
As of now, mag-isa lang ako sa bahay.
Wala eh, umalis si Jake dahil sabi nya, 'sya na raw itong mag-aasikaso at bahala ng passport.
Hindi na rin ako nag-atubling sumama pa sa kanya dahil medyo busy rin ang linya ko.
Matapos kong mag-almusal ay kinuha ko agad yung laptop para tingnan kung may mga nagmessage ba tungkol sa kompanyang hina-handle namin ni Jake.
Pero dahil wala naman akong nakita ay minabuti kong i-stalk ang account ni Ms. Maxine Mendez.
Oo, yan nga ang whole name ng babaeng hinahabol-habol namin para maging ka-deal sa business.Lahat ng mga post nya ay isa-isa kong binasa.
Pero natigilan ako bigla at nacurious sa status na kanyang pinost.
"Makikita na ulit kita G! I miss you so much."
Awtomatikong naningkit ang aking mata dahil dito.
Hindi ko alam, pero iba yung kabog ng puso ko.
By the way, si Ms.Mendez, Pilipina sya.
Kaya medyo mas sanay syang magtagalog.
Sa pagkakaalam ko, halos Five years rin syang nag-stay dito sa America, at sa loob ng Five years na yon ay naging successful syang tao when it comes sa pagpapatakbo ng Kompanya.-
Hays.Mas lalo tuloy nagkaroon ng katanungan sa isip ko tungkol sa pagkatao ng dalaga.
"Sino bang 'G' ang tinutukoy nya?"
"Ito ba ang dahilan kaya pumunta sya ng Pilipinas?"-Tanong na gumagabag sa akin ngayon.
Napailing na lamang ako kasabay ng pag-off ko ng laptop.
I think, wala namang rason para panghimasukan ko ang relasyon o minamahal ni Ms.Mendez.
Ang mas maganda siguro, maging masaya na lang ako sa kanya.
Kasi kahit papano ay nasagot ang isa sa mga tanong ko tungkol rito,
'Kung bakit hindi pa sya nagkakaroon ng boyfriend?'
And I guess, si 'G' ang dahilan kung bakit single pa sya until now.
At siguro si 'G' rin ang lalaking hinihintay at ini-ibig nya ng palihim.
Kung sino man ang 'G' na yon, maswerte sya dahil ang sexy at napakagandang babae ni Maxine.
Jake POV:
Isang oras lang ang tinagal ko at nakakuha na agad ako ng passport namin ni Airah para sa flight pabalik ng Pilipinas bukas.
Yes, mas maganda kung bukas na lang kami tumuloy.
Ang gusto ko kasi ay makapagbonding kami ngayon ng babaeng mahal ko.
Sa tatlong buwan kasi na nakasama ko sya dito sa America, bihira na lang kaming magdate dahil sa busy palagi ang linyada naming dalawa.
Ganito siguro talaga kapag meron na kayong kompanyang pinapatakbo.
Halos konti na lang ang oras nyo sa isat-isa.
Pero ayos lang, dahil wala namag nagbago sa relasyon namin ni Airah.
I really love her.
Kaya sa tuwing naaalala ko yung araw na sinagot nya ako, napapangiti na lamang ako dahil sa saya.Wala eh, inlove na inlove na ako sa kanya.
At habang tumatagal na nakakasama ko sya, mas lalo kong minamahal ang dalaga.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...